8: Operation: Bantay

170 29 3
                                    

Ciara's POV

Nandito na kami ngayon sa sinehan at ang papanoorin namin na movie ay Hunger Games. Buti nalang pala ay nakasilent ang phone ko dahil tumatawag tong si Laura.

"Hello?" Mahina kong sabi sakanya.

[Hello? Asan ka na?] Tanong niya sakin.

"Nasa sinehan bakit?" Sabi ko sakanya.

[Ah W-wala! Hehe sige na good bye!] Sabi niya na nagmamadali.

"Sino yun?" Tanong ni Yanyan.

"Ahh si Laura, tinatanong kung nasaan tayo." Sagot ko sakanya.

"Pupunta raw ba sila?"

"Ewan. Tinanong niya lang kung nasaan tayo eh."

"Ahh okay." Sabi niya at sabay kain na siya nung popcorn.

*******************

Stephen's POV

Nandito kami ngayon sa mall nila Paolo at Kyle. Wala kasing training sa basketball kaya naisipan nalang naming gumala at bumili ng bagong sapatos pang basketball.

Didiretso kami ngayon sa Department Store at itong dalawang to ay naghahanap nanaman ng chix na matya tyansingan.

"Stephen diba si Ciara yun?!" Bigla biglang sabi ni Kyle.

"Oo nga pre may kasama siyang lalaki si Ian Alcantara ata?" Sabi naman ni Paolo.

"Yun nanaman yung kasama niya?! Asan ba?!" Tanong ko sakanila.

"Ayun oh papasakay sa escalator manonood siguro yun sa sine." Sabi niya sabay turo kela Freak papaakyat nga sa escalator.

"Teka Stephen hintayin mo naman kami! San ka ba pupunta?" Tanong nila sakin.

"Susundan ko malamang!"

"Ano nanamang kalokohan gagawin mo?!" Tanong nitong si Kyle.

"Guguluhin ko sila." Sabi ko with a smirk.

********************

Laura's POV

Bumibili na kami ngayon ng ticket ni Anaïs habang si Kristine naman ay bibili raw ng popcorn at drinks.

"Ilan pong ticket maam?"

"3 ticket sa Hunger Games na movie."

"Here you go maam." Sabi niya at iniabot na samin yung ticket. "Thanks." Sabi ko at hinanap na namin si Kristine.

"Asan na si Kristine?" Tanong ko kay Anaïs.

"Ayun oh!" Sabi niya sabay turo kay Kristine na nasa harapan ng bigayan ng mga ticket.

Pumunta na kami doon at inabot na namin yung ticket. Nakita ko naman na parang may nakasunod saamin na 3 lalaki. Tinignan ko kung sino sila. T-teka sila Stephen to ah!

"BAKIT KAYO NANDITO?!" Gulat kong tanong sakanila.

"BAKIT MASAMA? KAYO MAY ARI NITO? BAT NANDITO RIN KAYO?!" Gulat rin na tanong ni Kyle.

Sinusundan si Ciara? Sabi ko. "Eh kayo?" Tanong ko sakanila.

"Sisirain yung date nila freak tss." Sabi ni Stephen.

"Teka lang ha. Sino ba sila?" Curious na tanong ni Anaïs.

"Ayy oo nga pala hehe. Ito si Stephen, Kyle at Paolo." Pakilala ko. "Guys ito naman sila Kristine at Anaïs kaibigan ko." Sabi ko naman sakanila.

"Hello! Nice to meet you! Bati ni Kyle.

"Hi ulit Kristine!" Bati naman ni Paolo. Sila kasi yung nag date dati sa mall yung time na nagkita si Cia at si Stephen.

Mr. Cutie or Mr. Hottie?Where stories live. Discover now