Kabanata 1

135 8 0
                                    

"One million, sapat na ba iyon bilang bayad para sa anak ninyo?" Narinig kong sabi ng isang lalaki. Kagigising ko lang dahil halos madaling araw na akong nakatulog. May mga ipinadala pa kasing mensahe si Damon. May nakuha rin siyang information about that pig; Simon.

Tama ang nabasa ko, 100% na matutunton nila ang kinaroroonan ko. I killed his right hand kaya kaagad nila akong pinaimbestigahan.

Inutusan ako ni Damon na sumakay sa plano ng matabang gurang na iyon. Kaya ito, kailangan kong umarteng parang mahina. God, bakit hindi ko na lang kaya pasabugin ang mga ulo ng mga tauhan ng baboy na iyon?

Oh I forgot, hindi ko nga pala dala ang baril ko. Palagi ko iyong iniiwan kay Damon. Mahilig kasing maghalungkat ng gamit ang Papa ko. Mahirap na baka masira ang mga plano namin kapag nakita nitong may baril sa ilalim ng aking unan.

"Sapat na iyon!" Kahit hindi ko nakikita alam kong kumikinang ang mga mata ni Papa.

Pero sandali, isang milyon?! Napakababa na nga siguro ng tingin sa akin ng mga magulang ko. Biruin mong sa ganda kong ito isang milyon lamang ang halaga?!

Kaagad akong pumunta sa sala. Doon ko nakitang nakaupo si Simon sa mahabang sofa. Sa gilid nito ang isang lalaking marahil ay ang ipinalit sa lalaking pinatay ko kagabi.

"Hindi ako papayag!" malakas kong sigaw na ikinatalim ng tingin sa akin ni Papa. Go with the flow daw sabi ni Damon. Siya daw ang bahala kapag may nangyaring wala sa plano.

"Anong pinagsasasabi mo?! Hala, sige, pare ikaw na ang bahala kay Serena." Sabi ni Papa sa kumpare nitong malaki ang pagkakangisi sa akin.

Wait, kumpare ni Papa ang baboy na ito?!

Akma akong tatakbo palayo nang mahagip ni Mama ang mahaba kong buhok. Mahigpit ang pagkakahawak niya roon na halos ikatanggal na ng anit ko. Damn! Remind me to kill this woman. "Serena, para rin naman sa iyo ang ginagawa namin! Kapag nasa poder ka na ni Simon, magiging maayos ang kalagayan mo! Mas matutulungan mo pa kami dahil ipinangako sa amin ni Simon na maliban sa isang milyon ay bibigyan niya pa kami ng karagdagang pera. Iyon ay kung magiging maganda ang pagsasama ninyo!" Mariing bulong sa akin ni Mama na halos ikahimatay ko. Pagsasama? Little did they know, papatayin ako ng Simon na iyon!

"Magulang ko ba talaga kayo?! Hindi na ba talaga importante sa inyo ang nararamdaman ko?" Naiiyak kong sabi. Malinaw na wala na talaga silang pakialam sa akin.

Damn this life! Kailangan ba talagang umarte akong umiiyak?

"O eh anong gusto mo?! Habambuhay tayong tutunganga dahil sa kahirapan?!" Galit na sabi sa akin ni Mama. "Ito na nga lang ang maibabayad mo sa mga pagsasakripisyo namin umaayaw ka pa?!"

Parang gusto kong sumigaw pabalik at isampal sa kaniya ang pera ko sa bangko.

"Hindi naman sa ganoon 'Ma! Kaya ko naman kayong tulungan pero hindi sa ganitong paraan!" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. But of course, iyak-iyakan lang. Kung hindi lang dahil sa utos ni Damon hindi ko gagawin ang kahihiyang ito.

"Pero dito tayo madaling aangat. Hayaan mo, sa umpisa lang naman mahirap, kapag nagtagal ay magugustuhan mo na rin ang pagsasama ninyo ni Simon." Sabat naman ni Papa na halos ikasuka ko. Naririnig ba nila ang sinasabi nila?

"Siguro nga'y hanggang dito na lang ang kaya kong gawin para sa pamilyang ito. Ang sakit sa puso na sarili kong pamilya naaatim na ibigay ako sa ibang tao kapalit ng salapi." Madamdamin kong sabi. "I wish I was born in a different family. Gusto ko yung pamilyang kahit na mahirap kami'y okay lang, at least magkakasama kami." Dagdag ko pa. Pero wala man lang naging epekto sa mga magulang ko.

Talixiah: The Fearless Queen  (Drifters Series 2)Where stories live. Discover now