Andrea : One

1.1K 25 1
                                    

“ Ugh” I really hate Mondays, bakit ba kase dalawang araw lang ang walang pasok sa isang lingo? Maganda sana yun kong palagi nalang Holidays diba?

“ Andrea! Banggon na late kana “ sigaw ni Tito Daniel na nasa baba. Bumangon ako at humarap sa salamin. Haay bakit ba kase hindi ako kasing ganda ni Tita Kathryn. Sabi naman niya maganda daw ako eh hindi nga niya ako magustuhan eh. Kinuha ko ang towel ko at naligo. Ako nga pala si Andrea 16 at tamad mag-aral pero hindi bobo, Isa lang kase ang friend ko sa school at yung kaisa isang friend ko pa wala nang time sa akin kase may boyfriend na siya. Kaya eto ako nga napag-iwanan.

Pagkatapos kong maligo nag bihis ako nang school uniform naming at nag lagay nang headband sa buhok ko. Palagi akong may sout na headband favorite ko kaseng mag collect nang ganyan. I looked at the mirror first before leaving my room.

“ Oh? Andrea ito na yung baon mo. “ sabi ni Tito Daniel siya na ang tumayong ama ko mula nang namatay sa aksidente ang mommy ko. Mabuti nalang by that time nag-asawa na siya at nagkaroon naman ako nang instant mommy at si Tita Kath yun.

Kinuha ko ang pera kay tito Daniel at kumain na, gumawa naman si Tita Kath nang sandwich para sa akin. Umalis na ako papuntang school walking distance lang naman ang bahay sa school kaya hindi na ako kailangan pang ihatid ni Tito.

Pagdating ko sa classroom dumiretso agad ako sa upuan ko sa may dulo at tabi nang bintana. Gusto ko kasing palaging nakikita ang mag dumadaan sa lobby.

“ Rea ang aga mo ah? “ sabi nang classmate ko.

Tumango lang ako. Hindi kase ako yung tipong student na napaka-ingay, yung palakaibigan, at higit sa lahat ayaw kong may pumapansin sa akin. Biglang pumasok ang isang naka uniform na hindi naming kilala.

“ Hello class I’m Peter Santos your Literature Substitute Teacher. “ so saan na si Ms. Ocampo?

“ Ms. Ocampo is on leave “ aah kaya pala.

“ So I want you to get one whole sheet of paper and write your name on it,” sumunod naman kami sa sinabi niya,

“ after that ipasa niyo sa kaliwa niyo at sulatan nang kahit ano ang papel na nasa harap niyo, like yung gusto niyong sabihin sa kanya, oh kahit anong bagay na tungkol sa kanya. Okay ba? Ready na kayo? At bawal isulat ang pangalan nyo okay. “ Na excite naman ang aking mga classmates dahil sa gagawing activity at nung nagsalita si Mr. Santos.

“ PASS “

Sinimulan na naming gawin ang activity and nung nasa akin na ang papel niya. Ano bang isusulat ko? Karamihan sa nakasulat ay “ Good looking “ hot “ handsome “ crush kita “ yan ang lahat nang nakasulat sa papel niya. And when Mr. Santos give us on cue to pass it to the right dali dali kong sinulat ang “ SANA MAPANSIN MO RIN AKO L

Nang nasa akin ang papel ko, maraming nakasulat na TAHIMIK. CUTE. LOVES HEADBAND. Yan lang naman pero what caught my attention is “ I LIKE YOU “ and “Im falling for you “

Sino naman kaya ang susulat nang ganito? Is it real? Totoo kaya ang nakasulat dito or trip lang nang mga classmates naming lalaki.

She is AndreaOnde histórias criam vida. Descubra agora