CHAPTER 48

63 5 4
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 48
#ALTRRescueNikko

Yulo Luciano POV:

Nakapunta na kami sa lugar kung saan sinabi ni Sylvester na mag kikita kami, kasama ko ngayon si Yulo at Abner dala dala ang 1.3M na perang hinihingi ni Sylvester.
Sa totoo lang kinakabahan ako sa magiging takbo ng laban na to ngunit handa akong panindigan kung ano man ang kakaharapin ko at iligtas si Nikko mula sa kapahamakan.

"Yuno, kung sakaling may mangyari man saking masama... Iligtas mo si Nikko"

Yan ang bilin ko kay Nikko bago kami pumasok sa loob sa abandunadong building kung saan nasa loob si Sylvester at Nikko.

"Iligtas mo si Nikko, Yuno... Wag mong hahayaang may mangyari sa kanyang masama..."

"Yulo, wag ka naman mag salita ng ganyan... Walang mangyayari sayong masama okay? Lahat tayo makakaligtas sa laban na to! Maililigtas natin si Nikko! Magiging maganda ang buhay natin Yulo"

"Masama kasi ang kutob ko Yuno... Sayo ako may tiwala kaya kung may mangyari man saking masama, sayo ko ibibilin si Nikko"

"Yulo naman, wag naman ganyan... Alam kong hindi naging maganda ang samahan natin, pero sana wag naman ganto mag tapos ang lahat"

"Pasensya kana Yuno, naninigurado lang naman ako... Alam kong mahal mo si Nikko, alam kong maalagaan mo sya ng maayos kapag nawala ako"

"Ano ba, hindi ka mawawala Yulo! Mag kakasama pa kayong dalawa ni Nikko"

"A-Anong ibig mong sabihin Yuno?"

"Oo Yulo, pinapaubaya ko na sayo si Nikko... Ngayon nakikita ko ang tapang mo, ang determinasyon mong mailigtas si Nikko... Nakikita ko ang pag mamahal mo para sa kanya, kaya pala mahal na mahal ka ni Nikko dahil yan pala ang nakikita nya sayo na wala sakin... Kaya KUYA, pilitin mong lumaban para sa pag mamahalan nyo ni Nikko"

Hindi ko akalaing tatawagin muli ako ni Yuno ng KUYA, sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay nag kaayos na din kami ng kapatid ko.
Matapos ang ilang taong pag babanggan naming dalawa ay sa huli mag kakaayos din pala kami, masaya ako dahil natanggap na ni Yuno ang lahat.

"Yuno, salamat! Maraming salamat Yuno!"

Sa sobrang saya ko, hindi ko napigilang yakapin ang kapatid kong si Yuno habang masayang nakatingin saming dalawa si Abner.

"Mabuti naman at nag kaayos na kayong dalawa, masaya ako para sa inyo"

Ngiti nalang ang naging sagot naming dalawa ni Yuno kay Abner habang magkaakbay kami sa isa't isa, sa wakas at natapos na din ang hidwaan namin ni Yuno.

"Tara na, pumasok na tayong tatlo... Iligtas na natin si Nikko!"

Sabi ko kay Abner at Yuno, sumunod naman silang dalawa kaya't hindi nag tagal ay nakapasok na din kami kaagad.
Malawak ang abandunadong building na napasukan namin at kahit anong oras maari kaming barilin ni Sylvester mula sa mga sulok ng building na ito.

"Yulo, ang laki ng building na to.. saan naman natin hahanapin si Nikko dito?"

Tanong ni Yuno habang tumitingin kami sa paligid upang hanapin si Nikko, nag patuloy naman kami sa pag lalakad kahit na hindi namin alam kung saan kami tutungo sa loob ng building na to.

"Masyadong malaki ang building Yulo, saang sulok naman natin hahanapin si Nikko?"

"Hmm... Hindi ko alam Yuno..."

Habang nag lalakad ako, naisipan kong sumigaw nalang upang marinig ni Sylvester na nandito na kami sa lugar na kanyang sinabi.

"Sylvester!! Nandito na kami!! Nandito na kami Sylvester, lumabas kana!!""

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon