9: Locked Out of Heaven

211 25 3
                                    

Ciara's POV

Umaga na ulit. Pagkagising ko ay nandito na ko sa kwarto ko. Ang huli kong natatandaan ay nandun ako sa kotse ni Yanyan at nagpapahinga eh paano naman ako nakapunta rito? Matanong nga si Manang Fe.

"Manang paano po ko nakapunta sa kwarto ko?" Tanong ko.

"Binuhat ka ni Ian papasok sa kwarto mo hindi ka na niya ginising kasi masakit raw pakiramdam mo at ayaw ka na niyang istorbohin." Wow concern. Nahiya naman ako sakanya. Sabagay, marami narin siyang utang sakin kaya patas lang kami ngayon!

********************

"Iaaaaaan!" Bati ko sakanya.

"Aba hyper ka ata ngayon ahh?"

"Ah - hindi naman hehe." Nahihiya kong sabi sakanya. Paano ko mapapasalamatan to? Hindi pa naman ako sanay lalo na't lalaki ang kausap ko. Bahala na nga pakapalan na ng mukha.

"Yanyan Th-thank you nga pala kagabi ahh." Nauutal kong sabi sakanya.

"Dapat lang noh! Ang bigat mo kaya!" Aba! Pinatulan nanaman ako nito.

"Ang payat ko kaya! Hindi naman ako mataba noh!"

"Sino ba nagsabi sayong mataba ka?!"

"Heh! Bahala ka na nga dyan." At iniwan ko na siya sa upuan niya. Nakalimutan ko pala. Ngayong araw ko pala dapat itour tong sila retard kaya excuse kami this day sa klase kaya kinontact ko na tong si retard.

Calling Retard...

"Hoy asan kayo?!" Ang ganda ng bati ko no?

[Umagang umaga nasigaw ka dyan! Eh bakit ka naman nagtatanong?] Ah so nakalimutan pala ng retard na to yung schedule.

"Ngayon ko kaya kayo ito-tour sa campus! Pa special kasi kayo masyado!"

[Eto nandito na kita na nga kita eh.] At binabaan ako ng phone.

"Asan yung 2 mong kaibigan?" Tanong ko sakanya.

"Wala. Hindi raw sila sasama." Cool na sabi pa nito.

"Akala niyo ba gusto ko tong gawin? Asa naman kayo ano kayo prinsipe na pinagsisilbihan?" Sabat ko sakanya.

"Akala mo rin ba gusto ko to? Baka nakakalimutan mo malaki ang utang na loob mo sakin kasi kung hindi dahil sakin baka napahamak ka na." Sabat naman niya.

"So ako pa may kasalanan nun ganun? Sino kaya yung nagpapunta sakin dun?!"

"Malay ko ba kung may lalaki pala dun at gusto kang bastusin kasalanan ko ba kung masyado kang sikat at gusto mo rin landiin yung mga yun?!"

"So sinasabi mo na malandi ako ganun? Fine. Kung yan ang tingin mo sakin then go! Hindi naman kita pinipilit na gustuhin mo ang ugali ko eh! Palibhasa kaya ka siguro iniwan ng gf mo dahil sa ganyang ugali mo!" Diin ko sakanya.

"WALA KA NANG PAKI ALAM DUN AT WAG MO KONG HUHUSGAHAN DAHIL HINDI MO ALAM ANG PAGKATAO KO!" Sigaw niya sakin.

"HINDI KITA HINUHUSGAHAN! TOTOO NAMAN DIBA? INIWAN KA NG GF MO? AND BTW, WAG KANG MAG ALALA, WALA AKONG PLANO KILALANIN KA!" Sigaw ko rin sakanya.

********************

Stephen's POV

Nakakainis tong freak na to. Sino ba siya para husgahan ako? Hindi naman kami close at kung maki alam siya kala mo kilala niya na ko. Alam niya pa na nagbreak kami ng ex ko.

Pumasok lang naman ako ngayon para inisin siya. Pumasok rin naman yung 2 kong kaibigan kaso ang plano namin ay pagtripan siya na kunware ay nawawala yung bag niya since tumawag siya. Sa 2 ko nalang pinagawa yung plano na yun. Pinatago ko yung bag ni freak sakanila. For sure hahanapin niya yun mamayang dismissal.

Mr. Cutie or Mr. Hottie?Where stories live. Discover now