Chapter 7: Knights and Horses

2.4K 212 103
                                    

AN: Romance is still new to me. I'm still exploring in this genre so if ever I'm doing something wrong, please be kind. 😂 Thanks for reading! 


Chapter 7: Knights and Horses


Hindi na kami muling nagkausap matapos ang tagpong iyon. Mahigit isang oras akong nanatili sa aking silid. Paulit-ulit na parang sirang pelikulang lumalarawan sa aking isipan ang paghalik sa akin ni Edward. Bago ko ipinasyang bumalik ng Villa Constantino ay siniguro kong kasing tigas ng bakal ang aking damdamin upang kung sakaling may manakit nito ay matitiyak kong hindi ako ang masasaktan at mawawasak. Subalit parang naglalagablab na asupre si Edward; sa ilang minutong halik na iyon ay mabilis nito akong natunaw. At ngayon ay unti-unti na nitong ginugulo ang aking isipan.

Damn it! Damn you, Serafina, for coming back.

Paglabas ko ng silid ay nakabalik na rin si Lily mula sa kapehan. Ipinaalam nito sa akin na nakatanggap ng tawag si Edward mula kay Mayor Trinidad at nagtungo sa bayan. May kahungkagan sa aking damdamin habang kumakain mag-isa sa dining area. Matagal ko na itong ginagawa; dapat ay sanay na ako. Subalit habang tinitingnan ko ang bakanteng silya ni Edward, pakiramdam ko ay may kulang.

Bahagyang nananakit ang aking mga binti nang magising ako kinaumagahan. Marahil ay dulot ito ng mahabang paglalakad. Nang makitang wala nang laman ang baso sa mesita ay ipinasya kong bumangon at bumaba ng kusina.

Nasa puno na ako ng hagdan nang hustong pagpasok ng grupo ni Edward mula sa bukana ng villa. Dagling natigilan ang mga ito nang makita ako. Bakit nga ba hindi? Sa maiksing itim na baby doll na aking suot at sa mapang-akit na pagkakabuhaghag ng aking buhok, kahit sino ay imposibleng hindi ako pagtuunan ng pansin.

"Good morning, Miss Vera." Si Mayor Trinidad ang unang nakabawi at nakangiting bumati sa akin.

Sinuklian ko ang ngiting iyon. "Good morning. I didn't know that Edward will have visitors today."

Tila saka lang nakabalik si Edward sa kaniyang sarili nang marinig ang pagbanggit ko sa kaniyang pangalan. Nagsasalubong ang mga kilay na humakbang ito palapit sa akin.

"Please excuse us, gentlemen," wika nito at saka hinawakan ang aking braso.

Nakikita ko ang pagdidilim ng kaniyang mukha habang iginigiya ako pabalik sa itaas. Halos hindi siya humiwalay sa aking likuran habang pumapanhik kami ng hagdan. Ikinagulat ko pa nang maunahan niya ang aking kamay sa pagpihit ng seradura at pagbubukas nito. Wala siyang inaksayang sandali at marahas akong hinila papasok at pabagsak na isinara ang pinto.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Serafina?" nag-iigting ang panga na tanong nito.

Nagkibit ako ng balikat at itinuro ang walang lamang baso. "I'm thirsty. I need water."

Kunot-noo itong bumaling sa mesita at saka ibinalik ang tingin sa akin. Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang hawak sa aking braso habang matiim na pinagmamasdan ang aking kabuuan. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga matapos ang ilang saglit at saka ako binitiwan.

"Make yourself decent. I don't want them to see you dressed like that," awtorisado nitong utos.

Isang mapaghamong ngiti ang bumakas sa aking labi. "Why would I do that? Surely, they already know me. They've probably seen the magazines I was featured in for summer issue. I was only wearing my bikinis and–"

"Huwag mo akong subukan, Serafina!" nagbabanta ang tinig niyang putol sa aking sinasabi.

Hindi nagpatinag na sinalubong ko ang mabalasik niyang tingin. Wala naman talaga akong intensyon na humarap sa mga taong iyon na suot lang ang maiksing damit na ito. Kung ipinaalam niya sa akin na magkakaroon siya ng bisita ay nungkang lumabas ako ng silid nang hindi presentable. Subalit pakiramdam ko ay iniiwasan niyang makaharap ako pagkatapos ng halik na iyon. At ngayon ay nagagalit siya sa suot ko na para bang hindi bakas sa kaniya ang sariling pagkauhaw kanina nang sipatin ang aking katawan.

Shamelessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon