CHAPTER 2 | DWIGHT

21.8K 440 7
                                    

Chapter 2

Nandito na ako ngayon sa office. Naihatid ko na din sa school ang mga bata bago pa ako pumasok sa trabaho.

" Ma'am, Sir Dwight is here." Bago pa ako makareact sa sinabi ng secretary ko ay pumasok na nga si Dwight.

" How's your day, my love?" He said while smirking. Dwight is my suitor for almost 3 years. Ilang beses ko ng sinabi sakanya na wala akong balak mag boyfriend at may anak na ako pero hindi sya nagpapatinag. Kaya nya daw alagaan ang mga anak ko na sya namang tinutulan ko. Hindi nga sya close sa mga anak ko dahil tuwing bumibisita sya ay hindi naman sya pinapansin ng mga bata. Masungit ang mga anak ko, manang mana sa ama.

"Don't call me my love, it's disgusting."
I said saka ko sya inirapan. Sobrang kulit nya na halos ilang beses ko na syang binusted pero ayaw parin tumigil.

Tinawanan nya lang na para bang walang narining. " You need to go back to the Philippines."

I shrug from what he said. Wala pa nga akong balak bumalik sa bansang yon.

" What for?" Kunot noong tanong ko. Hindi ko pa kayang bumalik sa bansang yon. Hindi pa ako handa. I don't hate the Philippines but the memories that I left there.

" Your father's birthday. Tumatanda na din ang papa mo kailangan mo na syang palitan sa business nyo." He said in a matter of fact. " If you're not ready now, then kailan ka magiging ready? kapag bumagsak na ang business nyo dahil ayaw mong hawakan?" he added.

" No, babalik naman ako pero hindi pa sa ngayon." Hindi ko pa talaga kayang bumalik. It's not the right time.

" If it's not the right time then make the time right. Kung hindi pa tama ang panahon then ikaw mismo ang magtama. Just think about your parents." Desididong desidido syang kumbinsihin ako.

" I'll think about it." That's all I could say.

Going back means meeting him again. Lucious is my everything back then. Sya lang ang lalaking minahal ko ng sobra sobra. I never love someone else. Kaya natatakot akong bumalik, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

" Make sure to choose the right decision." Dwight said na parang wala na syang magagawa.

" Let's got. Sunduin natin ang mga bata gusto ko sila ipasyal." He said. Changing the topic. Sumang ayon naman ako sakanya. Mabuti nalang kahit hindi sya masyadong pinapansin ng mga bata ay hindi sya nagagalit or napipikon.

Sinundo nga namin ang mga bata after ng class nila. Dinala namin sila dito sa park at dito na din kumain. While eating Dwight is talking to my kids pero ang response lang ng mga bata ay kung hindi tango ay iling. Hindi ko alam kung bakit sila ganito.

" Uzumaki why don't you answer your tito Dwight instead of nodding and shaking your head?" I said to my eldest son. Si Uzumaki ang pinaka maintindihin sakanila. Sya ang laging nag oobserve sa mga nakapaligid sakanya.

" I-I don't know how to socialize with him. The first man that I want to be close with is my father, mommy. Baka magselos si Daddy kapag nalaman nyang close kami sa iba, mommy." My son said habang nakayuko. Hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman nya. Tinignan ko pa ang dalawa kong anak na nakatingin din sa kuya nila. Halatang ganoon din ang nararamdaman nila dahil kung hindi ay paniguradong sasalungat sila sa kuya nila.

" We want to meet our daddy, mom." Killua said. " Alam namin na may nagawa si daddy sayo, mommy kaya ka umalis sa Philippines diba? pero mommy gusto din namin syang makilala." Killua added. Hindi ko alam ang sasabihin sakanila. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

" D-Do you want to go to Philippines?" Ang tanging nasabi ko. If going back to the Philippines will make my sons happy then I'm going to do it.

" Is it okay with you, mommy?" Levi said. Ang bunso ko na ngayon lang nagsalita. Tinignan naman ako ni Dwight na para bang hinihintay akong sumagot.

" Yes, if it makes you happy then I'll do it." Kung ito ang paraan para sumaya sila then gagawin ko. Ngumiti naman si Dwight sa narinig. I guess tama sya kailangan ko na ngang harapin ang taong matagal ko ng pinagtataguan.

Hinatid na kami pauwi ni Dwight. Hindi muna sya umalis at tumambay muna dito sa bahay namin.

" Are you sure na babalik ka na?" He blurted out. " Parang kanina lang sabi mo pag iisipan mo muna. Ayaw mo ngang magpapilit." Natatawang dagdag nya.

" Para sa mga anak ko, gagawin ko." Ngumiti sya ng marinig ang sinabi ko.

" Wala ka bang babae ngayon?" Pag iiba ko ng topic. Sinimangutan naman nya ako.

" Ikaw lang ang babae ko." He pouted. Nanliligaw sya sakin pero alam ko namang hindi sya seryoso. Iba iba pa nga ang babae nya. Despite of that naging magkaibigan parin kami. Bumabalik lang naman sya sa panliligaw saakin kapag wala na syang babae. Kaya malabo talagang maging kami.

" Kunwari ay naniniwala ako." Natatawang sabi ko dito. Lalo pang humaba ang nguso nya na nagpatawa naman lalo saakin.

" Pero yung totoo. Anong gagawin mo pag nagkita kayo?" Bumalik na sya sa pagiging seryoso.

" Ipapakilala ko sakanya ang mga bata. Siguro pag uusapan na rin namin kung paano ang oras namin sa mga bata." Hanggang doon nalang naman talaga.

" If he disagree? what if umabot kayo sa korte?" Alam ko namang sinasabi nya lang ang mga posibilidad na mangyare pero naiinis ako dahil baka nga hindi pumayag si Lucious sa gaanong set up.

" Wala akong pake kung mayaman sya, mayaman din ako. Mag ubusan nalang kami ng pera sa korte kung hindi sya papayag." Galit na sabi ko.

" Chill. Hindi pa naman sigurado." Natatawang sagot nya.

" Dwight, pwede bang ikaw na mag ayos ng mga papers namin? bukas din sana ay uuwi na kami ng mga bata para isurprise sila daddy. Saka din yung school nila ikaw na bahala. Please." Nag puppy eyes pa ako para pumayag sya.

" Fine." Pagsuko nya. Mas mabilis kasi syang kumilos saakin. Kaya nya na yon sisiw nalang sakanya. " Gusto kong sumama sainyo pero marami pa akong dapat gawin dito. Susunod nalang ako." Tumango naman ako sa sinabi nya.

I guess it's time for me to meet him again. See you again Lucious.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon