7: Spy Mode

163 30 3
                                    

Ciara's POV

Umaga nanaman at hindi ako gaano nakatulog kakaisip dun sa nangyari saamin ni retard pati kakaisip kung bat naging cold si yanyan. Nakatulala kong iniisip yung nangyari saamin kahapon habang nakawak sa labi ko.

Flashback:

"HOY SINO KA BA?! BAKIT KA BA NANGENGEALAM?!" Sigaw nung lalaking mukhang unggoy.

"GIRLFRIEND KO LANG NAMAN ANG HINAHARASS MO!" Sigaw ni retard dun sa lalaki.

"ANONG GIRLFRIEND?! PATUNAYAN MO NGA!" Sabi ni unggoy sakanya kaya naman tumingin saakin si retard at bigla akong hinalikan sa lips. Hindi ako makagalaw ngayon. Ang alam ko lang ay nag iinit ang buo kong katawan ngayon at hindi ko alam kung bakit. Pero im kissing him back and we are kissing each other. Napatigil naman agad ako at nagsalita na ngayon si retard. "SEE THAT?! TAKEN NA SIYA!"

End of Flashback.

Hindi parin ako makapaniwala na kinuha niya ang first kiss ko! Akala ko pa naman kay Mark ko yun magagawa. Anyways, naisipan ko nga palang ilibre si Yanyan. FYI lang ha, Hindi ko siya gusto okay? Gusto ko lang bumawi sakanya kaya after class ay pupunta kami sa mall. He's a good friend of mine. Ngayon ko lang naramdaman ang feeling na may nag aalalang guy sayo lalo na at kaibigan mo siya.

Ian's POV

Papasok na ulit ako sa school, ewan ko ba kung bakit sa tuwing naaalala ko na magkasama si boo bear at yung Stephen na yun ay nagseselos ako. Hindi ko naman siya gusto. Kaibigan ang turing ko kay boo bear at ayoko mawala ang friendship namin.

Nandito na ako ngayon sa classroom at kinausap ako ni Boo Bear.

"Yanyan!" Bati niya sakin.

"Uyy boo bear ikaw pala." Sabi ko sakanya.

"Mamaya samahan mo pala ko pumunta ng mall after class ha?" Sabi niya sakin.

"Sige sige." Sabi ko naman sakanya.

Habang nag uusap kami ni Boo bear ay bigla naman sumipot ung Stephen na yun at kinausap siya.

"Hey freak! Kamusta na? Nakatulog ka ba ng maayos? Baka mamaya hindi ka nakatulog kakaisip ng ki-"

"Manahimik ka nga dyan retard!" Sabat ni boo bear na namumula ang pisngi.

"Teka lang inaaway mo ba si boo bear?" Sabi ko sakanya.

"Ano ngayon? Sino ka ba? Boyfriend ka ba ng freak na to?" Tanong niya sakin.

"Hindi. Kaibigan niya ko may angal ka?!" Sabi ko sakanya. "Wag mo nga siya kausapin boo bear. nagseselos ako!" Sabi ko naman kay Ciara kaya naman namula nanaman lalo ang pisngi niya sabay iwas ng tingin niya sakin.

********************

Ciara's POV

Matinding kahihiyan na yung nangyayari sakin dito. Pano ba naman kasi nag aaway tong dalawang to sa harapan ko baka kung ano pang isipin ng mga kaklase namin dito katulad nalang nitong si Kyle at Paolo.

"Aba Cia haba ng hair mo ha." Pang aasar ni Kyle.

"Para walang away saakin ka na lang!" Sabi ni Paolo sabay kindat saakin.

"Yuck Paolo mahiya ka nga dyan sa sinasabi mo! Walang sayo!" Sabi ko sakanya.

"Wahahahaha! Nareject! Kawawa!" Pang aasar ni Kyle kay Paolo.

"Anyare sa mukha nito mukhang nalugi?!" Tanong ko kay Kyle.

"Ngayon lang kasi yan nareject ng babae. Sa lahat ng pinormahan niyan ikaw lang ang kauna unahang babae na hindi tumalab sa charms niya." Pag eexplain ni Kyle.

"Hahahaha. Ang oa naman. Sorry Paolo pero hindi ako pumapatol sa mga player na kagaya mo." Sabi ko sakanya.

"Hahaha okay lang Cia hindi ko rin type ang kagaya mo. Sungit!" Pang aasar niya sakin.

"So quits na tayo?" Sabi ko sakanya.

"Oo naman!" Sabi ni Paolo.

Naputol naman ang kwentuhan namin ng dumating na si maam. Hihintayin ko nanaman mag dismissal para makapunta na kami sa mall. Makikinig muna ko sa mga discussion kahit bored ako ngayon.

********************

Sa wakas! Dismissal na ulit at niyaya ko na si Yanyan mag mall. Sakto at nandito ngayon si Laura. kinausap ko si Laura at tinanong kung gusto ba nila sumama.

"Laura!" Bati ko.

"Uyy gurl!" Sabi niya.

"Sama ka samin? Pupunta kaming mall ni Ian. Tanong ko sakanya.

"Hindi na busy pa kasi ako eh. Soo kayong dalawa lang ang magkasama?!" Sabi niya sakin.

"Oo bakit?" Sabi ko.

"W-wala sige mauna na ko! Bye!" Sabi niya ng nagmamadali siyang umalis. Saan naman kaya yun pupunta? Anyways makapunta na nga sa mall.

********************

Laura's POV

Wala naman talaga akong pupuntahan. Palusot ko lang sakanya yun. Nagulat ako ng malaman na sila lang dalawa pupunta sa mall as in SILA LANG. So ano yun like a date or something?! Tinawagan ko sila Anaïs at Kristine para ipaalam sakanila na may date yung 2 yun.

"HEYYA GIRLS!" Sabi ko sakanila.

[Uyy! Napatawag ka ata Laura?] Sabi ni Kristine.

[Any problem?] Sabi naman ni Anaïs

"ALAM NIYO BA NA NASA MALL SI CIARA AT IAN SILA LANG DALAWA AS IN SILA LANG!" Sabi ko sakanila.

[AYY WEH?!] Sigaw ni Kristine.

[Chill! Baka naman may binili lang sila at nagpasama si Ciara.] Sabi ni Anaïs.

"One thing to find out. Girls! Pupunta tayo ngayon sa mall at ispa spy natin sila!" Sabi ko sakanila.

[GREAT IDEA!] Sabi naman ni Kristine na may palakpak pa.

[Seriously Laura?! Kailangan pa ba natin mag spy sakanila? Hayaan mo na lang si Cia baka mahuli pa tayo nun.] Sabi naman ni Anaïs.

"Hindi yan! Tara kita kits sa Starbucks text niyo nalang ako kapag nandun na kayo." Sabi ko sakanila.

[Sige!] Sabi ni Kristine.

[Okay okay.] Sabi naman ni Anaïs at nag end na yung call.

Papunta na ko ngayon sa starbucks at tinext ko na kung nasaan na sila sumagot naman si Kristine na malapit na siya. Si Anaïs naman hindi pa nagrereply.

Umupo na ako ngayon sa loob ng Starbucks. Hinintay ko sina Kristine at Anaïs. Dumating na ngayon si Kristine.

"Girl!" Bati niya sakin.

"Tin! Oh asan na si Anaïs?" Tanong ko sakanya.

"I don't know. Nauna na ko sakanya ang bagal niya ehh!" Sabi naman ni Kristine.

"Heyya! Im here na so what's the plan?" Bati ni Anaïs.

"We're complete na! So tatawagan ko muna si Ciara para malaman natin kung nasaan sila." Sabi ko sakanila.

Dialing Ciara's number...

[Hello?] Sabi ni Ciara.

"Hello? Asan kayo? Tsaka bakit ang hina ng boses mo?" Tanong ko sakanya.

[Nasa sinehan bakit? Shh! Ang ingay mo boo bear! Mag sta start na yung movie!] Sabi niya at narinig ko naman ang boses ni Ian.

"W-wala sige! Ingat kayo dyan ha!" Sabi ko sabay patay ng phone.

"Okay girls, Let's do this. Nasa sinehan sila ngayon. Kailangan mapuntahan na natin sila. Its time for: Operation Bantay!"

Mr. Cutie or Mr. Hottie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon