CHAPTER 16 | WEDDING

13.1K 344 22
                                    

Nakuha ko lang po sa google yung picture sa taas.^^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 16

2 WEEKS passes by and Lucious and Shannon's wedding day came. Ito na ang araw na pinaka ayaw ko. Sinalubong ako ng pagsusuka sa umaga kaya wala ako sa mood. Dalawang araw na ding wala dito sa bahay si Lucious dahil sa paghahanda sa kasal kuno nila ni Shannon.

Itetext nalang daw ako ni Lucious kung anong oras ang kasal. Hindi kasi sinabi ng parents nya kung anong oras baka daw kasi tumakas pa sya.

" Mommy, anong oras po tayo aalis?" Tanong ni Levi habang kumakain kami ng almusal. Alam nila ang plano ngayong kasal ni Lucious.

" Wait lang natin magtext ang daddy nyo, babies." Sagot ko sakanya kaya tumango naman ito.

" This is gonna be one of the worst day of daddy's bride." Sabi ni Killua habang naiiling. Tinawanan naman sya nina Uzumaki at Levi. Tama sya, ang kasal ay isa sa pinakamasayang araw para sa isang babae tapos hindi ito matutuloy.

After namin kamain ay nagtext na saakin si Lucious. 10 am ang kasal nila. Ang aga wala ako sa mood umalis gusto ko nalang matulog mag hapon pero hindi pwede yon.

Pinabihisan ko na kay manang ang mga bata saka ako nag ayos ng sarili. Naka suot ako ng black dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Habang ang mga bata naman ay nakasuot ng black button up shirt, pare parehas sila. Yes, nakablack kaming apat dahil trip kong mag black kami.

9 am nang umalis kami sa bahay. Si manong ang nagdadrive habang katabi ko naman sa likod ang mga bata. Bago kami makarating sa simbahan ay pinag drive thru ko muna si manang dahil nagcacrave ako ng burger. Ewan ko ba trip ko mag burger ngayon.

Pag dating namin sa lugar kung saan sila ikakasal ay nauna akong bumuba kasunod ang mga bata. It's a garden wedding. Habang naglalakad kami ng mga bata papunta sa entrance ng venue ng kasal nila ay hawak ko parin ang dalawang burger na kinakain ko. Gutom ako bakit ba.

PAG DATING NAMIN sa tapat ng entrance ay rinig na rinig ko ang boses ng pari.

" Shannon Licalco, do you take Lucious D'Angelo Ferrer as your lawfully weddes husband?"

" I do." Hindi ko makita ang reaksyon ni Shannon dahil nakasara ang pinto sa entrance ng venue nila tanging sa speaker lang namin naririnig ang boses nila.

" Lucious D'Angelo Ferrer, do you take Shannon Licalco as your lawfully wedded wife?"

Bago pa man makasagot si Lucious ay binuksan na ni Uzumaki ang pinto sa entrance ng venue nila. Lahat ng bisita nila ay sabay sabay na napatingin saamin ganon din si Shannon at Lucious.

Naunang naglakad ang tatlo naming anak palapit kina Lucious at ako naman ay nasa likod nila at kumakain ng burger. Habang naglalakad kami palapit sakanila ay nakita ko pa ang mga kaibigan namin. Sila Graya, Silver, Zeus, Hera at ganon din sila Kuya Liam at Ate Charmaine. Lahat sila gulat na gulat ang expresyon.

Kasabay ng paglapit namin kina Lucious ay ang pagkaubos ng burger na kinakain ko kaya nairita nawala nanaman ako sa mood, gusto ko pa ng burger.

" What is this all about, Aeofi?" Takang tanong ng mama ni Lucious. Malamang kilala ako ng magulang nya dahil naging ex ko sya.

" This wedding is off." Walang ganang sabi ko. Gusto ko pa talaga ng burger.

" Ano bang ginagawa mong malandi ka?" Galit na galit na sigaw ni Shannon. Sino kayang mas malandi samin eh alam na nyang may pamilya na si Lucious inaagaw nya pa din.

" Ma, Pa hindi kami pwedeng ikasal ni Shannon, may pamilya na ako. Ito ang tatlo naming anak." Si Lucious naman ngayon habang nakatingin sa mga magulang nya. Napatingin naman ang mga magulang nya sa mga anak namin. Gulat yarn?

" Hindi pwede to. Paano ang anak namin?" Sabat ng mama ni Shannon. Mahirap bang intindihin ang salitang may pamilya na?

" Ilang beses ko na hong sinabi sainyong ayaw kong ikasal sa anak nyo." Sagot ni Lucious sa mama ni Shannon.

" May anak ka lang naman sa babaenh to, hindi pa kayo kasal kaya pwede pa kayo ng anak ko." Napabaling naman ako sa tatay ni Shannon dahil sa sinabi nito. Ang tigas ng mukha grabe. Ngayon alam ko na kanino nagmana si Shannon.

" Sino po bang nagsabing hindi pa kami kasal ni Lucious?" Iritang tanong ko sa tatay ni Shannon. Nauubos na ang pasensya ko, gusto ko na kumain ulit ng burger.

" What do you mean?" Takang tanong ng tatay ni Lucious.

Tinaas ko ang left hand ko sabay turo sa singsing na suot ko gamit ang right hand ko. Kahit sa civil lang kami ikinasal ni Lucious ay hindi nya ako nakalimutang bigyan ng singsing.

" Nakikita nyo po ba to? naiintindihan nyo na po ba?" Tanong ko sa magulang nila.

" Hindi yan totoo! gawa gawa mo lang yan para hindi matuloy ang kasal namin." Galit na galit na sagot ni Shannon. Ganon ba talaga kakitid ang utak ng babaeng to? naiirita na ako sakanila.

" Mommy and Daddy are married. Kung hindi nyo maintindihan yon ay hindi na namin kasalanan. Can we go home now?" Uzumaki said boredly. Nakita ko silang tatlong magkakapatid na prenteng naka upo sa upuan na kung saan dapat nakaupo ang ikakasal.

" Hindi to pwede, anong balak mo sa anak namin, Lucious?" Pilit pa din ng mama ni Shannon. Tigas talaga ng mukha.

" Wala po akong balak sa anak nyo. Una palang alam nyong wala akong balak pakasalan sya. Ma, Pa mauna na kami ng PAMILYA ko." Sagot ni Lucious saka kami hinila ng mga bata palabas sa venue ng kasal nila. Nakita ko pang galit na galit si Shannon na susubukan sanang habulin si Lucious ng pigilan sya ng mga magulang mismo ni Lucious. Mabuti naman.

" Finally." Lucious said pagkasakay namin sa kotse nya.

" Thank you, Love." Dagdag nya pa tapos akong halikan sa kamay na kanina nya pa hawak.

" Anong thank you? gusto ko ng burger." Nakasimangot na sagot ko. Natawa nama sya bago ako halikan sa labi.

" Ew, mom and dad get a room." Natawa na rin ako dahil sa sinabi ng bunso naming si Levi. Nakita ko din sina Uzumaki at Killua na kunwari mo ay nasusuka.

Finally, tapos na din ang problema sa kasal nila. Siguro naman hindi na nila kami guguluhin ngayong alam nilang may pamilya na si Lucious.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon