IJL (Rico's Day)

21.1K 807 70
  • Dedicated to Para sa ito lang ang binasa.
                                    

Rico again on the right--->>>

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 *Gale*

Flashback>>>

"Gale tulog ka na?"

I didn't answer. Oo tulog ako. Sana 'wag na nya 'ko kulitin. Kase naman eh... feeling ko anytime papayag na akong magpakulit sa kanya. At ayoko mangyari yun! I don't know why... basta! Basta ayoko...

"Gale?" I heard the bed creaked. Meaning naupo sya sa gilid ng kama. Tapos..

*creak*

Parang lumalapit sya sa kinahihigaan ko.

*creak*

Tapos naramdaman kong parang may dumikit sa likod ko. I opened one eye... then I realized...

O.O

What the eff??? Chancing amp! Ba't sya nakayakap???

"Payakap saglit ha? Pagbigyan mo na..."

I pretended to be asleep. Pero shit lang... gumagapang ang kilabot sa katawan ko! At ang Rico hindi nakontento! Dumungaw pa at hinalikan ako sa pisngi! Ngali-ngali ko ngang sampalin eh!

"Gale tulog ka ba talaga?" He asked, and then he chuckled. "Malamang ano? Papayag ka ba naman sa ginagawa ko kung gising ka..." Then he sighed.

Tapos bigla syang kumalas sa 'kin.

Then I heard the bed creaked once again tapos parang gumaan yung side. Meaning umalis na sya.

But before I can actually fall asleep for real... may sinabi sya na talaga namang nakawindang sa 'kin ng todo.

Sabi nya...

"Thank you ha. Yung mayakap ka lang ng saglit... yung makiss ka kahit sa cheeks lang... sapat na sa 'kin yun. Salamat. Buo na ang birthday ko."

I opened one eye and looked at the digital clock on the bedside table. 12:08. Kaya naman pala...

End>>>

Birthday nya! Birthday nya ngayon and yet ngayon ako pumayag na makipag-sweet sweetan kay Toby para lang ma-sort out 'tong feelings ko! Ang tanga ko! Bakit ko nalimutan? I'm such a bad friend. :(

"Morning Corrine!" Nakangiting bati ni Toby saka sya naupo sa tabi ko. Nasa dining room kami. Kakahanda palang nina Author ng breakfast at magsisimula na kaming kumain actually.

Gulat silang lahat. Syempre... kung ako din magugulat. Ang lalaking kinahalingan ko for six years... sweet sa 'kin? Ngayong umaga? Umaga ng birthday ni—Aish. Ba't ba kase ang tanga ko?!

"Morning Toby!" I smiled at him. Kinapa-kapa ko na din yung puso ko... Wala. Wala akong ma-feel. Tuwa lang kase kinakausap na nya 'ko. Pero hindi yun yung exhilerated na feeling. Parang.. relieved lang ako kase parang... friends na kami. Yun lang.

Tapos nung nakaupo na sya, ipinaglagay pa nya 'ko ng pagkain sa plate.

"Anyare?" Tanong ni biep na takang-taka.

"Ewan. Baka play?" Sabi naman ni Author na takang-taka rin. Si Femi nakatingin sa 'kin na parang may malaking question mark sa mukha nya. Iniisip siguro kung anong kabaliwan 'to.

"Tsk tsk. Pano na lang kapag nakita ni Rico? Malamang—"

"Morning!" And speaking of... Si birthday boy sobrang saya pagkapasok pasok pa lang ng dining room. Late na sya nagising eh. Napuyat ata gawa kagabi. Pano ba naman... inantay pa siguro na lumampas ng twelve yung oras para official na birthday na nya para mayakap at mahalikan ako...

"Uyhappy birthday!" Bati nila. Ako naumid ang dila. Shit talaga... at si Toby parang walang pakialam sa nangyayari. Sinusubuan pa nga ako. >_<

At nakita ata ni Rico yun. Biglang... biglang nawala yung ngiti nya.

"Rico kain ka na oh." Sabi ni Femi.

Hindi pa rin sya natinag. Nakatingin lang sya sa 'kin. Sa 'min. Yung tingin na akala mo papatay ng tao. As in! Natatakot nga ako sa kanya eh...

"Corrine." Si Toby na parang nananadya, hinawakan yung pisngi ko at ibinaling sa kanya. Tapos sinubuan nya 'ko ng pagkain. Napatikhim lang si Femi.

"Corrine juice?" Pilit talagang iniiwas ni Toby yung atensiyon ko kay Rico. I know it's intentional and I know the reason. Furthermore, I agreed to this arrangement pero...

"T-Toby... enough na." Pabulong kong sabi. Ngumiti lang sya at pinisil-pisil ang pisngi ko. Sira ba sya? Alam nyang may tension na nga eh! Eh teka nga kase Gale—bakit ka ba kase affected? Samantalang dati naman wala kang pakialam sa feellings ni Rico di ba? Hayagan mo pa nga syang saktan... Bait ngayon parang concerned na concerned ka?

Ahm... eh kase birthday nya?

Yeah right. Nakailang birthdays na sya pero hindi naman ako naging ganito ka-concerned sa pakiramdam nya. Bakit ngayon?

"Uy Rico upo ka na."

"Oo nga. Kain ka na."

Tiningnan ko ulit si Rico. At nakatingin pa rin sya sa 'kin.

"Sige salamat. Parang nawalan bigla ako ng gana." Napahugot ako ng hininga sa sinabi nya. Parang... sobrang galit nya... Pero at the same time ayaw nyang ibunton sa 'kin yung galita nya. Kahit kasalanan ko, ayaw nyang magalit sa 'kin. Kase bukod sa alam nyang wala syang karapatan... ayaw nya 'kong saktan. Kaya kahit nasasaktan sya, tinitiis na lang nya.

And weirdly enough, nasasaktan din ako.

"Corrine uy..." Ano ba! Konti na lang sasabunutan ko na 'tong si Toby! Nananadya talaga?!

"Labas muna 'ko." Narinig kong paalam ni Rico tapos lumabas sya ng kusina. Gusto ko syang sundan... pero nung tatayo na 'ko... hinarang ni Toby yung balikat ko at pinwersa akong maupo ulit.

Kaya tuloy... si Femi ang tumayo at sumunod kay Rico.


I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now