15: Back to Normal

43 0 0
                                    

Ciara's POV

Hindi parin ako maka move on after what i've heard from Yanyan. I can't believe na yun ang maririnig ko mula sakanya. I trusted him at napalapit na narin ako sakanya kaya ko nga siya naging bestfriend eh. Don't get me wrong pero hindi naman ako maarte its just that you've treated him as a friend pero may malisya na pala sakanya yun.

Asusual, lalo kaming naging awkward ni Yanyan. Kay retard na ko sumasabay tuwing hapon tapos siya na rin ang madalas kong kasama, hindi naman ako naiilang sanay naman na kaming nag aasaran sa isa't isa.

Tuwing gagawin namin yung project ay sobrang nakakabingi sa katahimikan dahil ni isa saamin wala laging nagsasalita except kay Bella kaya nga nagtataka siya kung anong meron eh. Kaya ngayong araw na to ay last day na ng project making thank goodness at matatapos na rin!

Pero kahit ganun yung sitwasyon namin namimiss ko parin siya dahil napalapit narin siya sakin no! Kaibigan ko rin siya kahit papano.

"Ok tapos na!" Sabi ni Bella at ipinasa nanamin ang project na ginawa namin.

Next class na naming ngayon. Ano batong mga teachers namin puro may mga pinagdadaanan at may halong pag ibig ang mga topic gaya nalang ng sa Computer subject namin sa photoshop raw pwede mo baguhin ang nararamdaman mo sakanya yung feeling paasa raw dahil may filter tapos yung sa Values pa namin about marriage. Tapos yung ngayon pa sa AP yung pagsakop satin nang iiwan nalang daw tayo. Buti nalang at natapos narin ang klase namin.

"Hey." Tipid na bati ni Yanyan.

"Uyy." Sabi ko.

"Musta na?" Tanong niya

"Uhmm ok naman." Sagot ko. Pero hindi talaga. Gusto ko nang magkabati kami! Alam ko naman nasaktan siya sa nagawa ko.

"Ahh." Sabi niya at parang kinakabahan pa siya sa susunod niyang itatanong. "Galit ka pa ba sakin?"

"Ano ka ba hindi na no! Akala ko ikaw ang galit eh. Sorry ha. Alam ko namang nasaktan ka sa nagawa ko don't worry hindi na ko galit dahil dun." Sabi ko sabay yakap sakanya. Namiss ko kaya to (as a friend! :P)

"Ah - ganun ba salamat!" Sabi niya sabay yakap din sakin. Hala bakit nag iinit ang katawan ko parang kanina lang okay kami tas bigla kong naging awkward sa yakap niya parang may something. Bumitaw agad ako sa yakap niya

"Ehem. Sasabay ka ba saakin?" Sabi ni retard. Ay oo nga pala hindi niya pa alam na magkabati kami ni Yanyan.

"Wait a second ah." Sabi ko kay Yanyan at kinausap ko si retard.

"Uhm retard kay Yanyan na ko sasabay ha thank you sa paghatid saakin araw araw, I appreciate it." Sabi ko sakanya.

"So ganun ganun nalang yun? Pagkatapos niyong magbati okay na ulit?" Sabi niya sakin. "Eh pano naman ako?" Sabi niya. Ano namang pinagsasabi nito?

"Ang drama mo! Babawi nalang ako sayo!" Sabi ko sakanya na gui guilty. May point naman kasi siya, pagkatapos niya kong tulungan iiwan ko nalang siya bigla diba?

"You better make sure." Sabi niya na parang may itim na aura. Hala.

"Okay babush na!" Sabi ko sabay papatakbo sa loob ng kotse ni Yanyan. Nagseselos kaya yun? Imposible naman friends lang kami. As in FRIENDS.

********************

Stephen's POV

Simula ng nag usap kami ni Ian at nalaman ni freak na may gusto pala ang bestfriend niya sakanya ay sumabay muna siya sakin. Nagkwe kwento siya na hindi niya raw ineexpect na ganun hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip niya at nagustuhan niya si freak ang sama sama naman ng ugali. Sa tuwing magkausap kami nun kapag inaasar ko siya may halong hampas agad siya daig pa yung suntok sa sakit ng hampas ni freak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Cutie or Mr. Hottie?Where stories live. Discover now