CHAPTER 6 | LUCIOUS

17.4K 438 26
                                    

Chapter 6

PAPUNTA kami ngayon ng mga bata sa pool nitong hotel. Kanina pa kasi sila nangungulit na gusto na nila mag- swimming kaya ang sabi ko ay dito na muna kami sa pool ng hotel dahil baka makita nanaman namin sila ate Charmaine kung sa dagat kami mag s-swimming. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung sakali.

Pag dating namin sa pool area ay agad naman nagswimming ang mga bata.

" Mommy, join us." Yaya sakin ni Uzumaki. Lumapit naman ako sakanila para makisali. Abot ko yung tiles kaya hindi ako takot.

Naglalaro kami ngayon. Nakasakay sa likod ko si Killua habang buhat ko naman sa gilid ko si Levi. Si Uzumaki naman ang humahabol samin.

" Faster mommy andyan na si kuya!" Tumatawang sabi ni Killua habang mahigpit ang kapit sa likod ko. Binilisan ko naman ang paglayo kay Uzumaki habang tumatawa.

Masaya lang kaming naglalaro ng may tumawag sa pangalan ng mga anak ko.

" Uzumaki! Killua! Levi!" Napatingin naman kami kay Luke habang kumakaway pa ito sa mga anak ko. Halos manigas ako sa kinatatayuan ng makita ko ang mga kasama nya. Hindi lang sila ate Charmaine at kuya Liam ang kasama nya. Kasama din nila ang mga kaibigan namin at ang lalakeng ayaw ko pang makita.

Lucious

Gaya ng expression ko ay gulat na gulat din sila. Nabalik lang ako sa wisyo ng gumalaw si Killua sa likod ko at lumapit kay Luke ganon din ang ginawa ni Levi at Uzumaki.

Nang makabawi ay tinignan ko silang muli at doon ko lang napansin na kasama din nila si Shannon na masama ang tingin saakin. Sya pa itong masama kung makatingin sya itong may kasalanan saakin. Hindi ko nalang sya pinansin dahil kapit na kapit sya kay Lucious. Linta ka ghourl?

Lumapit sakin ang mga kaibigan namin at kinamusta ako.

" Aeofi, kamusta ka na? it's been what? five years?" nakangiting tanong sakin ni Graya. Ngumiti naman ako dito bago sumagot.

" Ayos lang, kayo ba?" Binalingan naman ito ang batang lalake na nasa gilid nya.

" Eto may anak na kami ni Silver. Gray bless ka kay tita Aeofi." Utos nya sa batang katabi. Nagmano naman sakin ang bata kaya hinaplos ko ang pisnge nito. Nginitian naman ako ng asawa nyang si Silver.

" Saan ka ba nagpunta, Aeofi hinanap ka namin." Bumaling naman ako kay Hera na nagtanong may buhat itong batang lalake. Halos napansin kong magkaka edad lamang ang mga anak namin.

" Dyan lang. Mahabang kwento." Umiiwas na sagot ko. Napansin naman nya ito kaya ngumiti ito at pinagmano ang anak nya.

"  Ares, bless ka din kay tita Aeofi." Nag mano naman sakin si Ares kaya hinaplos ko din ang pisnge nya.

" Ares, Gray punta muna kayo kina Luke, magkukwentuhan lang kami ng tita Aeofi nyo." Utos ng asawa si Hera na si Zeus. Namamangha ako sa pamilya nila dahil sobrang mala greek Gods ang mga pangalan nila.

Sinunod naman ni Gray at Ares ang utos ni Zeus kaya nilapitan nila sina Uzumaki na kasalukuyang nag-s-swimming kasama si Luke. Kasama na din nila si Luka ang panganay nila ate Charmaine. Ang bilis naman ata nilang maging close?

Tinignan ko naman ang mga naiwan na kasama ko. Si ate Charmaine, kuya Liam, Graya, Silver, Hera, Zeus, Shadilaine, Shannon at si Lucious na seryosong pinagmamasdan ang mga anak ko.

Mukhang si Shadilaine nalang ang walang asawa sakanila. Masama pa rin kung tumingin sakin si Shannon na hindi ko naman pinapansin. Napaiwas ako ng tingin ng bumaling sakin si Lucious.

" You're already married?" Natahimik kaming lahat sa tanong nya. Pag- kaalis kasi nila Gray ay nagsimula na silang magkwento at magtanong ngayon lang nagsalita si Lucious kaya natahimik kaming lahat.

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon