My Engineer Boyfriend

536 26 1
                                    

"Maghiwalay na tayo."

Umikot sa aming silid ang sinabi ko.

Nanatiling nakatingin si Josh sa kaniyang libro.

"Ang sabi ko maghiwalay na tayo!" Pag ulit ko pa.

"Aemi manahimik ka nga." Mahinahon niyang sagot.

"T*NGINA MO NAMAN JOSH! Ang sabi ko maghiwalay na tayo!"

"Alam mo Aemi? Para kang bata d'yan."

"Maghiwala--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo at matalim akong tinignan.

"Stop that baby." Umikot sa tenga ko ang sinabi n'ya potcha bakit ba kasi ang gwapo ng boses nitong impakto na 'to.

"Bakit gusto mo makipag hiwalay?" Tanong niya ulit.

"W-wala g-gusto ko na. Pagod na ako sa relasyon natin."

"Yun lang?"

"O-oo "

"Okay fine." Isang papel ang ibinigay n'ya sa akin.

"Ano 'to?"

"Diba gusto mo makipag hiwalay? Bayaran mo lahat ng libro na ibinili ko sayo."

Halos maduling ako sa nakita kong listahan.

×
(3)(9) + 8. >5 lowest to ×. Find (×) to 8 = 500 books.

×2
1 shelve of books 1. 610(89)= < Find x, y, and z such that x³+y³+z³=k, for each k from 1 to 100.

P(Y-X=m | Y > X) &= \sum_{k} P(Y-X=m, X=k | Y > X) \ &= \sum_{k} P(Y-X=m | X=k, Y > X) P(X=k | Y > X) \ &= \sum_{k} P(Y-k=m | Y > k) P(X=k | Y > X).\end{align*}$$

100+ 2100+ 5600+ 7×10 (2)• Y × X

"Potang? Ano 'to?"

"Babayaran mo. Kapag na-compute mo yan. Bayaran mo na sa akin."

"Babe.. baka pwede pa natin 'to pag usapan?" Naging maamong pusa ako ng makita ko yung nilalaman ng papel.

"Makikipag hiwalay ka pa?"

Yumuko ako tsaka umiling.

"Good akin na yan. Solution ko yan sa math."

POTANG?

One Shot CollectionΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα