IJL (Bonus Chapter: Meeting the Future In-Laws)

15K 568 17
                                    

AN: Namiss ko si Rico! Kayo ba? Hehe... sorry ang tagal ha? Nawala ako sa momentum eh...alam nyo naman.. pumasok sa eksena sina Meg at Dani. :>


--



*Gale*

Totoo ngang ang tagal-tagal na nila akong inaantay. Eh kase naman, natunugan pa lang nila na parating kami, nakapaghanda na sila ng sobrang bongga.

Sinalubong nila kami sa gate ng malaking bahay nila.

Ang ganda-ganda ng mama ni Rico... yun yung mas kamukha nya sa parents nya. Tapos si Tyler—yung kapatid nya! Haaay...

Sarap pisilin ng pisngi. ^_^

Manang-mana sa kuya... ang gwapo! ^^

Pagpasok namin sa loob, agad kaming pina-deretso ni mama (she insisted I call her that) sa kusina. Muntik na nga 'kong mapatalon sa tuwa ng makita ko yung handa eh.

Ang dami!

Puro homemade pa!

Namiss kong kumain ng mga pagkaing lutong bahay—lalo na yung masarap. Kaya naman naka-tatlong servings yata ako ng kanin. Halos hindi na nga ako makagalaw pagkatapos eh.

After we ate, inaya ako ni Rico sa kwarto nya.

>//////<

"Mahal, may ipapakita ako sa 'yo."

"Ha? Ano?"

He smiled.

"The reason why I'm not letting you guys in on our house."

Oh.

Hinawakan nya ang kamay ko and then he led me to his room. I had the urge na pumikit muna kaso ngayong boyfriend ko na sya—I want to know everything about him.

Even his secrets.

When he opened the door, my jaw dropped in awe.

From the walls to the ceiling to the picture frames hanging on the wall and are on the shelves are pictures of me.

"Kaya hindi kita madala-dala dito kase ayaw kong matakot ka. You might think of me as some obsessed stalker. Ang totoo nyan, these pictures serve as a reminder of the goal I've had since 6 years ago."

Humarap sya sa 'kin at hinawakan ang baba ko.

"And that is to marry you someday."

I am overwhelmed.

Hindi ko alam ang sasabihin.

My eyes wandered around the room, scanning the pictures. Karamihan ay stolen. Yung iba naman, mula sa group shots naming magbabarkada na ginupit nya lang.

Yung iba pictures ko sa Facebook na pinaprint nya siguro.

Lahat-lahat yun, inipon nya at inilagay sa kwarto nya.

"My parents were worried about me. Sabi nila, obsessed na daw ako sa 'yo. And maybe I was. They urged me to go out and date pero wala talaga akong ibang magustuhan eh. Ever since that day at WOF nung inirapan mo 'ko at si Toby lang ang pinansin mo—naging laman ka na ng isip ko. Sa bawat pang-iirap at pagtataray mo sa 'kin, lalo kitang minamahal.

I said to my parents that I will only marry if it is you. Kapag hindi ikaw, eh di hindi na lang ako mag-aasawa. Kaya naman siguro pansin mo kanina—tuwang-tuwa silang makita ka. Ang tagal ka na kase nilang inaantay eh. They thought it was a hopeless dream... lalo na nung kinantahan mo si Toby nung graduation..."

Naiiyak ako. Ano ba yan...

Ang tagal ko kaseng naging obsessed sa isang tao eh. Kaming lima, we all fell to an obsession na hindi namin nakuha.

And now... now I was able to let go of that and fall for the one who is in love with me too.

Ang sarap ng feeling...

"Mahal... 'wag ka namang umiyak."

"Sorry. Masaya lang ako."

Pinahid nya yung luha ko.

"Now that you've meet my family... pwede bang ma-meet ko rin ang family mo—as your boyfriend?"

Niyakap ko sya bilang tugon. "Oo naman."

--

He was getting ready for the meetup with my parents ng may maalala ko.

Shit!

Tinawagan ko agad si kuya.

"Gale? Nakauwi ka na?"

 

"Kuya! Listen mo me... natatandaan mo yung mga pictures ni Toby sa buong bahay?"

"Oh? Bakit?"

 

"Pakitanggal lahat! Quickly! Itago mo muna sa storage room!"

"Bakit nga?"

 

"Basta! Mamaya ko na lang ipapaliwanag! Pakisabi na rin kay mama na maghanda ng merienda! May kasama akong bisita!"

"Ayoko nga."

 

"Kuya!"

"Bakit ba parang aligaga ka? Sino ba yang kasama mo? Si Toby?"

 

I sighed.

"Hindi kuya... si Rico."

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now