Kabanata 8

101 9 12
                                    

"Your Majesty, Queen Talixiah," magalang na pagbati sa akin ni Lior pagkapasok nito sa library.







"Sir Lior," may ngisi sa labing sabi ko bago umayos ng pagkakaupo. "We have a lot of things to talk about."







Napansin ko ang bahagyang pagtango ni Lior. May hinala akong marami itong alam. Kaya naman wala akong ibang dapat na lapitan kundi ito. If I'm not mistaken, Lior is the most trusted assistant of Gray.








"Do you want me to pour you some tea?" Magalang nitong sabi bago naglakad palapit sa kinalalagyan ng teapot at teacups.









Bahagya akong tumango. Pagkatapos ay naupo ako sa sofa na nasa harap ng table na kalimitang inuukopa ni Gray kapag narito siya sa library.










"Anong pag-uusapan natin?" This time, nabahiran ng kalamigan ang tinig ni Lior. Matapos nitong ilapag ang tsaa sa aking harap ay naupo na rin ito sa katapat kong upuan.










I smirked. "You know Drigo?"









Nagsalubong ang mga kilay ni Lior. "Of course, he's your other man."










Hindi ko na napigilan ang matawa. Mukhang maging si Lior ay kinain na ng mga balitang walang katotohanan. Mabagal ang ginawa kong pagsimsim sa tsaa. Nang mailapag ko iyon ay muli kong tiningnan si Lior. Nabanaag ko ang magkahalong iritasyon at awa sa kaniyang mga mata.










"You know me, Lior. I devoted myself for His Majesty. Sa tingin mo ba mag-aaksaya ako ng oras sa isang katulad ni Drigo matapos kong ilagay sa posisyon niya ngayon si Gray? I'm not stupid. I would never put myself on the pedestal and then jump off just because of a mere knight. He's not worthy of my title, especially my life."









Pagkatapos kong sabihin ang bagay na iyon ay napansin ko ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Lior. Kung kanina'y tila handa siyang saktan ako oras na sabihin kong may relasyon kami ni Drigo, ngayon nama'y tila nabunutan siya ng tinik. Mukhang ang mga binitiwan kong salita ang siyang hinihintay ni Lior upang mawala ang mabigat na kung ano sa dibdib niya.









"So what do you want from me?" He asked.











I plastered my sweetest smile. "Tomorrow in my birthday party. I want you to help me with something."









Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lior ay nakangiting nagtungo na ako sa aking kuwarto. Pinakawalan ko ang malalim na buntong-hininga. Gosh, should I just act as my real self? Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon. I badly wanted to tell them that Talixiah's dead. I want them to let me just go and be free. Tatanggapin ko pang umalis na lamang at magpakalayu-layo. I'll go to Ciro since it's the only town here similar to my world.









Kinabukasan ay naging abala ang lahat. Maging ako'y hindi makahanap ng tiyempo para magpahinga. Marami kasi ang dumarating na bisita mula sa iba-ibang lugar. Pawang may mga sinasabi sa buhay.










Saglit akong nakapagpahinga nang sumapit ang tanghalian. Mag-isa akong kumain sa malaki at mahabang lamesa na nasa dining hall. Wala is Gray, as usual. Abala ito sa napakarami nitong trabaho. Isang dahilan marahil iyon kung bakit kahit papaano ay may awa akong nararamdaman para sa kaniya. He surely cares for his people. Ginagawa niya ang trabaho niya nang maayos. Hindi niya pinapabayaan ang mamamayan ng Afiora. Ah, bakit ba kasi hindi na lamang niya sundin ang gusto kong mangyari? Wala namang mahirap sa pagpapauwi kay Eerah sa kung saang lupalop ito ng mundo nakatira.









Talixiah: The Fearless Queen  (Drifters Series 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin