Chapter 5: Muddy Mad Witch

2.3K 253 132
                                    

Chapter 5: Muddy Mad Witch


Tila pinupukpok ang ulo ko sa sakit paggising ko kinaumagahan. Pakiramdam ko ay may pumipintig sa loob nito na puwedeng sumabog anumang oras. Sapo ang aking sintido ay naupo ako sa kama at inabot ang baso ng tubig na nasa desk. Nahagip ng aking paningin ang pain reliever sa tabi nito. Hindi na ako nagdalawang-isip na kinuha iyon at saka ininom.

Napatingin ako sa veranda sa harap ng kama. Mababakas ang lamig ng umaga sa hamog na pumipinta sa nakapinid na malaking glass door. Habang nakatitig dito ay rumehistro sa akin ang mga nangyari. Mula sa eksena sa Contadino hanggang sa pagdating ni Edward. Ang huli kong naaalala ay ang pagkakahimbing sa sasakyan habang nakikipag-usap...o nakikipagtalo sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ako nakaakyat sa silid at nakapagpalit ng damit. Sinuri ko ang pajamang aking suot: baby pink satin, may kuwelyo at butones, at ang pang-ibaba'y umaabot hanggang sakong. The press always labeled me as a sexy, drunk temptress ever since the scandal. I wonder what they would write if they could see me now.

Tumayo ako mula sa kama at lumabas ng silid. Papunta pa lang ako sa dining area ay naaamoy ko na ang sinangag, pritong karne, at danggit. Idagdag pa ang bagong gawang kape na ang tapang ay tila nilalabanan ang lamig ng umaga. Dinaig ng naramdaman kong gutom ang sakit ng aking ulo at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang dining room.

Nabungaran ko si Edward na nakaupo sa puno ng mahabang mesa. Umuusok pa ang tasa ng kape na nasa kamay. Kasalukuyan namang naglalagay si Manang Ingrid ng mga prutas sa mesa. Hindi ko na pinansin ang ginawa niyang pag-iling nang makita ako at diretsong naglakad sa upuang katabi ng kay Edward. Bukod sa pinggan sa harap ni Edward ay may nakahanda pang isa pa sa hapag-kainan. Marahil ay inaasahan na ng mga katulong ang pagsabay ko sa almusal.

"Good morning," bati ko habang nilalagyan ng kape ang tasa.

Isang tango ang isinagot ni Edward at nagpatuloy sa pagkain. I saw it as a good sign. Simula kasi ng dumating ako sa villa ay palaging nag-uumpisa ang araw namin sa mainit na pagtatalo. His silence could be a promising start of the day.

Tahimik ko siyang pinagmasdan habang umiinom ng kape. Bagaman at isang simpleng puting t-shirt lang ang kaniyang suot ay napakakisig niya pa rin sa aking paningin. Nang dumako ang aking paningin sa pang-ibaba niyang suot ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Pareho kasi ang tela at disenyo ng kulay asul niyang pajama sa suot ko.

"Eat, Serafina. You're making me lose my appetite by staring at me," seryoso nitong wika na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Mas lumapad ang aking pagkakangiti nang ilapag ko ang aking tasa sa mesa. "Am I making you uncomfortable?" malambing subalit nanunudyo kong tanong.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga at saka sinalubong ang aking tingin. Nanatili siyang nakatitig sa akin ng ilang segundo hanggang sa ako naman ang makaramdam ng pagkailang.

"Fine! I got your point. We make each other uncomfortable!" angil ko at saka sumandok ng sinangag sa plato. Muli siyang nagpatuloy sa pagkain habang tila may pinipigil na ngiti sa sulok ng mga labi.

Ilang minutong walang nagsalita sa amin. Mukhang pareho namin na gustong namnamin ang masarap na almusal. Maya-maya pa ay biglang tumikhim si Edward na tila gustong kunin ang aking atensyon.

"Tungkol kagabi..."

"Oh, right!" Mabilis kong putol sa kaniyang sasabihin. "Did you like it?"

Bakas ang kalituhan sa pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. "You changed my clothes last night. It's been a while since you last saw me."

I watched as a muscle moved on his face. His dark expression was a combination of anger and desire; both he was trying to control. Kapagkuwa'y marahas siyang tumayo na tila nawalan na ng gana sa pagkain.

Shamelessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon