CHAPTER 29

64 3 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 29
#ALTRTulongParaKayNikko

Yulo Luciano POV:

"Si Nikko ba yun?"

Tanong na namumuo sa isip ko habang nag lalakad palabas ng lobby, nakita ko si Nikko at Frankwin na mukhang may pinag uusapan na importante.
Lalapitan ko na sana silang dalawa ngunit nakita kong hinawakan ni Frankwin ang kamay ni Nikko, napaatras ako dahil sa nakita ko at sa halip na puntahan ko sila ay napag desisyunan ko na lamang na umalis.

"Anong nangyayari kaya sa kanila"

Tanong sa sarili ko, hindi ako mapakali sa mga nakita na parang may tumutulak sakin na puntahan ko silang dalawa.

"Hindi kaya nililigawan din ni Frankwin si Nikko? Hindi, hindi pwede to!!"

Mabilis akong tumakbo papunta kung saan ko nakita sina Nikko at Frankwin, dumating akong humahangos habang tumitingin sa paligid upang hanapin sina Nikko at Frankwin ngunit nahuli nako dahil umalis na sila.

"Huy, Yulo!"

Napalingon naman ako ng bigla akong tawagin ni Zian, dahan dahan syang lumapit sakin na nag tataka sa mga nangyari sakin.

"Bakit parang mukhang hingal na hingal ka ah?"

"Wala! May hinahanap lang ako"

"Si Nikko nanaman ba yan? Hays, ano nanaman bang nangyayari sa inyo ah?"

"Nakita ko kasi silang dalawa ni Frankwin dito na magkahawak yung kamay"

"Ha? Si Frankwin? Yung head share holders ng company na to? Paano nangyari yon? Tsaka paano nakilala ni Nikko yun?"

"Hindi ko nga alam eh, nagulat nalang ako ng makita ko silang mag kausap"

"Matinik pala tong si Nikko, mukhang hindi lang si Yuno ang magiging karibal mo ah? Mukhang pati ang pinakaka iiingat ingatan mong share holders ng company mo ay magiging karibal mo din"

"Kung ganon mapipilitan akong mamili between my company at kay Nikko"

"Tama! Dahil kapag si Nikko ang pinili mo, malamang sa malamang mawawala ang company mo dahil malaki laking share ang mawawala sayo kapag umalis si sir Frank, pero kapag ang company naman ang pinili mo si Nikko naman ang wawala sayo"

Parang habang patagal ng patagal mas lalong nagiging komplikado ang lahat para saming dalawa ni Nikko, parang mas lalong bumababa ang chance para maipag laban naming dalawa ang pagmamahalan namin dahil kung totoo ang hinala namin ni Zian ay hindi lang si Yuno ang magiging kahati ko kundi ang mismong kumpanya ko.

"Matindi ang katunggali mo ngayon Yulo, masyadong malakas ang powers!"

Pabirong pagkasabi sakin ni Zian, sa ngayon ay hindi pa naman ako sure sa mga hinala ko kaya't hindi pa sya maituturing na kalaban hanggang hindi ko napapatunayan sa sarili ko na hindi interesado si Frankwin kay Nikko.

"Hindi pa naman tayo nakakasiguro sa mga hinala natin kaya wag ka munang praning dyan Yulo ah?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, parang ang daming sumusubok sa pag mamahal ko kay Nikko... Parang ang hirap ipag laban ng nararamdaman ko kay Nikko"

"So suko ka na? Give up ka na?"

"Hindi naman sa ganon, may mga tanong lang ako sa sarili ko kung bakit ganto yung mga nangyayari sa buhay ko"

"Isang pag subok lang yan Yulo, tinetest ka lang ng pagkakataon kung talagang handa kang isaalang alang ang lahat para kay Nikko"

"What if- "

A Love To Remember [SEASON 1]Where stories live. Discover now