CHAPTER 13

67 20 0
                                    

A sun ray reflecting in my eyes gives me reason to open it. Everything is better than last night, but the cold still.

Mas naging magaan ang aking pakiramdam at hindi na gaanong kasakit na parang pinupokpok ng martilyo ang ulo ko. Napapahilot ako sa aking ulo at nagawang mag-inat dahil sa pananakit ng aking katawan.

Napansin kong may kung sinong nag-iingay sa labas ng aking kwarto, pero kahit na tahimik sila ay naririnig ko sa loob ang pagtawa nilang tatlo, ang mga kaibigan ko.

Nang bumukas ang pintuan ay parang nagpapaligsahan ang tatlo dahil sa pag uunahan sa isa't-isa patungo sa akin,

Sabay sabay silang nakarating subalit iba't-iba ang kanilang naging puwesto, may tumalon sa aking paa, at tumabi sa akin magkabilaan.

"Augustina don't leave us, magiging ninang ka pa ng mga magiging anak ko," ani Luna na nasa paanan ko

"you're so daya mo naman augustina, hindi mo pa nga nahahanap ang future mo, mawawala ka na, I hate you,"  ani Alexa na sa kaliwa ko habang mahigpit ang pagkayap sa aking braso

"magiging bridesmaid pa ako sa kasal mo augustina, hahanapan mo pa nga ako ng boyfriend eh," ani suzette na sa aking kanan

Kung hindi ko lang sila kaibigan ay kanina ko pa sila nabatukang tatlo, dahil sa kanilang kaartehan. Nagsabay pa ang tatlong umiyak na oarang bata.

"h-hindi pa ako patay, mga abno talaga kayo, pag ako namatay don't worry kayo ang una ko na mumultuhin," aniko't tumawa

"ako naman, ako naman, we miss you na augustina sana mawala na yan lagnat mo, pag yan nahawakan ko papatayin ko yan,  punyemas na yan." ani luna

"yey extended class natin august, pero pupunta kami sa mall ngayon, at maiiwan ka," ani Suzette sabay paikot ng kaniyang mata

"ayy tampo ako sa inyo," aniko

"we're worried lang sa'yo kaya 'di ka sasama, kahit na medyo okay ka na ay hindi talaga, kasi baka you will himatay sa mall." maarte na ani Alexa

Nag-iwan sila sa akin ng prutas bago umalis. Alam ko kung saan na naman ang tatlo pupunta, mag h-hunt na naman sila ng boys sa mall. At ako hindi ko na kailangan pa na maghunt dahil may nakasungkit na sa aking puso, walang iba kundi si Zack.

I missed him..

Nagpahinga ako at naidlip..

Nadatnan ko na lamang na may isang lalaking nakaupo sa tabi ko habang nakasandal ang ulo niya sa wall ng aking kama,

Nurse yata..

Hindi ko na lamang inabala ang lalaki sa kaniyang pagtulog,  ngayon ay may enerhiya na ako at kaya ko nang bumangon. Kumuha ako ng mansanas at kinagat 'to, at tumungo sa aking bintana,

Nagulat na lamang ako nang may biglang yumakap sa'king likuran sabay halik sa aking pisnge,

Nag panic ako at nasiko ko ang lalaki
"What the hell who are you?" aniko

Tinanggal ng lalaki ang suot na mask,
"augustina, I'm sorry sa nagawa ko, I know nabigla ka, your bestfriend text me that you're not feeling well, kaya ako ngayon nandito, plano ito ng mga kaibigan mo," aniya habang hawak ang kaniyang dibdib na aking siniko

Niyakap ko siya dahil sa sobrang miss ko sa kaniya, araw palang ang nakakalipas na huli naming pagkikita subalit sabik ako sa kaniyang mukha at sa yakap niya.

"I miss you zack," aniko at hinigpitan ang aking pagkayap sa kaniya

"I miss you too my beautiful Augustina," he whispered

Before Our Wedding (Under Revision)Where stories live. Discover now