CHAPTER 11 | JEALOUS

15K 361 11
                                    

Chapter 11

NANDITO kami ngayon ng mga bata sa mall, ako kasi ang sumundo sakanila galing sa school. Hindi namin kasama si Lucious dahil may trabaho ito. Medyo naging busy din sya dahil sya na rin ang nag hahandle ng company namin.

Balak na naming kumain ng maka- salubong ko ang taong huli kong nakita sa New York.

" Aeofi!" Dwight said happily.

" Kailan ka pa nakauwi? bakit hindi mo ako tinawagan? kamusta ka? ano may asawa ka na ba?" Tuloy tuloy na tanong ko pero isang tanong lang yata ang narinig nya.

" Hoy, wala pang isang buwan nung umuwi kayo dito tapos itatanong mo kung nakahanap na ako ng asawa?" Natawa naman ako sa sinagot nya.

" Samahan mo nalang kami, kakain na din kami."

" How are you, kids?" Tanong nya sa mga bata ng makahanap kami ng kakainan.

" We're fine, tito." Si Uzumaki ang sumagot.

" Nasabi sakin ni tita nagkabalikan na daw kayo ni Lucious?" Tinignan ko naman ito dahil sa naging tanong nya.

" Actually, we aren't back together it's just that he wanted to live with us kaya ako pumayag para na rin makabawi sya." I explained.

" So wala kayong label? ano yon bahay bahay lang ang peg nyo?" Natatawang tanong nya. Inirapan ko naman sya kaya lalo syang natawa.

" Aeofi!!" Napatingin naman ako sa tunawag sakin. It's Shadilaine one of our friends.

" Shadilaine, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit sya.

" May meeting kasi ako dito katatapos lang ng makita ko kayo kaya lumapit na ako." Sagot nya bago napatingin kay Dwight. " Is he your husband?" Tanong nya.

I was about to answer her ng tumunog ang phone nya at nagmamadali syang nagpaalam dahil may pupuntahan pa daw sya.

" Sino yun?" Takang tanong ni Dwight ng makaalis si Shadilaine. Tinignan ko naman sya ng nanunukso.

" Bakit, bet mo?" Nang aasar na tanong ko, pinanliitan ko pa sya ng mata para feel na feel.

" Anong bet ka dyan? alam mo namang ikaw lang my love ko." Banat nya kaya naman inirapan ko sya.

" Isusumbong kita kay daddy, tito Dwight tinawag mong my love si mommy." Napatingin kami pareho ni Dwight kay Levi dahil sa sinabi nya.

" Sige lang, Levi sabihin mo sa daddy mo nililigawan ko ang mommy nyo." Natatawang sagot ni Dwight kay Levi kaya naman pinanlakihan ko sya ng mata. Kung ano anong sinasabi sa anak ko.

" Baka po suntukin ka ni daddy, tito Dwight." This time si Killua naman ang nagsalita.

" Nako, hindi magagawa ng daddy nyo yon, malakas kaya ang tito Dwight nyo." Mayabang na sagot nya kay Killua. Talaga lang ha.

" We'll see." Sagot ni Uzumaki sakanya. Teka seryoso ba silang magsusumbong sila sa Daddy nila? dati naman okay lang sakanilang tawagin akong my love ni Dwight kasi alam naman naming nagbibiro lang sya.

AFTER namin kumain ay hinatid kami ni Dwight pauwi. Tumanggi pa ako pero nagpumilit sya kaya hinayaan ko nalang na ihatid nya kami. Pag kauwi namin agad pumanik ang mga bata sa kwarto nila para magpalit. Nagpalit na din ako ng pang bahay at bumaba din ako agad sa sala.

I decided na manood kami ng mga bata as bonding na rin namin to dahil mas madalas kasi nilang kasama ang daddy nila, hinahayaan ko naman sila dahil ilang taon din silang hindi nagkasama. When the clock hits 4 pm ay nagdecide akong tulungan si manang na magluto ng hapunan. Gusto ko kasing ipagluto si Lucious ng paborito nyang ulam, gusto kong iparamdam sakanya ang gusto nya, na uuwi syang galing trabaho at sasalubungin sya ng pamilya nya.

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon