CHAPTER 2

169 24 11
                                    

Napamulat ako sa aking mahimbing na pagkakatulog ng may kumatok sa pinto ng aking kwarto, kinuha ko muna ang aking telepono upang tingnan ang oras, nanindig ang aking balahibo ng makitang alas tres pa lamang ng madaling araw, napaisip ako bigla kung sino ang kakatok sa ganitong oras dahil sobrang aga pa at sa aking curiousity, gusto kong malaman kong sino ang nasa likod ng pintuan,

Kaya't bumangon ako mula sa pagkahiga at bumaba sa aking kama, dahan dahan ang aking paghakbang sa paglakad papunta sa pintuan.

Nasa harapan na ako ng aking pinto at bawat segundong lumilipas ay siya ring mabilis na pagpintig ng aking puso.

Akma ko na sanang bubuksan ang pintuan ng muling may kumatok ng tatlong beses, napaatras na lamang ako..

No this is just a dream, wake up August!!

I need to call a police baka magnanakaw ang taong nasa likod nito.. Sana kung si daddy ito ay kanina pa siya nagtawag ng aking pangalan, kung si mommy naman isang beses lang siya kumatok dahil sa pag ka attitude niya.

But this is different..

Come on Augustina you're brave, you can do it!!

Napabuntong hininga ako bago hawakan ang door knob at buong tapang ko itong binuksan.

Laking gulat ko nang makita ang isang lalaki, topless siya at ang kaniyang pantulog na short ay mickey mouse pa, kinusot ko ang aking mga mata at napasigaw ng malamang totoo at hindi ako nasa isang panaginip lamang, humakbang ang lalaki papalapit sa aking gawi. Hindi gaano malinaw ang kaniyang mukha dahil madilim ang paligid at nakalimutan ko na i switch on ang ilaw dahil malayo ito at hindi ko maabot. Nagsimula na akong sumigaw sa mga sandaling nakalapit na sa akin ang lalaki.

"mommy!!daddy! rapist, magnanakaw mom dad!" Habol ko ang aking hininga sa pagsigaw

"huwag kang lalapit sa akin or else.." aniko sabay tutok sa kanya ang nail cutter na kinuha ko sa sahig.

Biglang nagliwanag ang paligid rason kung bakit nakita ko ang mukha ng lalaki,

"hala ate august, its me," aniya sabay kamot ng kaniyang ulo. Inayos pa nito ang kaniyang buhok.

"a-ate? kapatid ba kita? You're too tall to be my brother, si kuya nasa abroad at bata pa ang bunso namin, siguro kabet ka ni mommy?" Aniko

Kumunot ang mga noo nito at pilit na ngumiti..

Isa lang naman ang kapatid kong andito at pandak pa lamang siya at kung ikukumpara, malayo ang pangangatawan niya sa aking kapatid at masyadong matangkad ang lalaking ito.

Mabilis ang pagtakbo nila mommy at daddy dahil sa paghakbang nila sa hagdan na aking naririnig

"andito na kami, don't worry!" sigaw ni dad

Parehos na napagod sila mommy at daddy sa kanilang pag-akyat. Habol nila ang kanilang mga hininga.

"anak naman eh di pala namin nasabi sa iyo n-" napigil sa pagsalita si dadddy

"Dad no way!! ang bata ko pa, eighteen, inosente pa lang ako, at ang bata rin niya dad, di pa ako ready na ikasal ayaw ko pa magkapamilya mom, dad," aniko

Lumapit ako sa kanila at lumuhod.

"paano na ang future ko," saad ko pa.

Ang ikinagulat ko lang naman ay nagtawanan sila daddy at ang lalaki, while mom is in a serious mood, habang ako naman ay nagmamakaawa, hindi ko alam kong bakit nila ako tinatawanan, napapakamot naman ang lalaki sa pagtingin ko sa kanya.

"augustina, tumayo ka riyan, siya ang pinsan mo, hindi na namin napakilala kanina kasi umakyat ka na agad sa iyong kwarto, nagmamadali ka kasi yan tuloy napagkamalan pang rapist itong si Quinton," ani Daddy

Napatingin ako sa lalaki at pilit na inaalala ang kaniyang mukha. Pinisil ko ang ilong nito at kinurot ang kaniyang pisnge.

"what pinsan! Quinton!" Sigaw ko at niyakap siya nang mahigpit

"ate naman eh ako to si Quinton, ang dali mo naman makalimot ate Augustina, eight years lang tayo di nagkita ate eh, tampo na ako sayo," bulong niya habang yakap ko siya

"I'm sorry kulit," bulong ko sa kanya pabalik

"Its all fine ate, basta ikaw," aniya

"quinton, totoo ba, ikaw na talaga ito?ang laki laki muna bat ang bilis mong lumaki mas matangkad ka na sa akin ngayon, at nag iba din ang iyong hitsura, kung dati ang itim itim mo at payat ngayon ay ang tikas na ng katawan mo, ang puti puti mo na rin, mas maputi ka pa sa akin, sabon reveal naman, pero seriously you look good my favorite cousin," aniko sabay pisil sa kaniyang matangos na ilong

"at bakit kasi naka topless ka pinsan, yan tuloy napagkamalan kitang rapist, at teenager na tayo kaya huwag ka nga mag suot nang ganyan," saad ko

"sa mukha kong 'to, rapist ate, napakagwapo ko kaya para maging rapist," Pabiro niyang pagsabi sabay ngiti

"Anak naman inabala mo pa kami ng mommy mo," singit ni dad habang nakangisi

"I don't think so, next time august, please huwag ka naman mag sisigaw, we're worried about you, i need to rest na, may trabaho pa ako bukas," nauna ito sa pag-alis at makikita naman sa kaniyang mukha ang pagkagalit dahil sa abala.

"huwag mo na isipin ang mommy mo august the important is, daddy's love you always, and love ka rin naman ni mommy mo, initindihin mo nalang sweetie ha, goodnight," he said sweetly and kissed me in my forehead,

My dad always have his way to make me feel better, and that's by kissing my forehead.

"mauna na rin ako ate kakamustahin lang naman sana kita pero napagkamalan mo pa akong rapist, kasi diba noon palagi akong gising kapag alas tres ng umaga, pati ba naman yan nakalimutan mo na, pero laugh trip ka talaga kanina ate, sige na po mauna na ako, goodnight," Aniya at bumaba na rin sa hagdan.

"goodnight sa paborito kong pinsan sa susunod huwag ka na mag topless ha, bukas na lang tayo magkamustahan," pahabol ko sa kanya habang bumaba ito.

"okay ate Augustina!" he shouted

Isinara ko na ang pinto at kaagad na bumalik sa aking kama not to sleep but to overthink again.

Why mom always be like this? Totoong anak niya ba talaga ako?

Stop thinking non-sense august.

Pumunta ako sa aking bintana at binuksan ko ito

The sky is so beautiful, full of stars with the moon shines so bright.

Kagaya ng aking nakagawian, tumatambay ako sa aking bintana para maghintay kung may mahuhulog na bituin sa kalangitan. Subalit kahit walang shooting star, i always wish.

But my phone rang,

Sino naman kaya ang mag tetext sa akin sa ganitong dis oras, kinuha ko ang cellphone sa aking kama, at tiningnan kung sino.

Napaawang ako sa aking nabasa sa mensahe at nag-isip dahil unknown ang numero at hindi listed sa contacts ko.

Rereplyan ko ba?

I change my mind and ignore the message, ayaw ko pa ng lovelife baka sa sobrang inlove ko ay mabaliw pa ako.

Tinapon ko ang aking cellphone sa kama at bumalik sa bintana.

My phone rang again.

This time i read the message,

From: Unknown

Pasensya na pala kanina sa ginawa ko, I'm sorry , I didn't do it, my lips did

Hindi ko inaakala na matutupad ang aking kahilingan, sa sobrang kilig ko ay hindi ko na magawang magtype sa keyboard ng phone ko at bigla na lang pumintig ang aking puso na para bang iba ang aking nararamdaman. Pinatay ko na ang aking telepono bago pa ako mamatay sa kilig

I never felt this feeling before,




TEMPERSLAYER







Before Our Wedding (Under Revision)Where stories live. Discover now