Andrea : Eight

514 21 1
                                    

Grabe ngayon ko lang na enjoy sumama sa isang party. Ewan ko ba sa room ko lang kase palaging ginawa ang mag jive at mag groove sa favorite songs ko pero nung nasa party ako at kasama ko pa si Andrew parang nawala lahat nang hiya na nasa katawan ko. Akalain mo napasayaw ko siya at ang saya pa namin. Tinawag ko pa siyang Bestfriend. Grabe ang saya ko. Pwede pala ako sa ganun?

“Andrea? Nasa phone si Patrice. “ tawag ni tito Daniel sa akin, eh bakit sa landline pa eh may celphone naman. Kaya nagpunta ako sa baba at umupo sa sofa na malapit sa telephone. Si tito Daniel nagbibihis aalis kase sila ni Tita Kath.

“ Hello? “

“ Andrea! Anong ginagawa mo? Busy ka ba?” she ask.

“ Ahm nandito lang ako sa bahay aalis kase sila tito kaya dito lang ako bakit? “wala kaseng magbabantay kase umuwi si manang.

“ Ah okay punta ako dyan,este kami pala. “ KAMI? Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang marinig ko ang salitang KAMI? Sino kaya? Baka si Andrew kase diba siya lang ang pwede niyang kasama. OMG! Ano ba kase ang gagawin nila dito.

“ KAMI? Sino kasama mo? “

“ Yung bestfriend mo cge na bye. “ at binaba na niya agad. BESTFRIEND KO?! Si Andrew nga. Nako.! Dali dali akong umakyat papunta room ko at pumili nang damit. Kase nakapajama palang ako. Naghilamos ako at nag toothbrush at nagout lang Vneck shirt at shorts.

“ Oh? Andrea alis na kami nang Tita mo ha? Mag-ingat ka dito e lock yung pinto tsaka yung gate. “

“ Opo tito. Ingat po kayo. Bye “ sabi ko tsaka dumiretso ako sa kusina at nagluto nang bacon kagabi ko pa gustong kumain nang bacon ngayon lang kasi nag grocery si tito nang bacon, Favorite ko kase tong breakfast bahala nang walng itlog basta may bacon. Too bad isang plastic lang binili ni tita siguro na ubusan. Kaya niluto ko na lahat. Nagutom kase ako.

 Maya't maya kong sinisilip sa labas kong dumating na ba sila. Nakakain na ako nang may nagdoor bell. Agad akong tumayo at nakita ko silang dalawa sa harap nang pintoan. May dala silang paper bag.

“ Hello bestfriend “ sabi ni Patrice. Tapos nag hi naman ako at pinatuloy sila sa bahay. Tahimik lang si Andrew habang pinagmamasdan ako.

“ Pasencha na kayo ha? Kumakain pa ako, kain tayo. “ tsaka sila sumunod sa akin papuntang dining area.

“ wow bacon “ sabi ni Andrew.

“ Gusto mo? “ sabi ko wishing na sana tumanggi siya hahaha gutom pa kase ako. At tamad akong magluto uli. EH? WALA NA PALA AKONG LULUTUIN KASE INUBOS KO NA LAHAT.

“ Cge. “ at kumuha na siya nang tinidor tsaka tinuhog yung natitirang bacon sa plato ko. HUMAYGAAAADDDD YUNGGGG BACON KO!!! Umiiyak ang kaloob looban ko. Sobrang praning ba ako? Sumigaw pa nang BAAACCCOOOONNN yung tiyan ko tsaka ako napatingin sa kanya na nilalasap nang maigi ang BACCOOON KO! Huhuhuhu bakit pa kase niyaya.

“ HAAAYY ang sarap salamat haa? “ sabi pa niya na nakangiti sarap mung upakan.! Bakit di ka marunong mag declined.! HUHUHU yung bacon ko wala na.!

“ Oh? Bakit parang naiiyak ka? “ tanong ni Patrice na nasa harapan ko.

Hala nahalata ba naman ako?

“ Ahh ehh wala Masaya lang ako dahil nandito kayo wala kase akong kasama  dito. “  I lied. Eh kesa naman sabihin kong kase kinain niya ang bacon ko.? Naku kahit crush ko siya importante parin sa akin yung mga bagay nay an kahit siya pa ang nangunguntra. Huuhuhu.

“ May dala pala akong pasalubong sayo. “ PASALUBONG? Biglang nag twinkle yung mga mata ko. Ano kaya ang paslubong niya? Grabe excited ako.

Binigay niya sa akin ang paper bag tsaka ko tinignan.

OMG!

Maraming..

BACON.

She is AndreaWhere stories live. Discover now