Chapter 27

198 13 0
                                    

Athena P.O.V

Malayong-layo na ang inilakad niya palayo kina Maverick, wala siyang naramdaman na pagod dahil Siya galit na galit.

Pero sinusundan parin siya nina Maverick at Inna.

Kaya naman iniharap niya ang mga ito dahil sa pagkainis niya sa dalawa na parang mga buntot niya na sunod ng sunod sakanya.

"Pwede ba lubayan niyo ako!" Asik pa niya.

"Athena hayaan mong ihatid ka namin." sabi pa ni Maverick.

"A-yo-Ko! Ayoko ."

"Athena mapanganib saka alam mo ba ang direksyon pauwi?" Tanong pa ni Inna ng may pag-aalala na mababakas sa boses nito.

"Papayag na akong ihatid niyo. Pero wag niyong iisipin na pinpatawad ko na kayo... Dahil hidi mangyayare yun." Pagmamatigas pa niya.

Ngumiti pa si Maverick at Inna... At biglang tumalikod sakanya si Maverick at pumailalim sa harapan niya.

"Halika na, sakay  kasa likod ko." nakangiting sabi nito.

"Bat ka ngumingiti ka dyan!" nakakunot na ang kilay ni Athena.

"Alam mong napakarupok ko kapag ngumingiti ka.."

Kaya naman lihim na kinilig si Inna at Maverick .. hindi alam ni Athena na naririnig nila ang iniisip niya,  sumakay na din siya sa likod ni Maverick.. at naglakad ngunit mabagal.

"Hoy! bakit hindi niyo bilisan?!?" Naiiritang sabi pa niya.

"Mas gusto ka kaseng naming makasama ka ng matagal na hindi nagagalit samin." Sabat pa ni Maverick

Habang tahimik lamang si Inna.. Natatakot kase siya na baka mapuna na naman ni Athena ang pinakamalaking-kamalian nagawa niya sakanyang Buhay.

"Alam mo Maverick ibaba mo nalang ako!"

"Ayoko."

"Maverick ano ba!?"

"Patawarin mo na ako pati si Inna." Pagsusuyo pa ni Maverick.

"Kung hindi mo ako papatawarin paano ang relasyon natin?" Dugtong pa nito na nakapout na ang mga labi kaya't tumingin sa ibang direction si Athena baka madali nanaman siya nito.

"Hah! Nangunsensya pa ang sinungaling na Bampira, Hahahaha."

"Sinungaling bampira na minahal mo."

"Minahal ko nga yun pala manloloko, Daig pa ang mga seaman sa pangloloko."

"Nanloko para hindi ka masaktan."

"Pero nasaktan parin ako sa panlolokong ginawa mo." sagot pa ni Athena.

Kaya naman tumahimik na si Maverick at ibinaba si Athena saka hinarap ito.

Samantlang si Inna ay napapangiti lang sa tabi dahil sa kasweetan ng dalawa, Hanggang sa nag-usap sila ni Maverick at sa isip.

Maverick: kausapin mo na siya.

Inna: Ayoko.

Maverick: hindi na yan galit.

Inna: natatakot ako!

Maverick: Just try... 

Inna: Ghe, susubukan ko.



"Athena." Paunang pansin ni Inna pero—

"Ayokong marinig ang boses mo . Kung maaari. Iwanan mo na kami." Malamig na sabi  ni Athena  na galit na tumitig dito, Nagtampo pa si Inna kaya mabilis itong umalis.

"Inna." Tawag pa ni Maverick saka binalingan si Athena.

"Athena..."

"Ano?! Gusto mo sundan siya? Edi Go! Kung kakampihan mo si Inna. Umalis kana rin, Tutal hindi ko naman kailangan ng mga Bampira sa buhay ko." seryusong tinititigan lamang siya ni Maverick.

"Hindi kita iiwanan.. may kasalanan na nga ako sayo, Dadagdagan ko pa ba?"

"Kung yan gusto mo walang may pipigil sayo tssk... pero Maverick gusto ko ng umuwi."

"Athena hindi ka pwedeng bumalik sa bahay niyo. Mainit ka kay Wilfred maaring mabalikan ka niya ulit."

"Kung ganun saan ba ako pwede?"

"Sa isang taong mapag kakatiwalaan kay Tata Karding tiyak akong ligtas ka doon."

"Tama ka, Mas panatag ang loob ko kay Tata Karding kesa kasama ka." Sagot pa ni Athena.

Para namang kinurot ang puso ni Maverick sa sinabi niya, Pero isinawalang bahala niya yun at initindi.

Hinawakan niya na ang si Athena at  mabilis niya ito dinala kay Tata Karding.

"Tata Karding!" parang batang tumakbo na  yumakap si Athena dito.

"Salamat at ligtas ka, Iha."

"Athena. Tata Karding, Mauuna na po ako may laban pa akong kailangan na tapusin." Pagpaalam pa ni Maverick at akmang aalis na sana ito ng—

" Maverick! salamat sa pagligtas mo sakin kahit sobrang laki ng galit ko sayo.. mag ingat ka." Bilin pa niya.

"Para sayo.. hihintayin kong mapatawad at matanggap mo ako ulit, Athena." 

"Salamat ulit."

Tumango naman si Maverick na Ngumit at bigla nalang nawala ito.


Nagpahinga na din si Athena at hindi lubusang maisip na hindi lahat ng nakakasalamuha niya ay mortal na tao lamang. 

I'm the stalker of my Vampire CrushWhere stories live. Discover now