Chapter 3: The Witch's Curse

2.4K 280 139
                                    

Chapter 3: The Witch's Curse


Pumayag man si Edward na manatili ako sa villa ay hindi naman siya naglagi roon ng mga sumunod na araw. Madalas ay nakaalis na siya sa tuwing magigising ako sa umaga at kung umuuwi naman siya sa gabi ay palagi niyang sinasabi na kumain na siya. Ang sabi ng mga katulong ay sa Constantino Farm siya pumupunta. Mayroon siyang kubo roon na pinagpapahingahan niya at ng ilan niyang mga trabahador.

Si Lily naman ay tuluyan nang naging 'sakripisyo' ng mga kasambahay upang pagsilbihan ako. Lahat sila maliban sa kaniya at kay Manang Ingrid ay nangingilag sa tuwing makikita ako. Hindi ko sila masisisi. Hindi ko rin naman gusto na makisama sa kanila.

Kasalukuyan akong nag-aalmusal nang isang sasakyan ang narinig kong dumating sa villa. Maya-maya pa ay pinuntahan ako ni Lily at sinabing nariyan si Lia. Awtomatikong umikot ang aking mga mata pagkarinig pa lang ng pangalan ng kaibigan ni Edward.

"Palagi ba siyang pumupunta rito?" may inis sa tono kong tanong sa katulong.

Tila radyong umandar naman si Lily sa pagsasabi sa akin ng impormasyon. Hindi ko alam kung ginagawa niya ito upang maiwasan na uminit ang ulo ko sa kaniya o sadya lang na mahilig siyang magkuwento. Gayunman ay natutuwa akong malaki ang nagiging pakinabang ko sa kaniya.

"Ay napunta ho yaon 'pag alam niyang narine si Sir Edward. Madalas ay inatingnan niya ang garden."

"Oh!" sambit ko. Dinampot ko ang lagpas kalahati pang tasa ng kape at nangingiting naglakad tungo sa direksyon ng garden.

Nadatnan ko si Lia na nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa mga patay na halaman sa flowerbed. Sa sobrang pagkaabala ni Edward ay hindi siguro ito nagagawi sa parteng ito. At mukhang hindi rin iyon ginalaw ng hardinero sa takot na malaman ko. Wala sa mga taong narito ang nais na magsumbong.

"They aren't so pretty in death, are they?" pukaw ko sa kanyang atensyon.

Sa paglingon niya ay nakita ko ang bakas ng galit sa kaniyang mga mata. Maganda at mabait siya sa paningin ng lahat. Maraming kaibigan dahil marunong makitungo sa tao. Mahilig sa bata kung kaya naman ay palagi siyang tumutulong sa orphanage. Halos isang anghel ang tingin sa kaniya ni Edward nang ipakilala ito sa akin noong magpakasal kami at umuwi sa Villa Constantino. Kaya naman hindi mawala ang aking pagkakangisi sa tuwing ipinapakita niya sa akin ang mahahaba niyang kuko. Hindi niya ako malilinlang. Unang beses pa lang ng paghaharap namin ay alam ko nang hindi niya nagustuhan ang biglaang pagpapakasal ni Edward.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Sinisira mo pa rin ang mga magagandang bagay sa paligid mo," wika nito na nagawang kalmahin ang sarili.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti sa aking mga labi. "Ofcourse, Lia! Do you want me to show you how I would ruin your face just like what I did to those ugly roses?"

Kunot-noong humalukipkip si Lia. Sanay na siya sa aking mga pagbabanta na hindi na siya natatakot dito. Hindi miminsang nagkakapalitan kami ng mga salita dati sa tuwing wala si Edward.

"Ito ba ang gusto mong gawin kung bakit ka bumalik? Sisirain mo ba ulit si Edward tulad ng ginawa mo noon?" may panunumbat niyang tanong.

Hindi ako nakasagot. Pagdating kay Edward at sa mga nangyari sa amin ay hindi ko kayang ipagtanggol ang aking sarili. Siguro ay dahil aminado ako na malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Subalit ganoon pa man ay wala akong balak na magpaliwanag sa babaeng ito. Ang nangyari sa amin ni Edward ay sa pagitan lang naming dalawa at hindi siya kasali.

"Edward is not here. Umalis ka na kasi sinisira mo ang araw ko," matalim ko siyang inirapan at saka tumalikod. Sa ibang parte na lang ng villa ako magkakape.

Shamelessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon