Chapter 26

196 12 0
                                    

Maverick P.O.V

Ilang minuto pa ay nakita na nga ni Maverick sila Wilfred nakakatutok pa ang kamay nitong may hawak na punyal sa leeg ng kanyang nobya.

"Maverick! tulungan mo ako." sigaw agad ni Athena ng makita siya nito.

"Dadaan ka muna sakin." sabi pa ni Wilfred na lalong idiniin ang punyal sa leeg ni Athena.

"Wilfred wag! ako ang kalabanin mo hindi ang walang laban ang didiskitahan mo! Duwag ka!" Sabat pani Maverick.

"Sa tingin mo ba papatayin ko ang babaeng nagbigay ng halaga sakin?" Natatawang sabi ni Wilfred.

Saglit lamang ay pinatulog niya si Athena ng walang kahirap hirap sa pamamagitan ng pagtitig sa mata nito.

"Athena..."

Gustong gusto na lumapit ni Maverick at mahagkan ang nobya ngunit natatakot siya sa posibilidad sa gawin ni Wilfred dahil nasa pwesto siya nito.

"Alam mo nai-kwento niya? Matagal kana daw niyang gusto kaso binalewala mo lang siya, Maverick. Buti nalang at dumating ako."

"Hahaha, Nagpapatawa kaba Wilfred? alam mong kahit kailan ay hindi ka niya magugustuhan!"

"At sa tingin mo matapos ang mga nangyare at sa mga natuklasan  niya ay magugustuhan ka parin niya?" Ngumising saad pani Wilfred.

"Wilfred ibalik mo na sakin si Athena!"

"Para saan? alam mo lahat nalang inagaw mo sakin at hindi na ako papayag na pati siya maagaw mo!"

Walang pasabi ay sumugod ito. Madaming beses ang tama ni Maverick Ilang beses nakalmot, nasuntok at saka nasipa.

Sadyang napakabilis ni Wilfred sa mga oras na yun  hindi niya rin inaasahan, nang hihina na siya pero hindi niya yun pinahalata.

"S-sige. Patayin mo ako, ito namn ang gusto m-mo.. " nanghahamon na sabi ni Maverick.

"Talagang papatayin kita!"

"Para magsama na kami ni Aleah na mga kalahi nating Light na pinatay mo." sabi pa ni Maverick.

Dahil sa galit ni Wilfred ay itinuloy niy ang pagsaksak kay Maverick—

*Swiiiiisssshhh!*

Pero si Miena ang tinamaan.

"M-miena!" sigaw ni Maverick.

Dahil bigla itong humarang para sakanya.

Sa pagkakataong yun nagkaroon ulit si Wilfred na tumakas.

"Miena...Mien.." naiiyak na usal niya habang inaalalayan si Meina.

"M-m-ma...saya.. A-akong .. ligtas ka P-pi...nuno.."

"Miena lumaban ka pakiusap, Kahit sa ikalawang pagkatataon man Lang...." Tuloy-tuloy lamang ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Maverick.

"Pi...n-nun..o, ...M-mahal... kita..."

Sabi pa ni Miena sabay pikit ng kanyang mga mata at bigla na itong naglaho na parang abo na nilipad ng hangin.

"Miena... Miena!!!"

Sigaw pa ni Maverick na walang humpay sa pag-iyak, Galit na galit siya kay Wilfred dahil sa ikalawang pagkakataon may pinatay nanaman itong na kalahi nilang mga Light.

"Wilfred!"

Kaya naman kahit anong bilis ni Wilfred ay nasundan parin niya ito.




Athena P.O.V

Nagising  si Athena, nakita niya ang pag-aaway nang dalawa parehong walang nagpapatalo,  kaya't habang hindi pa siya napapansin ay tumakas siya. 

"Ahhh!"

Napatili pa siya ng makasalubong ang ilang mga Dark na mukhang takam na takam sa dugo niya...

Paatras siya ng paatras habang palapit ng palapit sa kanya ang mga ito at ng dudumugin na siya...

May biglang isang bampira ang kumalaban sakanila at agad ding natumba ang mga ito.

"Kung sino kaman. Maraming salamat saiyo." sabi pa ni Athena.

At ng humarap na ito sakanya bigla na lamang siya napako sakanyang kinatatayuan hindi siya makapaniwalang ang kaharap niyang Bampira na tumulong sakanya ay si—

"I....I-inna." 

"Athena. Ako nga!" Ngumiti na lumapit pa ito sakanya ngunit
sinampal niya ito.

"Bampira ka... pero hindi mo sinabi sakin?!" galit na galit na sabi ni Athena.

"P-paano... pano ko sasabihin s-sa...saiyo?" Naluluhang sagot ni Inna habang nakahawak sa kanyang pisngi kung saan sinampal siya ng kanyang kaibigan.

"My gosh! Inna! Ang tagal na nating magkaibigan.. its been 13 years, Ang dami mong oras para magtapat sakin! Pero inilihim mo Lang! Bakit umabot na kailangan ako pa ang makaalam!!!" Naiinis pang sabi ni Athena sakanya.

"Kase natatakot akong husgahan mo Athena... N-natatakot ako na kapag malaman mo lalayuan mo A-ako."

"Ang babaw ng tingin mo sakin Inna, sa tinagal-tagal mo akong nakasama yan pa ang tingin mo? Kaibigan kita!!" halos iduro-duro na siya ni Athena sa labis na Galit.

"Athena S-sorry... pero kase.."

"Ano Inna!?"

"S-siya ang pumatay kay Yana.." sabat pa ni Wilfred na nanghihina  agad siyang sinuntok ni Maverick kaya naman nawalan  ito ng malay.

"I-In..na..." Usal pa ni Athena na naluluha na rin.

"Ath..h-hena, magpapaliwanag ako."

"Totoo ba yung sinabi ni Wilfred?"

Seryosong-seryoso na tanong ni Athena walang mababakas na emosyon ngunit may namumuong mga luha sa mga nitong titig na titig kay Inna.

"Athena..."

"Totoo ba na ikaw ang pumatay kay Yana!" sigaw niya.

Napatango tango pa si Inna sa galit ni Athena sinabunutan niya ito lumapit naman agad si Maverick.

"Athena tama na." inaawat pa siya ni Maverick.

"Bitawan mo ako!" sinampal niya din Maverick.

"Athe...na.. M-mag.. P-papaliwanag ako." Naiiyak na pagmamakaawa ni Inna.

"Wala ka ng dapat ipaliwang! ikaw din Maverick, alam mo pala lahat... bakit hindi mo agad sinabi sakin?!"

"Walang kasalanan si Maverick dito." sabat pani Inna.

"Wala akong panahon makinig sa inyong dalawa ... mga sinungaling kayo magsama kayo!"

Galit na galit na umalis si Athena na iniwan ang dalawa naiiyak siya sa labis na sakit ng kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon patuloy lamang sa pagtulo ang kanyang mga luha dahil sa mga katotohanan.

I'm the stalker of my Vampire CrushWhere stories live. Discover now