CHAPTER 24

81 18 0
                                    

Nagkahiwalay na kaya sila?

This made me think after i saw him bringing flowers and chocolates for me. Kung hindi pa man bakit niya ako bibigyan? For what?

Kahit na ilang beses ko na tinatakasan ay paulit-ulit lang akong binabalikan, ilang beses ko man siyang itinataboy ay patuloy parin ang tadhana sa paglalapit sa aming landas.

What if i gave zike a chance over Zack?

Wala namang problema kapag magbibigay ako ng pagkakataon sa kaniya.

Ngayong araw ay maghihintay ako sa kaniya na lapitan ako, at ngayon ay tatanggapin ko na ang bulaklak  na ibibigay niya, ilang buwan na rin siyang nangungulit sa akin na ligawan ako, and this is the right time to gave him a chance.

Alam niya ang paborito kong lugar sa likod ng engineering building, kung saan nagtatambay rin ang mga kaklase ko na nag-aabang ng mga engineering students. Maganda ang tambayan dito dahil tahimik lang at mga huni lang ng mga ibon ang tanging maririnig dahil nasa likod na ito ng university, kahit na matataas ang pader ay mararamdaman ang sariwang hangin.

"Ate augustina," ani alyssa na katabi ko

"Kailan ka ba magkakaboyfriend?" Saad niyang tanong

Ngumiti ako nago tumawa, "not in a million years," aniko sabay hawi ng aking buhok

"sus, marami kang manliligaw eh, pero dedma mo lang sila, but Zack yata yung name from 3rd year engineering student, bagay kayo." aniya

Wala akong naisagot sa kaniyang sinabi ang i changed the topic. Lumipas ang mga oras at hindi ko parin nakikita si zike sa labas ng classroom. Imbis na maghintay at isipin ang lalaki ay nakinig na lamang ako sa teacher namin. Halos yata lahat ng babae kong mga kaklase ay may mga nagsusundo, at marami sa mga lalaki ang nagmula sa engineering.

Bakit naman ako aasa na maghihintay ang lalaki sa akin, baka nag give up na siya dahil hindi ko siya pinapansin. Well hello, isa lang naman sa aking technique 'yon to know who is worthy, sa pagmamahal na mayroon ako.

I went home with myself..

Akala ko'y wala na ang pagmamahal ko sa lalaking nagngangalang Zack, pero bakit siya parin ang napapanaginipan ko sa bawat gabi? Siya parin ba ang ninanais ng puso ko?

Umagang-umaga at puro busina ng kotse ang naririnig ko sa labas ng aming bahay, dahilan rin upang bumangon ako mula sa aking kama.

Nang tinanaw ko ang kotse ay hindi ako makapaniwala dahil pamilyar ito sa akin, sa kambal ang mga kotse na nasa labas ng bahay. Kung hahayaan ko sila ay baka magising pa sila mommy at daddy at ano pa ang kanilang isipin.

Hindi sila puwedeng makita baka mapagalitan ako at mapagsabihan na naman ni mommy, strikto pa naman siya, alam kong nagbago na siya but still she's the same as she is.

Nagbihis muna ako dahil nakapantulog lang ako. Weekend ngayon pero maaga ang paggising ko dahil sa mga kotse nila. Itinali ko ang aking buhok gamit ang rubber band at saka mabilis na bumaba.

Bago ko pa man sila mapagsabihan ay ngayo'y nakaupo at nakangiti ang dalawa sa aming sala, at sino ang nagpapasok sa kanila?

"Mga hijo, magkape muna kayo, hintayin niyo bumangon ang sleeping beauty namin," ani daddy

Napatingin sila sa akin at sabay na ngumisi..

"sleeping beauty dad ha," aniko

"gising ka na pala, may mga bisita ka," aniya

Hinila ko si daddy papunta sa dining area, "dad naman bakit mo sila pinapasok?" Aniko na parang bata

"because they are your suitor," aniya

Before Our Wedding (Under Revision)Where stories live. Discover now