3: Foodtrip

353 40 10
                                    

Ciara's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang mukha ni Ian na malapit sakin.

"Ahhh! Hoy! B-bakit ang lapit ng mukha mo sakin ha?!" Nauutal na tanong ko sakanya.

"Mali yang iniisip mo! Gigisingin sana kita ang himbing ng tulog mo eh humihilik ka pa kaya." Pang aasar niya sakin.

"H-hala hindi kaya ko humihilik! Teka asan ba tayo? Tsaka bakit tayo nandito?"

"Nasa ministop, hindi pa kaya tayo kumakain tsaka gutom na ko! Sige ka kapag hindi tayo kumain baka ikaw ang makain ko dyan!" Nag smirk naman siya sakin.

"Hoy! Ano yang pinagsasabi mo?! Tara na nga!" At nauna na ko sa loob ng ministop.

"Sagot mo yan ahh!" Sabi ko sakanya.

"Hindi kaya ikaw kaya sasagot nyan!" Diin na sabi niya sakin.

"Ahh ganun. Sige, bato bato pick ang matatalo ang manlilibre!" Hamon ko sakanya na parang bata lang. May pera naman talaga ko ang saya lang asarin nito haha.

"Hahaha! Sige ba game!" At ayun nag pick na kami.

"Bato bato pick!" *Bato* ako *Gunting* siya.

"Wahahahaha! Talo ka ikaw manlibre bleeh!" Pang aasar ko sakanya. Binigyan niya lang ako ng death glare at sinabi ko na yung order ko sakanya. "Sandwich lang sakin ahh tsaka Iced Tea salamat!" At ayun nag order na siya.

Nakita ko na siya na nasa counter at aba andaming binili ahh may foodtrip ata? Pano ang nandun bukod sa inorder ko ay yung order niya na chicken w/ rice tas may cheetos tas pringles tapos andaming snickers at yan-yan. Teka bat andami namang yan-yan ang binili niya eh diba pambata lang yun? Hahaha. Matanong nga siya.

Dumating na siya sa kinauupuan namin at tinanong ko na siya. "Bakit andaming yan-yan dyan?" Sabi ko sakanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy parin siyang kumakain. Aba gutom nga ubos agad ang pagkain at nilantakan naman ang yan-yan.

"Hahaha! Para kang bata kumain may chocolate ka pa sa labi mo!" Sabay turo sa labi niya. Wow infairness kissable lips siya ahh. Yuck! Erase erase!

"Asan? Boo Bear patanggal naman oh!" Sabi niya sakin sabay turo sa labi niya at aaktong ikikiss siya.

"Ew. Yan-yan! Bwahahaha. Yan-yan na tawag ko sayo. Boo bear pala ahh." Sabi ko sakanya ng naka ngiti.

"Yuck. Wag mo nga ko tawagin ng ganyan nakakainis kaya!" Halatang nainis nga siya sa sinabi ko.

"Ehh Boo Bear tawag mo sakin eh! Ginawa mo pa kong oso edi Yan-yan tawag ko sayo buti nga chocolate pa yung sayo eh. Ayaw mo nun may nickname ka na? HAHA. Im just returning the favor dude." Sabi ko sakanya.

"Ahh ganun..." Unti unti siyang lumalapit saakin.

"T-teka! Ano yang ginagawa mo?! Umayos ka nga dyan!" Sabi ko sakanya habang umaacting na magkakarate.

"Wahahaha nakakatawa ka grabe!" Sabe niya habang tawa ng tawa.

"Tss. Dami kong tawa mga bente." Sarcastic kong sabi sakanya. At kumain nalang ako ngayon hanggang sa maubos ko na to.

Tapos na kami kumain at nandito na kami ngayon sa sasakyan.

"Salamat sa pag libre! Ihatid mo na ko at baka gabihin pa ko." Sabi ko sakanya.

"Tss. Kung hindi lang ako natalo eh! Pasalamat ka! Sige ituro mo nalang yung bahay niyo." Sabi niya naman sakin at pinaandar niya na ang kanyang sasakyan.

********************

Ian's POV

Andaming nangyari ngayong araw idagdag mo pa yung pagtour sakin ni boo bear at yung foodtrip namin dito sa ministop.

Mr. Cutie or Mr. Hottie?Where stories live. Discover now