Chapter 10: Wounds That Never Heal

2.2K 160 47
                                    

Chapter 10: Wounds That Never Heal


Nagising ako sa pakiramdam na tila may dumadampi sa aking mga daliri. Banayad iyon at malamig sa aking balat. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ngunit hindi nagtagal ang pakiramdam na iyon at dagling naglaho. Kunot-noong nagmulat ako ng aking mga mata.

"Edward?" anas ko nang makita siyang nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa akin. Hawak niya ang aking kamay habang nasa kabila naman ang isang kulay dilaw na ointment.

"May mga paso ka sa kamay. Dapat ay nilagyan mo na iyan ng gamot kanina," wika niya.

Umupo ako at sinipat ang aking mga kamay. May bahid na ng ointment ang mga paso sa mga iyon bagaman at namumula pa rin ang ilang parte. Hindi ko na ito napagtuunan ng pansin kanina dahil sa eksaytment. At tuluyan ko na rin naman na nalimot dahil sa disappointment.

"Ano ba'ng oras na?" wala sa loob kong tanong.

"Alas nueve ng umaga."

I hissed and glared at him. I only had two hours of extra sleep. Kulang pa iyon para maibsan ang inis ko.

"Get up. Mag-breakfast ka na at may pupuntahan tayo," wika niya nang hindi pa rin ako kumikilos.

"No. Even witches need time before they devour another victim's heart. Let me sleep," matigas kong sagot at muling nahiga.

Akmang magtatalukbong na ako ng kumot nang maramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at pag-angat ng katawan mula sa kama. I still had the blanket wrapped around me when he carried me on his shoulder like a sack of rice.

"Edward, ano ba?" angil ko nang maglakad siya palabas ng silid. Wala ako sa mood para maging kontrabida sa araw na ito. I needed more energy before I pester someone's life!

Pabagsak niya akong inupo sa silya nang makarating kami sa dining room. May nakahandang almusal roon at isang platito na mayroong... chocolate chip cookie? What the hell?

"So, you're planning to completely ruin my day, huh?" sarkastiko kong sabi habang nakatingin sa cookie. Kung nakakakilos lang ito ay baka tumakbo na ito palayo sa talim ng titig ko rito.

Isang tila napapagal na paghinga ang pinakawalan ni Edward. Pagkatapos ay mas inilapit pa nito sa akin ang chocolate chip cookie.

"Eat," utos nito.

"No," agad kong sagot. Bakit ko naman kakainin ang cookie na ginawa ng babaeng iyon? What if there was poison in it? I wasn't a fairytale princess who would fall for such a cheap trick.

"Taste it, Serafina," mas may diin na ang tinig ni Edward sa pagkakataong ito. "Hindi ko gustong inaakusahan mo ako ng pagsisinungaling."

Oh! So, it was about what I said. Napahiya ba siya sa harap ni Lia? Gusto ba niyang makaganti sa pamamagitan ng puñetang cookie na ito?

"Eat," may pinalidad sa tinig niyang ulit. Muli kong pinukol ng masamang tingin ang chocolate chip cookie. Hindi ako nakakatitiyak subalit tila mas pumusyaw ang kulay nito at mas kumonti ang mga piraso ng tsokalate na pawang mga nagsitago nang malingat ako.

Gritting my teeth, I reached for it. I could imagine the poor cookie trembling in fear. And when I finally took a bite of it, it felt like I finally ended its pathetic existence.

Lumingon ako kay Edward habang ngumunguya. Ilang sandaling nanaig sa pagitan namin ang katahimikan bago ako nagsalita.

"It's... It's too sweet," I murmured.

At totoo iyon. Masyadong matamis ang cookies. It wasn't to my liking. And definitely, not Edward's.

"And I am not a liar. I really liked the cupcakes you made," aniya sa seryosong tinig.

Shamelessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon