Chapter 29

341 18 8
                                    

(Kinabukasan)

Athena P.O.V

"May bisita ka Athena." Sambit ni Tata Karding.

"Sino po?" Tanong pani Athena ngunit ngumiti lamang ang matanda sakanya.

Lumabas siya at nakita si Maverick, 
May dala itong rosas na bulaklak.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ni Athena.

"Sinusuyo ka.. at kaya kong patunayan ang sarili ko, Hanggang pakinggan mo ang mga paliwanag ko."

Eh, di wow! Ako na ang magandang babae sa buong mundo.

Usal pa niya sakanyang isip.

"Bahala ka." Pagmamatigas pa ni Athena at bumalik sa loob ng Bahay.
 

Maverick P.O.V

"Iho, reject yataa ang first day mo." asar ni Tata karding kay Maverick.

"Tata Karding naman eh..." Nagkakamot pasa batok na maktol nito.

"Ito tip ko sayo, suyuin mo siya bilang isang Bampira at hindi sa pamamagitan ng isang mapaglinlang na katauhan. Ang babae ay ayaw sa sinungaling, Iho."

"Susubukan ko po Tata Karding kaya lang baka kase lalo siyang magalit sakin?"

"Diba na mas maganda yun? Para maramdaman niyang totoo ka."

"Tama po kayo, salamat po sa pagpapaintindi sakin Tata Karding, nauunawaan kona ngayon." Ngumiti at tumango lang lamang sakanya si Tata Karding.




(Kinabukasan)

Athena P.O.V

"Athena may bisita ka."

"Sino? Tat...."

Nabigla pa siya ng makita na nakahubad ng damit si Maverick. Nag lalakihan  ang mga muscle at ang mga pangil na mapuputi.

"Ang Hot! kahit anong itsura talagang ang gwapo gwapo niya.
Maverick sana di ka nalang naging Bampira...."

Pagrereact pa niya sa isip.

Napapangiti naman si Maverick sa maingay naisip ni Athena.

"Anong meron bakit naka outfit ka ng ganyan?" 

Tanong pa niya saka umupo hindi gaya kahapon na dinedma niya lang ang Kasintahan.

"Gusto ko lang kaseng magpakatotoo sayo. Ayoko ng magbalat kayo pa para lang mahalin mo."

"Sana noon mo pa naisip yan." Nakataas pa na kilay pagbabara ni Athena.

"Halika."

"Saan ba?"

"Basta, Secret no Glue." sagot ni Maverick na ikinapigil naman ng ngiti ni Athena.

Mabilis na hinawakan nitong hinapit ang bewang ni Athena at lumipad ng mataas.

Napayakap tuloy sa kanya ang dalaga, Na ikinangiti naman ni Maverick.

"Mga tao sa bayan natin, Alam na ang mga kaaway na Bampira at hindi. Kaya malaya nakong makakagalaw dito. Athena, sana gaya nila, Maintindihan mo ako."

Dahan-dahan naman siyang tinignan ni Athena sa mata.

"Maverick, hindi pa ako handang magpatawad ng mga bampira lalo na at naaalala ko sina Mama saka si Yana."

"Naiintindihan kita. Gusto ko lang na lagi akong nasa tabi mo at sana wag mo na akong pagbawalan na lapitan ka, Dinudurog ang puso ko kapag tinataboy mo ako, Athena." Nasasaktan pang paliwanag ni Maverick sa kasintahan.

"Kung sincere ka talaga sakin, Oo sige Hindi na kita itataboy."

Sagot ni Athena na nagpasigla sa mukha ni Maverick na kanina ay nalulungkot pa.

"Sinabi na nga ba eh, di moko matitiis, Aking Mahal..."

"Ewan ko sayo!" ngiting aso pa si Athena.

"Maverick, ibaba mo na ako baka mahulog ako!"

"Sasaluin naman kita. Hahayaan ba kitang mahulog sa iba? Syempre hindi, Akin ka eh... Hahahahaha."

Hinampas naman siya ni Athena.

"Wag ganyan baka tuluyan na kong bumigay."

"Alam mo naman marupok ako."

Kaya namn natatawa si Maverick na ibinaba niya si Athena dahil sa nababasa niya ang mga inuusal ni Athena sa isipan nito.

"Bat ba tumatawa ka dyan!?" Pagalit pa na tanong niya umiling lamang ang binata.

"Wala lang masaya lang ako kase tinanggap mo ulit ako."

"Basta ayoko na ng sekreto ha... gusto ko totoo na! Maverick mangako ka!"

Nakangiti na tumango si Maverick saka naman siya hinalikan ni Athena sa pisngi.

"Pangako." Usal nilang sabay.







A/n:

This chapter is Dedicated to: AiizeyaMatutisAasco Hi ate Aii💗

I'm the stalker of my Vampire CrushWhere stories live. Discover now