CHAPTER 14

67 20 0
                                    

Who's excited when someone has a birthday?

Agosto dos, ang petsa na ito ay sobrang espesiyal sa akin, isa lang namang dyosa ang ipinanganak sa araw na ito.

I'm officially nineteen on this day. Subalit kahit anong gawin ko para maging masaya hindi pa rin mawala wala ang kalungkutan na aking itinatago..

Akala ko ay wala nang magaganap sa aking kaarawan, subalit may pa surprise pala si dad sa akin, napilitan lang na sumama si mommy..

Nasa van na kaming lahat at nagsimula na itong umandar, patuloy pa rin akong ngumingiti kahit deep inside sadgirl ako sa kaarawan kong 'to.

Sino naman magiging masaya sa beastmode na mukha ni mommy?

Madali kaming nakarating sa lugar na ngayon ko lang nakita, sobrang ganda ng beach na ito, dito daw kasi nagkakilala sila mom at dad kuwento niya, at nagpakasal rin sila dito, hindi malayo na dito rin ako ginawa but nevermind about their story kasi kwento ko ito..

Isa isa na kaming bumaba mula sa van at pag apak ko pa lamang sa buhangin ay damang dama ko na ang ganda nito kahit na naka tsinelas ako, ang halimuyak ng mga bumalaklak ay sadyang nakakapang-akit,

Ang mga kaibigan ko naman ay parang bago lang nakakita nang statue ng dolphin na nasa entrance ng beach, itinuturo pa nila ito na parang mga bata, napabuntong hininga na lamang ako.

Agad naman silang pumunta sa akin habang ako nama'y inaamoy ang mga mababangong bulaklak na aking nadadaanan,

"Augustina huwag mo naman ubusin 'yong amoy, baka pati petals maipasok mo na sa ilong mo," ani luna

"alam mo, ito ang proper way smelling of flowers, para kang bee sa ginagawa mo eh," ani Alexa

Agad akong humarap kay Alexa na siyang pumitas ng bulaklak at nag demo kung paano amuyin ito, mas mukha siyang bubuyog sa aming dalawa..

"alam niyo girls pumasok na lang tayo sa loob, yan kasi nagpapa amoy kayo ng flowers niyo tularan niyo kaya ako behave lang," ani Suzette and flipped her hair

"basta ako di pa nakaka amoy ng bulaklak, ano kaya ang amoy?" Singit ni Quinton

Halos napatikom kami dahil sa sinabi ng pinsan ko..

Naglakad na kami papunta sa aming puwesto, this beach is very beautiful, those cottages are colorful,

But someone's catches my attention, she is wearing a white dress too, habang naglalakad sa gilid nang dagat, halos parehos kami ng hubog ng katawan, she has a porcelain color of skin too, hindi malayong maganda din ang babaeng ito kahit nakatalikod siya, pero ang napansin ko pa sa kanya ay parang umiiyak siya, dahil para bang nagpapahid siya ng kaniyang luha sa pisnge. Napaupo ang babae, and I see her sided view of her face, pero sobrang malayo ito kaya i decided na lumapit sa kaniyang gawi, pero agad na siyang tumayo at nagpatuloy sa kaniyang paglakad..

Numalik na lamang ako sa aming cottage habang hinihintay ang mga kaibigan ko na nagbibihis ng kanilang swim suit.

Pumunta nalang muna ako sa direksyon ni Quinton kung saan siya naka upo at titig na titig sa babaeng mga naliligo sa dagat,

"heyy!" pangugulat ko, umupo ako sa kankyang tabi,

"hinay hinay sa pagtitig sa babae na yan baka mapasisid ka ng wala sa oras," aniko

Mabilis siyang tumingin sa ibang direksyon,
"sinong babae ba ate Augustina?" aniya

Minsan itong si Quinton magaling din to mag pa tanga nang tao pero ako hindi niya maloloko,

"kunyari ka pa diyan eh, basta Quinton dapat kasing ganda ko, ng pinsan mo ang magiging fiance mo," aniko

"aba ate saan ako makakahanap ng diyosang katulad mo? kahit hindi na maganda ate basta maganda lang ang kalooban at tunay ang pagmamahal sa akin," aniya na ikinalambot ng aking puso, binata na talaga ang pinsan ko..

Before Our Wedding (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon