Chapter 1: Beautiful Menace

11.7K 430 175
                                    

Chapter 1: The Beautiful Menace


The evil witch was back. I could see it in the way the maids hurried in their footsteps; making themselves inconspicuous while ensuring that everything was in order. I could sense it in the nerve-wrecking tension in the villa. I could hear it in the loud ticking of the enormous vintage clock. The sky outside was dark enough to give an eerie coldness. The villain was back, and as I stepped into the foyer of the Villa Constantino, I realized that the evil witch was me.

"Magandang araw, Miss Sera," bati ni Manang Ingrid na siyang nangangasiwa sa villa at sa mga katulong na nagsisilbi rito. Bagaman at bakas na ang kaniyang edad sa mga puti sa kaniyang buhok ay naroon pa rin ang matalim na kislap sa kaniyang mga mata. Matagal na rin ang kaniyang pagseserbisyo sa Villa Constantino kung kaya't hindi na rin nakapagtataka ang tiwalang ibinibigay sa kaniya ng may-ari nito.

Tumango ako sa kaniya at sa dalawang babaeng katulong na nakatungo at tila takot na takot na nakatayo sa likod niya. "Bring my bags into the master bedroom. Also, I need a glass of Cabernet Sauvignon," utos ko at saka dumiretso sa garden.

Mukhang nakaabang sila sa bawat salitang sasabihin ko kung kaya naman ay agad silang tumalima maliban kay Manang Ingrid na sinundan ako patungo sa garden.

"Ipahahanda ko ang guest room," wika niya nang tuluyan akong makaupo.

Kunot-noo ko siyang nilingon. "Why? What's wrong with the master bedroom?"

Mukhang hindi siya kumportableng sagutin ang tanong ko kung kaya naman ay mas matiim ko siyang tinitigan.

"Sa tingin ko ay iyon din ang magiging desisyon ni Edward. Kung gusto mo talaga ang dati mong silid ay maaari naman natin siyang hintayin at–"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at marahas na tumayo mula sa aking kinauupuan. Masama ang tingin ko siyang hinarap dahilan upang matigilan ang katulong na may dalang wine sa paglapit sa amin. Mukhang hindi niya alam kung ilalapag niya pa sa mesa ang kaniyang dala o ibabalik na lang sa kusina.

"And why would you think that Edward will decide not to share a bed with his wife?" nakataas ang kilay kong tanong.

Huminga siya nang malalim na tila ba isang nakakairitang bata ang nasa harap niya. "Tatlong taon na kayong hiwalay, Miss Sera. Alam kong kahit si Edward ay magugulat sa iyong biglaang pagbalik."

I always knew that the old woman hated me. Kahit noon pa, palaging hindi kami nagkakasundo. Nararamdaman ko ang disgusto niya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Subalit dahil simula pagkabata ni Edward ay ito na ang nag-aalaga ay pinilit kong hindi na lang siya pag-aksayahan ng atensyon. Humakbang ako palapit at diretso siyang tiningnan sa mga mata.

"Ilagay mo ang mga gamit ko sa dati kong kwarto o uumpisahan ko ang pagpapahirap sa mga tao sa paligid mo," seryoso kong banta at saka sumulyap sa katulong na nanginginig ang mga kamay sa pagkakahawak sa tray. "Let me start with this little girl."

Akmang hahawakan ko na ang namumutlang katulong nang muling magsalita si Manang Ingrid. "Ipaaayos ko na ang mga gamit mo katulad ng dati. Kaya kung maaari lang ay huwag mo nang galawin ang mga kasambahay dito," may diin niyang sabi.

Matamis akong ngumiti sa kaniya at itinuloy ang paglapit sa katulong. Halos sabay silang napasinghap nang kunin ko ang wine mula sa tray at saka bumalik sa aking kinauupuan.

They feared and loathed me. I always had that effect on people. I wouldn't be Serafina Vera if I didn't make their knees tremble. Whether it was from hatred, fear, grief, or even sexual desire, I didn't care. For as long as I had the world at the top of my palm, I would happily live as the villain in their lives.

Shamelessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon