Chapter 28

213 14 0
                                    

Maverick P.O.V

Bumalik siya kung saan naiwanan niyang nakahimlay si Wilfred.

Pero wala na ito dun.

Galit na galit siya dito, namatay ang kawawang si Miena na wala namang ginawa na masama kundi ang ipagtanggol at mahalin lang Siya.

"M-miena.. Miena, Gaganti ako." Usal pa ni Maverick.

Kaya agad siyang tumungo sa mga kampo nilang mga Light na umiiyak.

"Nabalitaan namin ang nangyre bakit hindi ka humingi ng tulong anak?" Bungad pa ni King Alaric.

"Anak kamusta ang kapatid mo?" nag-aalalang tugon pa ni Queen Lucinda.

"Yung bastardo mong anak mommy ... P-pinatay niya si Miena.. pinatay niya yung isa sa mga tapat na tauhan natin."

"Wag kang magalit sa kapatid mo." Kalmang sabi pa nito.

"Paanong di magagalit mommy! nung una si Aleah, Ngayon si Mieana. Hahayaan ko ba na isunod niya si daddy o kaya ikaw! Kaya dapat mamatay na yang Wilfred na yan!" Pasigaw na sabat niya sa Ina.

Kaya naman Nasampal siya ni Queen Lucinda

"Ikaw ang matanda sa kanya. Dapat naiintindihan mo Siya."

"Paano ko maiintindihan si Wilfred? Kung kayo mismo hindi namin maintindihan! kung bakit nagawa mong makipag talik sa iba." Ganti pa nito.

"Anak tama na. Wag mo ng ungkatin ang nangyare na tapos na." Pagpigil pa ni King Alaric.

"Totoo naman daddy kung hindi siya! Sumiping sa kapatid mo, Walang Wilfred na mabubuo!"

Walang pigil na sabi pa ni Maverick na mababakas nagalit na galit sa mukha nito.

"Oo.... nagkamali ako! Dahil pumayag ako sa gusto ni Walter, Pero wala akong pinag ssisihan dun dahil pinanganak ko naman ang kapatid mo." sagot ni Queen Lucinda.

"Mommy.... Yung anak niyo pinatay yung isa nito pang-anak. Para saan? Para sa trono na di naman nararapat para sakanya . Alam niyo kasalanan mo to eh.. Wala naman ginawa si Daddy sayu kundi mahalin ka... tapos sinuklian mo lang ng pagtataksil! Pasalamat ka dahil pinaupo ka parin dyan sa trono mo." sagot pa ni Maverick.

"Anak tama na , pumsok kana sa loob!"

Utos pa ni king Alaric, mabilis naman na sumunod si Maverick si Ama.






Queen Lucinda P.O.V

"Pagpasensyahan muna ang anak mo." Baling ng asawa sakanya.

"Hindi ba ako sapat na Ina para sakanya  para sakin ang sakit sakit makita na yung mga anak ko nagpapatayan. Pero siya walang ginawa kundi sisihin akosa kamalian ko." Naiiyak na sabi niya.

"Lucinda, Mainit lang ang ulo ang anak natin. Bukas tiyak akong mapapatawad ka na niya." Pagpapalakas loob pa ni King Alaric kay Queen Lucinda.

"Kailangan ko makausap si Wilfred."

"Hindi ako papayag na umalis ka ng mag isa sasama ako. Bilang isang Ama gusto ko na maramdaman niyang may ama pa siya."

"Salamat Alaric."

†★†★†





Mabilis nilang hinanap ang mga Dark nahirapan sila dahil wala na sa dating tirahan nila, Pero di sila tumigil, Hanggang sa nahanap nga nila ang mga Dark.

Wilfred P.O.V

"Pinuno ang iyong Ina nasa labas." sabi ng isa niyang alalay.

"Papasukin niyo." utos pa niya.

"Anak!"

Umiiyak na pumasok si Queen Lucinda at mababakas ang pag-aalala sa mukha ni Queen Lucinda sapagkat nakita Niya ang anak maraming natamong pasa saka Galos akmang lalapit na siya dito—

"Wag kayung lalapit sakin." Pagpigil ni Wilfred sakanyang Ina at kay King Alaric.

"Gagamutin ko ang mga sugat mo." sabat  ni King Alaric.

"Kaano-ano ba kita?" Pabalang na sagot ni Wilfred.

"Anak... huwag kang ganyan."

"Nay.. tingnan mo ang ginawa ng magaling mong anak Sakin! Halos patayin na niya ako!"

"Anak ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Maverick.. magbati na kayu."

"Gagawin ko yan kapag binigay na niya sakin ang "Virtude" nang ako na ang mamumuno sa mga Light At kakalimutan ko na lahat ng alitan namin."

"Hindi ako papayag! Mas karapat dapat ang anak ko." Tutol pa ni king Alaric.

"Natural anak mo eh!" Nagising asar na sabi pa ni Wilfred.

"Gagawa ako ng paraan Wilfred." Sabat pa ni Queen Lucinda.

"Lucinda."

Saway ni King Alaric, Pero bigla nalang sumulpot si Merna at tinutukan ng punyal si King Alaric. 

"Alaric."

"Nay... Papakawalan ko ang walang kwentang Ama ni Maverick kung ibibigay mo sakin ang Virtude at ipapanggalan sakin ang trono." Ngisi na paliwanag niya sa Ina.

"Wag mong sasaktan ang asawa ko."

"Ibang klase ka Nay... Ang sweet mo ganyan karin ba sa Ama ko nung pugutan ng lalaking tuh! ang ama ko?" mas lalong lumawak pa ang ngisi sa mga labi nito.

"Wilfred, Huwag mo siyang sasaktan pangako gagawin ko lahat para lang sa ikakasaya mo." Pakiusap pani Lucinda.

"Wag Lucinda!" Pigil pani King Alaric sa asawa.

"Manahimik ka!!" Gigil na sabat agad ni Merna.

"Alaric."

"Kung ako sayo Nay, Umalis kana at agawin ang Virtude sa mahal kong kapatid."

"Wilfred magbago kana..." Naiiyak na sabi pa ng kanyang Ina.

"Ikaw ang magbago Nay, Sumama kana sakin. "

"Anak." Nululuhang pakiusap pa nito.

"Kung ayaw mo edi wag."

I'm the stalker of my Vampire CrushWhere stories live. Discover now