CHAPTER 16

118 9 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 16
#ALTRCompanyOuting

Yulo Luciano POV:

"Hays! Bakit ba hindi ako maintindihan ni Yuno?! Lahat naman ginaw ko para magkaayos kami pero bakit hindi parin sya nag babago sakin?"

Napasigaw ako sa sobrang galit at inis na nararamdaman ko sa mga oras na to kasabay ang pag limas ko ng mga gamit na nasa ibabaw ng aking table, hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap sa kanila na patawarin at pag katiwalaan ako.
Ginagawa ko naman na ang lahat para maging matino at mabuting kakambal kay Yuno pero hindi manlang nya ako binibigyan ng pagkakataon na patunayan yon sa kanya, ang nakikita nya lang sakin ay ang pag kakamali ko at lahat ng ginagawa ko ay palaging mali para sa kanya.

"Kahit anong gawin mo hindi dyang pag wawala hindi mo na maiaalis sa utak ni Yuno lahat ng mga nagawa mo... Aminin mo Yulo, mali yung naging desisyon mo... Tignan mo, nagkagalit pa si Laly at Yuno dahil sa pag switching mo sa position ni Laly at Nikko... Ang malala pa nyan, hindi nawawala ang chance na magalit din si Laly kay Nikko!"

"Oo na! Oo na, Zian! Mali na ako! Ano pa ba kasing magagawa ko diba? Ang hirap kasing mag desisyon!"

"Ganun talaga Yulo, mahirap talaga yang choice na pinili mo kaya sa ngayon wala kanang magagawa... Hays, puro nalang stress dito sa work!"

"Kaya nga eh, parang gusto ko munang mag pahinga Zian... What if mag leave muna ako?"

"What? Are you out of your mind? Iiwan mo nanaman tong company tapos ako nanaman ang mag sa substitute sayo!"

"Please, Zian! Dali na!"

"No! I have a better idea!"

Napag desisyunan namin ni Zian na mag relax muna kasama ang buong employee ng company, tutal matagal tagal na din nung nag company outing kami at ngayon nalang ulit ito magaganap dahil sa puspusan na pag tatrabaho namin noon.
Since summer naman at uso talaga sa panahon ngayon ang outing, mag sasaya kaming lahat para naman mag karoon kami ng peace of mind.

"Okay, pinatawag ko kayong lahat dito para sabihin sa inyo na mag kakaroon ng company outing ang kumpanyang ito... No need na mag abagan dahil sagot ko lahat ang outing na to!"

(Talaga sir?!)
(Wow salamat naman mag kaka outing na tayo!)
(Wow nakaka excite)
(Thank you sir!)
(Super excited nako!)

Ilan lang yan sa mga comment ng mga employee ng company ko, ramdam ko ang saya nila nung i-announce ko na mag kakaroon ng outing ang kumpanya.
Agad namang kumalat ang balita sa iba't ibang sulok ng company na naging dahilan para maging excited ang lahat.

"Nikko.."

Nakita ko si Nikko na nag lalakad sa hallway, sinubukan ko syang batiin pero umiwas lang sya ng tingin.

"Nikko, wait lang!"

Hinawakan ko ang kamay ni Nikko upang pigilan sya sa pag lalakad at ng makausap ko sya kahit saglit, alam kong galit sya dahil sa nangyari kaya gagamitin ko ang pagkakataon na to para humingi ng tawad.

"Nikko, gusto ko lang sana mag sorry sa nangyari nung kailan lang"

"Ayos lang"

"Alam kong hindi okay yun Nikko, kaya nag so-sorry ako ngayon kasi alam kong nasabihan kita ng hindi maganda"

"Tanggap ko naman po sir na pag sabihan nyo ako ng hindi maganda, tanggap ko lahat lahat ng yon pero yung alisin nyo po ako sa pagiging secretary nyo ng ganon ganon nalang... Nakakalungkot lang dahil hindi ko alam yung dahilan kung bakit ako napaalis"

A Love To Remember [SEASON 1]Where stories live. Discover now