Chapter 15

245 18 0
                                    

Athena P.O.V


After Class:

"Sige na umuwi kana."

"Ihahatid na kita sa inyo." sabi pa ni Maverick.

"Hindi na kaya ko naman, ikaw mag ingat ka ha."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Sige mauna na ako bye, Athena."

"Ingat ka Maverick." 

"Ingat karin." sabay halik sa pisngi niya, kaya naman di halos nakagalaw si Athena na natameme at napangiti rin sa huli.


Maya maya pa.

Pagbaba niya sa tricycle.

"Wag ka ng magbayad Athena..." 

"Kayu naman po, Tay Lagi niyo nalang akong nililibre."

"Ayos lang yun."

"Salamat po at sana makarami kayo ng Pahero, Tay."

"Ikaw talaga ang swerte ko eh, sige na Ineng paalam na."

"Bye po..." Masayang pagpapaalam niya sa Manong Driver ng Tricycle, at saka lumakad na.

Pagpasok palang niya sa gate nila ay nakaamoy na siya ng nagluluto sa bahay.

Amoy pakbet na luto ng mama niya kaya naman agad siyang pumasok sa loob.

"Mama." sabi pa niya.

Pero—

"Andyan kana pala." Nakangiting salubong ni Wilfred sakanya.

May bumubuo pang mga luha sa mata ni Athena sa oras na yun.

"Anong ginagwa mo dito?" takang tanong niya.

"Pasensya na ha... kung pumasok ako sa bahay niyo at nakialam sa kusina niyo. Alam ko kaseng nag iisa ka. Walang gumagawa ng meryenda mo at ng hapunan kaya nandito ako para ipagluto ka." sabi pa ni Wilfred na nakangiti sakanya.

"Salamat. Pero bakit? Bakit pakbet yung niluto mo?" saka bumagsak na ang mga luha nito.

Kaya namn agad siyang nilapitan ni Wilfred saka niyakap at ngumisi ng palihim habang niyayakap siya nito.

"Bat ka umiiyak?"

"Naalala ko lang ang Mama ko."

"Tahan na, Athena. Halika na kumain na tayo."

Pag-aaya pa niya rito.

"Sige nakakagutom rin kase yung amoy ng luto mo amoy palang  masarap na."

Pinaghain siya ni Wilfred.

"Mmm...Ang sarap ha."

"Athena... Athena!" tawag pani Tata Karding sakanya.

"Sino yun?" Tanong ni Wilfred.

"Si Tata Karding yun, ang albularyo dito sa lugar namin. Teka pagbubuksan ko lang siya." sabay labas nito.

I'm the stalker of my Vampire CrushWhere stories live. Discover now