CHAPTER 28

63 2 3
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 28
#ALTRThePast

Frankwin Bisnar POV:

Hindi ko akalaing mag kikita muli kami ni Nikko at dito pa talaga sa company na to, I work here for a long time at ngayon ko lang talaga nakita si Nikko dito.
Halos hindi kami makapag salita when we look at each other, he's still so cute katulad ng dati at wala talagang nag bago sa kanya.
Kahit straight na lalaki ay talagang mabibighani sa taong to, dahil bukod sa mabait na ay talaga namang sobrang cute pa.

"Nikko, nandito ka pala... Dito ka pala nag tatrabaho?"

Pag tatakang pagkasabi ko habang nakangiting nakatingin sa kanya, talaga namang sa sobrang gulat naming dalawa na magkita muli ay nabalot kami ng hiya sa isa't isa.

"Hindi ko alam na dito ka pala nag tatrabaho, edi sana na promote kita as my secretary"

"Medyo matagal na din akong nag tatrabaho dito Frankwin, ikaw ba? Ang big time mo na ah, parang dati lang"

"Dati lang ano? Hehe alam mo naman na pinag sikapan ko talagang makarating sa kinatatayuan ko ngayon"

"Parang dati lang eh napaka pilyo mo hehe, buti ngayon nag tino ka na haha!"

"Haha dati lang naman yun eh, nag bago nako ngayon Nikko... Teka maiba tayo, gusto mo bang ipakiusap kita kay Yulo para maialis ka sa janitorial services?"

"Hindi Frank, okay naman na ako dito"

"Sure ka, pwede kitang i-suggest sa kanya as my secretary since busy din kasi si Jerome"

"Si Jerome? Nandidito din?"

"Oo, hindi talaga kami nag hiwalay ni Jerome after high school days... Sabay kami nag college at sabay din kaming naging successful"

"Hays, buti pa kayo... Ako heto, okay naman kaso..."

"Don't worry Nikko, I'll help you to get out of here... Wag ka mag alala"

Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko si Nikko sa gantong sitwasyon, masipag at matalinong tao si Nikko that's why mataas din ang tingin ko sa kanya way back high school days.

"What? Nandito si Nikko?"

Tanong ni Jerome, I already told him na nakita ko si Nikko na isa sa mga janitor employee dito sa company na to.

"How could that happen eh hindi ko naman sya nakikita sa building na to!"

"Miski ako Je, eh ang totoo pa nyan nasa janitorial services sya... Eh diba masipag mag aral yun si Nikko noon?"

"Baka nawalan na ng ganang mag aral si Nikko after you did to him"

"Wait, what?"

"Did you forgot? Hindi mo na ba natatandaan yung araw na nag confess sya sayo?!"

Now I remember, noong time na nasa high school days pa kaming dalawa ni Nikko naalala kong nag confess pala sya sakin ng feelings nya.

[FLASH BACK: WAY HIGH SCHOOL DAYS]

Habang nag lalakad kaming dalawa ni Jerome pauwi ay biglang humarang samin si Nikko na may dala dalang cake at flowers.

"Frankwin, pwede ka bang makausap? May sasabihin lang sana ako sayo"

"Ano yun?"

"Frankwin bago ko sabihin sayo yung gusto kong sabihin, kunin mo muna tong cake na ako mismo ang nag bake at yung mga flowers na pinag ipunan ko para lang mabili.."

Hindi ko naman to kinuha at napatingin nalang ako sa dala nyang cake at flowers, base sa mga dala ni Nikko ay nagkaroon nako ng idea kung anong gustong sabihin nito.

A Love To Remember [SEASON 1]Where stories live. Discover now