Kabanata 6

136 11 9
                                    

Inis na inayos ko ang suot na damit bago binuksan ang pinto ng study room. Two sets of eyes darted on me when I finally entered the room. Hindi ko naiwasang itaas ang kanang kilay. Isang matangkad na lalaki ang nakaupo sa harap ni Gray. Tila may pinag-uusapan ang dalawa.


"H-Her Majesty!" Malakas na sabi ng lalaki bago tumayo. A familiar voice.



Marahan lamang akong tumango bago sinulyapan si Gray. Mataman lang siyang nakatitig sa akin. Para bang ano mang oras ay lalamunin niya ako ng buhay.


"We're in the middle of discussing about your birthday, my Queen. Are you here to suggest—."


"I need a sewing machine." Pagputol ko sa pagsasalita niya. I know I'm being rude, but I can't help it. He's obviously lying.



Parehong napamaang si Gray at ang lalaking kausap nito. Gray stood up and walked slowly. Nang makalapit siya sa akin ay salubong ang kilay na tinitigan niya ako. "A sewing machine?"



"Didn't you hea—."



"You asked our people to throw away every sewing machine in the palace because it reminds you of Eerah." Seryosong sabi ni Gray na ikinasingkit ng mga mata ko. I was shocked but I don't want him to notice it, kaya mabilis na ipinaskil ko ang ngisi sa mga labi.




"You're right, but I kinda want to learn how to..." Kusa akong tumigil sa pagsasalita nang bumukas ang pinto. Isang dalaga ang pumasok na nakasuot ng kulay pink na bestida. She looks like someone who came out of a fairy tale book. She's gorgeous. She's pretty and I don't like her.




"Gray, I have something to show—." Natigil ito sa pagsasalita nang mapansin ang malamig kong titig. "Tali—Queen Talixiah." Alanganin nitong sabi bago sumulyap sa lalaking kausap ni Gray. Mukhang hindi nito inaasahang maliban kay Gray ay may dalawang tao pa itong mararatnan sa study room.



Tiim ang mga bagang na nilingon ko si Gray. Madilim ang ekspresiyon sa mukha niya. Hindi yata niya gustong magkita kami ng babaeng mas bata pa yata sa akin. Sa likod ng madilim na ekspresiyon sa kaniyang mukha'y nababanaag ko ang pagsilip ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. Pag-aalala para ba sa akin? O pag-aalala para sa kalaguyo niya dahil sa mga maaari kong gawin?


"Eerah, right?" Sabi kong may diin sa pangalan nito. Marahang tumango ang babae bago yumuko. She's showing her respect pero halata sanpagkuyom ng kamao nito ang galit at pagkairita. Kung wala lang siguro dito ang lalaking kausap ni Gray, tiyak na pagbubuhatan ako ng kamay ng babaeng ito. "How old are you?"



"I'm twen—."




"Uh nevermind." Putol ko sa pagsasalita nito na siyang ikinahawak ni Gray sa balikat ko. I can feel the fire in his eyes. He's angry, pero wala akong pakialam. He's having an affair with this girl in front of me! "Anyway, why are you here? Didn't your parents told you to knock first before entering someone's private place? Considering that...that someone is not just an ordinary person." Makahulugan kong sabi bago muling sinulyapan si Gray, this time I looked at him with disgust.



Napansin ko ang pagtingin ni Eerah kay Gray na para bang humihingi ng tulong. Bitch, I know your true color. You're planning to take everything away from Talixiah! Acting like an innocent child right in front of my face? Nagpapatawa yata ito.




"Talixiah..." Mariing sabi ni Gray na halos ikangisi ko.




"Oh, am I scaring you? Don't be scared, Eerah, mabait akong tao." Makahulugan kong sabi bago ngumiti. Mula sa mukha nito'y bumaba ang tingin ko sa bitbit nito. A silky cloth. Walang pasabi ko iyong kinuha na siyang ikinasinghap ni Eerah.



Talixiah: The Fearless Queen  (Drifters Series 2)Where stories live. Discover now