Husband's

976 21 0
                                    

"Hey baby, wake up." Unti-unti ako'ng nagigising  dahil sa malambot na palad na marahang tumatapik sa kanang pisngi ko.

Whaattt? Baby? Kelan pa may tumawag sakin na baby!? Teka... bat parang ang sarap pakinggan ng boses na yun!

Unti-unti ko'ng minulat ang aking mga mata para makita kung sino ang nilalang na iyon.... at biglang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtakip sa aking bibig ng makita kung sino ang bumungad sa akin!

"M-maxwell?!" Gulat na gulat na tawag ko sa pangalan niya, at bigla ako'ng napabalikwas ng bangon!

"Yes baby?" Nakangiting sagot niya saakin.

Ohmyghaadd! Totoo ba to?! Kingina baby daw!makalaglag panty men!

Susubukan ko na sanang tapikin ang muka ko dahil baka panaginip lang to, ng mahagip ng paningin ko si----!

"K-keifer?! Kingina andito ka din?! Waaahhhhh!" Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sobrang gulat! Napapatili na rin ako ng di oras.

"Tss... Profanity." Huwaaat?! Hanggang dito ba naman Keifer?! Pero gusto ko yun hehe.

"You're one of the Grp who Portrayed Jay-jay right?" Luh! Pano niya nalaman yun!? "U-uhm Oo." Nag-aalangan na sagot ko sa kaniya.

Niligid ko pa ang paningin ko at agad na nagsalubong ang paningin namin ni...

"Ohmyyyy Supremoooo!" Kinikilig na tawag ko sa kaniya, kulang nalang mapagpagulong-gulong at tumalon-talon ako sa kama!

"Hello Darling, Nice to meet you." Nakangiting sabi niya. Acckkkkk!

Napatingin ako sa katabi niya.

"G-Ginoong J-Juanito?! Andito ka rin?!" Jusko pwede na'ko mamatay! Andito sila! Yung mga asawa ko sa Wattpad world!

Lumapit siya akin at huminto sa harapan ko. "Nagagalak ako'ng makilala ka binibini." Pagkatapos niyang sabihin iyon, ay kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Jusko pedeng himatayin saglit? Grabe naman kasi! Nakakashock! Diko ineexpect na mangyayari to! Buhay silaaa! Nag-eexist sila! I can't believe this na talaga! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko...

Niligid ko pa ang paningin ko, dun ko lang napansin na maging sina Jeydon Lopez waah pusang robot! Maxrill, Ezekiel, Jacob! Omooo yung sparkling abs niya! Wala na naman siyang damit! Shit ang aking ays! Lahat sila nakangiti ng matamis sakin.... Weyt---si Sensui andito din!

"Babybabeeeee!" Malakas na tawag ko sa kaniya.

"Tch stop calling me babybabe, baka magalit si Taguro babe." Medyo inis na sabi niya.Tsk sungit ng baklang to.

Pero kahit ganun sobrang saya ko pa rin kasi nag-eexist na sila! Grabe ang gagwapo'ng nilalang! Di na blanko o blurred! Sa sobrang saya at kilig diko maiwasang magpagulong-gulong sa kama, wala akong pake kung makita nila akong ganito kasi naman bhe! Waaahhhhhh! "NAG-EEXIST NA SILAAAAAA! YUNG MGA ASAWA KO NAG-EEXIST NAAA!" Ayan napasigaw na tuloy ako!

Until, I felt someone shaking my arm and body.

Then after that I heard my sister yelling at me. "Hoy! Ate gising! ang galaw-galaw mo! utang na loob oh! Madaling araw palang. Patulugin mo pa ako!"

After hearing those words, parang bigla ako'ng nagising sa reyalidad so I quickly opened my eyes and say, "H-ha? Ano?"

"Ano'ng-ano ate? Ang galaw mo ka'ko matulog! Tas kung ano ano pang sinasabi mo diyan! Umayos ka nga ng higa mo tsk!" Galit na talaga'ng sigaw niya saakin. 

"Ano'ng tulog?! Kanina pa ako gising! Andito pa nga sila Maxwell, Keifer, Juanito! Yung mga asawa ko andito sila!"

"Ano'ng asawa? Kanina pa ako gising para lang gisingin ka, dahil ang likot-likot matulog! Tapos antagal mo pa gisingin pisti! Nadag-anan mo na nga ako eh!!"

Bigla ako'ng natahimik at inisip ang mga nangyare....

"Yan kasi! Puro ka wattpad! Wattpad! Pati sa panaginip mo hindi ka tinatananan ng wattpad na yan! Pati pagtulog ko inabala mo pa! Kainis ka ate arrghh!"

Sunod-sunod na sumbat niya sakin. TANGINA PANAGINIP LANG PALAA?! HAYOOP KALA TO TOTOO NAA!

"Makareklamo ka naman diyan! Kung di mo'ko ginising edi sana tuloy-tuloy pa yung panaginip ko!" Na akala ko totoo na, di naman pala hayoop!

"Ikaw may kasalanan neto eh!" At hinampas ko siya ng unan!

"A-Araayyy!!" Kumuha din siya ng unan pero bago niya ihampas sakin yun, may sinabi siya na lalo'ng nagpabigat sa loob ko and it really breaks my heart.

"Kahit magtuloy-tuloy man yang panaginip mo, panaginip pa rin yun! Magigising at magigising ka pa rin! Ate wake up!" Sabay pitik ng daliri. "Fictional Characters sila! Pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo! Ganun pa rin yun! Hindi sila mag-eexist sa Mundo natin!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay ang paghampas niya ng unan sa mismong Muka ko. Di ako nakailag buset! Masakit, pero mas masakit yung sinabi niya. Tagos sa bone men! Ipamuka ba naman!

"OO NA! ALAM KO! DI MO NA KAILANGA'NG IPAMUKA! MAPANAKET KA EH!" Sa huling pagkakataon, hinampas ko ulit siya ng unan, pero this time sobrang lakas na! Makabawi man lang.

"A-AAARRHHHHH!" Boogsshh! Nahulog siya sa sahig mula sa kama. Yan kasi karma mo yan.

SHUTANGIMERS PANAGINIP LANG PALA!😭😭😭

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now