Andrea : Fourty One.

308 8 0
                                    

Andrew Gil

 Parang asong sunod ng sunod sa amo. Parang naglalaro ng tanga tangahan. Yan ang dapat na description sa aking sarili. Yung sa school pag sinasabi ng teacher describe yourself yan ang dapat sabihin. Literal.

Nasa Cebu nga ako.

Pero nasa Manila na pala siya ilang oras lang ang pagkalate ko. Kakaibang trip din meron itong si Andrea lipad lipadran ng eroplano. Kaya naman habang nasa airport pa ako ng cebu bumili agad ako ng ticket pauwing manila sa eroplano nalang ako kumain dahil ayaw kong masayang ng oras. Pagdating ko sa Manila umuwi agad ako hindi ko na siya tinex dahil alam ko namang nandun lang siya bumili pa ako ng flowers para ibigay sa kanya at nag take out pa ako sa isang Korean restaurant dahil alam kong paborito niya yun. Pagdating ko dun wala na naman siya.

Isang liham lang ang naabutan ko dun kaya na disappoint na naman ako kung bakit ba kase nagpumilit ayan nasaktan ng isang dosenang sakit. Kinuha ko ang liham at nanlumong umupo nalang sa sofa.

Andrew,

Wag mo na akong sundan napapagod ka lang.

Andrea.

Yan, yan lang ang nakasulat. Wag ko na daw siyang sundan ? Hindi man lang niya ako binigyan ng chance. Mahal ko naman siya bakit kailangan pang umabot sa ganito?

Eh alam na alam naman niyang hindi ako mapapagod sa pagsunod sa kanya kahit magpunta pa siyang Roma, Greece, Madrid, kahit saan sa mundo susundan ko siya makuha ko lang siyang muli. Pero sa ngayon hahayaan ko nalang muna siyang mag-isa alam kong balang araw babalik siya sa akin at sasabihin niyang mahal niya rin ako.

“ Bregs! “ Nabigla ako ng biglang dumating si James.

Anong nangyari sayo? Iniwan ka? “ tanong niya. Pero hindi nalang ako nagsalita.

“ Uso rin kase mag moved on pare. Wag tatanga-tanga. “

“ Mahal ko kase siya “ I said.

“ Eh ikaw mahal ka ba niya? “ Hindi. Hindi na niya ako mahal ako lang naman ang umasa. Sinabi niya naman sakin diba? No strings attached. Kaya siya siguro umalis dahil ayaw na niyang maging kami uli. Dahil ayaw na niya sa akin.

“ Oh? wag mo munang iyakan yung taong nang-iwan sa'yo. Papatayin palang natin siya, wag kang excited. “ Sabi ni James. Napatawa ako sa sinabi niya tsaka binatokan siya at pinahiran ang luha ko. Hindi ko nga napansin na umiiyak na pala ako.

“ Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon matagal ko siyang hinintay kaya masakit para sakin na ganun kadali lang sa kanyang iwan ako. “ Napatawa pa siya tsaka tinapik ang balikat ko.

“Kung nakakamatay ang katangahan, malamang wala ka na” Minsan talaga shunga tong kaibigan kong ito.

“ Hindi lahat ng bagay nadadaan sa biro kong ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon ano ba ang gagawin mo? “ I asked him.

“ Malamang sa tagal bang panahon nagpaghihintay mo, mapapagod na ako bregs. Susuko na ako. “ He said.

“Huwag kang mapagod magmahal. Dahil ang pagmamahal habang pinaglalaban, mas lalong nagiging makahulugan”

“ HA-HA-HA Oh my god pare youre so corny, tama na please.! Hindi ka na niya mahal kaya tama na. “ alam kong nagiging corny na ako sa mga oras na to at hindi ito ang typical topic namin ni James kapag nag-uusap kaya I understand kong bakit siya ganyan mag react pero im thankful dahil nandito siya at may kausap ako.

“ Alam kong gusto pa niya ako. “ Dahil dama ko pa yun sa bawat hagod niya sa balat ko noong mga nakaraang araw.

“Di sapat yung gusto ka lang, dapat mahal ka din.” Natahimik ako sa sinabi niya. Somehow I know he’s right pero hindi ako mawawalan ng pag-asa.

“May mga bagay na mas mabuti nalang i-give up. Hindi dahil sa pagod kana, Kundi dahil alam mong wala na talaga itong patutunguhan pa. Step by step I know makakalimot ka rin. ” Sa lahat ng napapagod, pahinga lang ang kailangan. Hindi naman talaga kailangan sumuko. Yan ang natutunan ko kay Tito Daniel kaya malakas ang loob kong wag siyang sukuan dahil alam kong darating at darating parin ang araw na magiging kami ulit.

“ Alam mo pinapunta ko dito si Mea Ann. Para makapag unwind naman tayo wag munang isipin ang Andrea mo may sariling mundo na yun.” Sabi pa niya at maya maya dumating na si Mea Ann at  may dalang tequila.

“ Hey Broken hearted boy cheer up everything will be okay “

She is AndreaWhere stories live. Discover now