IJL (Closure)

19.4K 721 60
                                    


Miss Denny, no need to vote or comment on this. You don't even have to read this. I just want to commend you for being such a nice person. Salamat sa mga story mo na I think ay mga una kong binasa (hindi sa wattpad kase dakilang taga-download ako ng stories mo, hehe..). So I guess this is just my simple way of saying thank you.


Continue being awesome! *u*


Saka pala! Yung kantang HEAR ME from voiceless particularly the line: "Hey listen, I have something to say..." ang pinaghugutan ko ng inspirasyon para sa unang installment ng mahabang sequel na 'to. Haha... see? You inspire people. :D Alam kong alam mo na yan. At masyado ng mahaba 'tong walang kwenta kong salaysay kaya... SALAMAT!

--


*Author*

"Grabe biep, ending na ba talaga?" Tanong sa 'kin ni biep. Nasa terrace kami, nakatanaw dun sa lima na nasa round table sa front yard ng mansion, nagchi-chess. Magkalaban yung tandem nina Toby at Jazz at yung tandem nung tatlo pa.

Nasa gitna nina Rico at Gale si Femi... pero magkahawak ng kamay yung dalawa sa likod nya.

"Oo eh. Kita mo nga't kasali na ulit tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya. May nakamiss naman kaya sa 'min? Haha...

"Eeee.. bakit ending na? Ambilis naman! Dapat pinalaban mo pa si Femi! Pinag-away mo pa sana yung dalawa ni Gale..."

"Lol. War freak much? Tama na. Kawawa na yung tao oh..."

Sumulyap ulit kami dun sa lima. Nakangiti silang lahat. Si Toby nakaakbay pa kay Jasmine. Si Femi nakakawit ang braso dun sa dalawa nyang katabi, sya yata yung nagtuturo ng moves. Ewan ko ba kung ka-eng-engan lang 'to pero mukhang ang saya saya nila.

"Ang weird nilang lima noh?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre ikaw ang may gawa eh. Di ga't weirdo ka?" Sabi nya sabay dila.

"Tseh! Kontra ka na naman."

Tumawa sya tapos hinila nya ako papuntang kusina... mag-bi-bake daw ng cookies. Trip lang eh...

*Toby*

Nakangiti kaming lahat pero ilan kaya ang masaya?

Magkakatabi kami yet our hearts are begging to get closer to the ones we are with. I think this is the most distant we've been to each other.

Magulo noh?

"Uy! Ano na? Machi-checkmate na tayo!" Untag sa 'kin ni Jazz. Pagtingin ko sa board... hala oo nga! Haha... ako kase ang magaling sa 'ming mag-chess na dalawa. Eh sorry naman, naglalakbay ang utak.

I studied the board and thought of some moves para hindi kami tuluyang matalo.

*Femi*

Relief and contentment are two different things. Where am I right now? Honestly, I don't know. All I can say is that I'm in a bittersweet situation right now. I am in the arms of the man I love and the girl he loves.

Oh.... and did I mention that we're best of friends?

Nasabi ko na rin bang sila na?

At nasabi ko na rin bang nakayakap sila sa 'kin pareho?

Tingin nyo... dapat ba akong matuwa o masaktan?

"Uy Femi ano na?"

"Tanong ka ng tanong kay Femi... ikaw kaya ang mag-move?"

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now