IJL (A Night TO-GET-HER)

30.8K 957 130
  • Dedicated to sa lahat ng nagbabasa.
                                    

Gale on the right--->>>>


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



*Rico*

Ang saya! Excited na 'ko matulog! Hehe... One room. One bed... with her..

O_O

Kayo ha! 'Wag nyo 'kong pag-isipan ng ganyan. Kahit chickboy 'to... hindi ako nawawalan ng respeto sa babae. Lalo na sa mahal ko. :)

Yakap at kiss lang okay na 'ko. Whaha... Asa pa 'ko. Tapunan nga ng tingin hindi magawa eh. Itatapon na nga lang yung tingin oh. Di ba? Eto nga sya ngayon eh... galit na galit na parang diring-diring lumapit sa 'kin. Nandito ako sa may pintuan. Nakatayo. Ayokong lumapit sa kama, baka magwala sya.

Sya nakaupo sa bed, sa kabilang side.

"Ahm ano... sa sahig na lang ako matutulog."

She didn't respond.

"Gale?"

"Whatever." Ouch. Ang cold nya talaga kahit kelan. Haaay...

So ayun, kinuha ko yung isang kumot saka unan. Tiled pa naman yung floor. Pamihadong manunuot ang lamig nito mamaya sa likod ko. De aircon pa! Pero kahit na... at least magkasama kami sa iisang room. I'll always look forward to bedtime. :)

Anyway, gabi na! Wag kayo magtaka. Hambilis ng oras noh? Kanina umaga lang. Haha...

Eto na. Tutulog na nga kami. I removed my shoes... then my jacket... then my—

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!"

"Uh—naghuhubad?"

Ang sakit ng glare nya! >_<

"If you plan on sleeping naked, then I suggest na sa labas ka matulog!"

I pouted. Haynaku... hindi ko naman huhubadin lahat eh. Eh di magyelo ako mamaya? Kalalakas pa naman nya mag-aircon. Magtitira naman ako ng boxer at shirt eh. Masama ba yun? Pero sige na nga. Ibinuckle ko ulit yung belt ko. Pants and shirt. Ayan... desente na ba?

I looked at her and silently asked for her approval. Pero tumaas lang ang kilay nya. The she got up and brought her bag. Hala... san sya pupunta?

"San punta mo?"

"None of your business."

Tapos nilampasan nya 'ko. I grabbed her arm.

"Hindi mo ba talaga matagalan na kasama ako? Okay fine. Sa labas na lang ako tutulog..."

She just rolled her eyes on me.

"Pwede ba! Magsi-CR lang ako!"

"Ah... hehe... okay." Tapos binitiwan ko na sya at hinayaang lumabas ng kwarto. Akala ko weh—buti na lang mali yung akala ko...

*Toby*

^_^

Wala akong masabi kaya ngingiti na lang ako.

^_^

Meant to be talaga kami.

^_^

"...."

"Oy... ba't ka naglalagay ng unan sa sahig?"

"Para unanin malamang." Sabi nya. Hindi sya lumilingon sa 'kin.

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now