1: First Day

655 55 14
                                    

Ciara's POV

Haay nako start of classes nanaman, for sure maha-haggard nanaman ako neto lalo na at makikita ko nanaman ang mga baliw kong kaibigan.

Kinabukasan...

*kriiing* *kriiing*

Ano bayan umagang umaga nang iistorbo! Sinagot ko na ang tawag mag he hello palang ako ng biglang

[Hoy babae! Gising na! Simulang simula ng klase late ka pa papasok!] Sabi ng kaibigang kong si Laura na malakas kung sumigaw kahit nasa kabilang linya lang.

"Ang ingay mo umagang umaga! Asan ka ba?!"

[Nasa tapat ng bahay niyo! Bilisan mo na nga at naghihintay na saatin sila Kristine at Anaïs sa Campus! Pasalamat ka at hinintay pa kita dyan palibhasa tulog mantika kaganda mong tao teh!]

"Tsk oo na eto na po maghahanda na may bukas pa wag ka sumigaw." At ayun na nga inend ko na ang call.

Nag shower na ako at nagbihis. Nag ayos narin ako ng aking mga gamit. Notebooks/books check. Pencil case check. Makeup check. Kikay kit check and wallet check. Gorabells na.

Ako nga pala si Ciara S. Villafuerte pero Cia ang tawag ng iba sakin. 16 yrs. old, 3rd year highschool this school year sa Fosters University. Only child lang ako sa Villafuerte Family. Ang papa ko na si George Villafuerte ay namamahala ngayon sa aming kompanya. Isang sikat na brand ng clothing sa US ang pagmamay-ari namin. Buti nga at magkasundo kami ni papa eh. Since 5 yrs. old palang kasi ako ay namatay na ang mama ko, pero may step mom na ako ngayon na si Tita Nerissa Gonzales at ang kanyang anak na si Troy Villafuerte ay step brother ko naman. Babalik raw siya ng August kaya naman paghandaan ko raw yung pagdadating niya. Ano ako maid? Makapag utos to sakin kala mo hindi ako kapatid eh.

Anyways, hindi ko pa pala napakilala ang mga kaibigan ko na sina Laura Rodriguez, Kristine Ong at Anaïs Jeneau. Naging close kaming 3 since grade 6. They never fail to make me happy with surprises. One time nagsurprise bday party sila sa school para saakin. Kilala ang kanilang pamilya sa isa sa mayayaman na kompanya dito sa bansa.

Si Laura Rodriguez ay Half Filipino Half British. Alam niyo yung boy band na One Direction? Nako pangalan palang ng banda banggitin mo kung tumili parang walang ng bukas kaya nga nung pinilit niya kaming sumama sa concert at pumayag kami kahit ayaw namin ay sobrang lapad ng ngiti niya abot hanggang langit, paano hindi sasaya eh may VIP tickets siya diba?

Si Kristine Ong naman ay Half Chinese Half Korean pero since dito na sila tumira ay natuto narin siyang magtagalog. Siya yung tipo ng tao na mapapa oo mo sa kahit anong gala. Fan girling naman siya sa Kpop. Hindi ko masyado alam yun kaya hindi ko madescribe hehe.

At last. Si Anaïs Jeneau. Half Filipino Half French. Yan ang madalas kong nakakasundo sa mga kalokohan especially all about French stuffs. Fan siya ng Frozen lalo na si Queen Elsa, F na F niya yung pagkanta ng Let It Go. Parang bata lang.

Magkasama na kami ngayon ni Laura papuntang Fosters University. Pang mayaman yung name noh? Puro mayayaman naman talaga ang pumapasok dito depende kung matalino ka, pwede ka magka scholarship pero since afford naman namin at dahil Uncle ko ang may ari ng school na si Uncle Vic Foster Flores. Dito pala ko sumakay ngayon sa kotse ni Laura na Porsche 911 Carrera S (997), company kasi ng mga kotse ang pamilya nila kaya puro magagara ang kanilang mga kotse. Sabe ni Tito Alfred sakin kapag 18th bday ko raw ay reregaluhan niya ko ng latest na model ng Porsche. May kotse naman ako nakakatamad lang gamitin.

bumaba na kami ngayon sa school at pagkababa ko ay nag ring yung cellphone ko.

So its gonna be forever,
Or its gonna go down in flames.

Mr. Cutie or Mr. Hottie?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora