Chapter 9: Cupcakes or Cookies?

1.8K 158 41
                                    

Chapter 9: Cupcakes or Cookies?


"Are you okay? You aren't hurt, are you?" agad na tanong ni Agatha nang tumawag ito upang kumustahin ako kinabukasan. I was still pissed off. Ngunit nang makita kong hindi naman gaanong nasaktan si Edward ay nagpasya akong hayaan na lang ang nangyari. Hindi ko mapigilang hindi mangiti tuwing naaalala ko ang ginawa niyang pagprotekta sa akin. Doon ko naisip na hindi ko rin gustong may manakit sa kaniya. Well, ofcourse, ibang usapan ang nangyari sa nakaraan naming dalawa.

"I'm not. So, hindi naman siguro iyon makararating sa media?" paniniguro ko. Malinaw kong narinig ang pagpapakawala niya ng malalim na paghinga.

"I'll make sure na walang makararating dito. Kung sakali man ay pabubulaanan natin ang mga iyon," sagot nito. "But dear, please, keep a low profile while you're there. Fans could get crazy and before you know it, they're already stabbing you. Kung nararamdaman mong hindi ka na safe diyan ay pwede ka namang bumalik na rito. Wala ng mga press na nag-aabang sa labas ng condominium building mo."

"No!" mabilis kong tutol. "I don't want to go back yet."

"Why? Things are slowly getting back to normal. Mag-release ka ng kanta at magpu-focus ang mga tao roon. Oh, yes! A producer contacted me and he wants you to make a song for a movie. Sera, this is the perfect opportunity!" bakas ang excitement sa tinig na turan ni Agatha.

Ngunit kabaligtaran ng inaasahan ay hindi ko magawang tapatan ang eksaytment na nararamdaman niya. Bigla ay nakaramdam ako ng pagod sa isipin na babalik na ako sa siyudad. "I'm not ready, Agatha. I need more time," pagdadahilan ko.

Halos nakikita ko na sa isip ko ang pangungunot ng noo ng aking kausap. "You already had your time. Gaano katagal ba ang kailangan mo bago ka bumalik dito. Hindi kaya, nahuhulog ka na naman kay Edward?"

"Okay, okay. Kaunting panahon pa at babalik na'ko. You don't have to be such a nagger," naiirita kong sagot. Hindi na siya nagpumilit pa hanggang sa tapusin ko na ang aming pag-uusap. Lumanghap ako ng sariwang hangin sa veranda upang tanggalin ang stress na dulot ng tawag na iyon.

"So, you're leaving soon."

Napalingon ako sa tinig na iyon. It was Edward and he was so sexy leaning casually against the door frame. Isang nanunudyong ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

"And you're eavesdropping. Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko.

Tila hindi alintana ni Edward ang tahasang pakikinig nito sa pakikipag-usap ko sa telepono. Ipinasok nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at lumapit sa akin.

"You're staying in my house. Sleeping in my room. Hindi ko kailangang limitahan ang ikinikilos ko sa loob ng aking pamamahay," anito.

"So now, this is your room. Kung ganoon ay bakit mag-isa lang akong natutulog sa gabi?" mapanghamon kong tanong.

Mas lumapad ang aking pagkakangiti sa pagkakatiim ng kaniyang bagang. Pakiwari ko'y may mga taglay akong sinulid na maaari kong hilahin upang baguhin ang emosyon niya. At hindi ko mapigilan ang sarili na bigyan iyon ng kahulugan. Maaaring kahit papaano ay may natitira pa siyang damdamin para sa akin.

Tumikhim si Edward. "You said you want to celebrate my birthday with me," pag-iiba nito sa aming pinag-uusapan.

"Oh, yes! I would sacrifice a human life to celebrate your existence!"

"Serafina..."

Nanunudyong ngumisi ako sa kaniya. "Ofcourse, I want to celebrate your birthday with you. Let's go to a private beach and–"

"Napagdesisyunan kong ganapin ito sa orphanage. Maraming bata ang matutuwa at maisasabay ko rin iyon sa pagpapasinaya ng bagong tayong aklatan," putol niya sa iba pang aking sasabihin.

Shamelessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon