IJL (Draw Lots)

35K 1K 142
  • Dedicated to sa lahat ng nagbabasa. -_-
                                    

Jazz on the right--->>>>


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


*Author*

"Ayan! Bumalik na ang mga prodigal!" Tuwa kong sabi. Buti hindi naglangoy si Gale. Totoo yung sinabi ko kanina eh. Maraming pating dito. Haha! Kaya nga gustong gusto ko 'tong lugar na 'to weh... walang makakapunta basta basta. Makakapag-isa ako...

Para walang abala sa pagsusulat ko...

Nga pala. 'Wag kayo maingay ah... ang totoo nyan, sa 'kin talaga 'tong mansion na 'to. Ahm... kaya lang tatlo lang ang rooms na ipapagamit ko kase... gusto ko silang magkasundo sundo na.

Syempre, hindi magkakateamwork kung ang mga members ay always butting heads, di ba? Walang peace kung walang harmony. Oh ano daw? Haha... nahahawa na 'ko kay Rico. Puro segwey....

"Where's my room?!" Gale.

"Ah yeah... about that—pero eto muna. I have a house rule na kelangan nyong sundin. Isa lang naman eh..."

"Ano yun Author?" Tanong ni Femi.

I smiled at them. "AKO LANG ANG MASUSUNOD."

Kumunot ang mga noo nila. At parang naaasar... kase alam kong matitigas ang ulo ng mga yan. Hindi sumusunod. Lalo na yang si Gale? Naku... pero try ko tuwidin yang mga baluktot nilang ugali... at love life.

"Anyway, about your rooms... ganito kase guys. Tatlo lang ang available na rooms. Nakalock na yung iba. So we have to share."

"WHAT?!"

"Aish. Bingi? Hindi nakinig? Ang sabi ko—"

"I heard you! But why do we have to share?!" Gale ulet. Asahan na. Pag English at mataray—Gale na yun.

"Eh kase nga... tatlo lang ang—"

"Yeah yeah! What happened to the other rooms?"

"Naka-lock nga." I rolled my eyes. Kagandang bae, bingi.

She gritted her teeth. "I know that! But why are they locked?!"

"Eh bakit ba ang dami mong tanong ha?! Pansin mo ba? Ikaw lang ang nagrereklamo?!" Asar sya. Asar! Malditang ewan! Kumukulo dugo ko! Arrrgh!

"Kalma lang kayo oy... Gale... patapusin kase muna si Author, okay?" Femi.

Gale stomped her foot saka umirap sa 'kin. Didilaan ko nga sana kaso baka masabunutan ako. Haha...

"Continue na Author." Pag-e-encourage ni Rico.

"So—ayun nga. We have to share rooms with someone. That's why I made these-- *labas ng sticks na may kulay yung dulo* Tatakpan ko yung dulo tapos bubunot kayo. Same color—partners. Agreed?"

Walang tumango. Oh well...

"Okay. Rico ikaw muna."

Bumunot si Rico—Red.

"Femi."

Femi—Blue

"Jazz."

Jazz—Green

"Toby."

Toby—Red

"Gale."

Di sya lumapit. Kaya ako na lumapit.

"Bunot na."

Padabog syang bumunot.

Gale—Green

Whahaha! Hindi maipinta ang mukha nya! Ako si Femi ang kasama ko kaya okay lang.

"Ulitan!" Inis na inis nyang sabi.

"Oo nga!" Ready namang nag-agree si Rico.

"Haha. Okay." Pumayag din naman yun tatlo. Eh di ulitan. Bunutan ulit.

At eto ang resulta:

Rico—Blue

Gale—Red

Jazz—Green

Femi—Blue

Toby—Red

Me—yung natira—Green

At eto mga expression ng mukha nila:

Rico—(=3=)

Gale—(O//////O)

Jazz—(-_-)

Femi—(^__^)

Toby—(TT^TT)

Me—v(^^,)v

"Ulit!" Sigaw ni Rico. Nakapout. Haha.

"Tama ulitan!" pag-agree ni Toby. Napasimangot si Gale. Pati si Femi. Haha.. nakakatuwa 'tong game na 'to. ^^v

"Last na ah!"

NR lang sila.

"Swear nyo muna! Last na!" Pag-uulit ko.

Jazz: Oo na!

Toby: Last na!

Femi: Swear!

Gale: Psh.

Rico: Game na! Game na!

I gathered the sticks, pinagpalit-palit ko sa kamay ko. Saka ko sila nilapitan isa-isa at... pinabunot.

At eto na ang final result. Wala ng bawian at wala na rin silang magagawa:

And the pairs?

Gale=Rico

Femi=Me

Toby=Jazz

Whahaha! Kung nakikita nyo lang sana! Ang ilong ni Gale parang tren! Umuumusok! Whahaha! Si Rico parang last day na nya sa Earth! Kulang na lang magtatalon sa sobrang—ayy hindi pala! Tumatalon na sa sobrang tuwa! Haha...

At si Toby? Well... nasilayan ko na rin ang gwapong ngiti ni Toby. ^^

"This is fcking insane!" Gale.

"Tadhana na ang nag-decide. 'Wag ka magreklamo." Nakangiting sabi ni Toby. Awww... pano ba naman hindi maiinlab dito si Gale? Eh kagwapo nga. Si Jasmine ata color blind. Haha! Konek?

"Tama pre. Tadhana nga. Apir!" Nakipag-high five naman sa kanya si Rico. Haha.. Nagkasundo ang dalawa? Si Jazz hindi maipinta ang mukha. Si Femi ewan... blank lang eh. Hindi mo malaman sa mukha nya kung okay lang ba lahat o hindi. Haaay... ewan sa taong 'to...

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now