CHAPTER 21 | WHO'S SIDE WILL YOU CHOOSE?

12.7K 294 1
                                    

Chapter 21

PAG DATING ni Lucious ay dumaretso kami sa kwarto nila Shannon. Iisa lang kasi ang kwarto ni Shannon at Lukas. Kumatok si Lucious sa kwarto nila.

" Shannon, buksan mo ang pinto." Malamig na sabi ni Lucious habang kumakatok. Hindi naman nagtagal ay binuksan ito ni Shannon. Nakita ko din sa gilid nya si Lukas na agad naman kinuha ni Lucious.

" Are you okay?" Tanong ni Lucious dito. Halata sa mata ni Lukas na galing ito sa pag iyak. Pinalo ba ito ni Shannon?

" Inaway nya po ako." Nagulat ako sa sinabi ni Lukas dahil tumingin pa ito sakin bago magsalita. Inaway ko sya?

" Lukas, bakit ka naman aawayin ng tita Aeofi mo?" Marahang tanong sakanya ni Lucious.

" Natatakot lang yan na baka mas piliin mo kami ni Lukas kesa sakanya." Sabat ni Shannon. Wow ako pa ang takot? Sino ba sya sa akala nya?

" Manahimik ka Shannon hindi ikaw ang kinakausap ko." Napapahiyang yumuko sya kaya naman nabaling ulit ang tingin ni Lucious kay Lukas.

" Hindi ko po alam bigla nalang po nya akong inaway." Sagot ni Lukas. Halata namang utos sakanya to ni Shannon. Sa itim ba naman ng budhi ng babaeng to hindi na ako nagtataka.

" Lukas, tell me the truth. Hindi ka magagawang awayin ng tita Aeofi mo." Sabi ni Lucious kay Lukas.

" Pinagtatanggol mo pa ang babaeng yan? inaway na nga nya ang anak natin." Galit na sabi ni Shannon.

" Kung inaway sya ni Aeofi bakit hindi mo sya pinagtanggol?" Sagot sakanya ni Lucious.

" Natural kapag sinaktan ko ang babaeng yan ako nanaman ang may kasalanan saka hindi mo naman ako kakampihan." Sagot ni Shannon.

" Can you please stop? obvious naman na inutusan mo si Lukas na sabihing inaway sya ni Aeofi. Si Aeofi pa ang nag pa uwi sakin dahil nag aalala sya kay Lukas kaya paanong si Aeofi ang umaway kay Lukas?" Sagot sakanya ni Lucious.

" Kung hindi ka titigil sa mga kalokohan mo hindi ako magdadalawang isip palayasin ka." Dagdag ni Lucious. Bago pa man makasagot si Shannon ay hinila na ako ni Lucious paalis sa kwarto ni Shannon kasama si Lukas.

Dumaretso kami sa kwarto namin.

" Na stress ka ba, Love?" Tanong sakin ni Lucious. Umiling naman ako sakanya saka binalingan si Lukas na naka yuko.

" Lukas." Sabay na tawag namin sakanya ni Lucious nang tumayo ito at walang pasabing lumabas ng kwarto namin. Kahit naman anong sabihin o gawin namin ay si Shannon pa rin ang nanay nya.

Hindi na muling bumalik sa opisina si Lucious dahil mas gusto nalang daw nya dito sa bahay. Mag lalunch na nang bumaba kami, sakto naman ang pag uwi ng mga bata. Nasa dulo na kami ng hagdan nang makarinig kami ng sigiwan.

" That will never happen. Daddy will never leave us." Narinig kong sigaw ng anak naming si Uzumaki bago kami makarating sa sala kung nasaan sila.

Naabutan naming nakaupo sa carpet si Lukas habang nakatayo sa harap nya ang tatlo naming anak. Si Shannon naman ay kalalabas lang ng kusina.

" What's going on here?" Tanong ni Lucious sa mga bata. Lumapit naman si Shannon sa anak.

" You push my son?" Galit na tanong nya sa anak ko.

" It's his fault." Walang ganang sagot sakanya ni Killua.

" I would do the same kung hindi lang ako naunahan ni kuya Uzumaki." Bale walang sabi din ni Levi. Samantalang si Uzumaki naman ay umismid lang.

" Ganyan mo bang pinalaki ang mga anak mo, Aeofi?" Nag pintig ang tenga ko sa sinabi ni Shannon.

" Wala kang karapatang kwestyonin ang pagpapalaki ko sa mga anak ko. Huwag kang umastang para bang napaka buti mong ina." Galit na sagot ko sakanya. Hinawakan naman ako sa braso ni Lucious para pakalmahin.

" Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Aeofi, Shannon." Seryosong sabi sakanya ni Lucious.

" Kakampihan mo sila imbis na kami ni Lukas? sinaktan nila ang anak natin, Lucious." Hindi makapani walang tanong ni Shannon. Hindi naman itutulak ni Uzumaki si Lukas kung wala itong ginawang hindi maganda. Hindi pinansin ni Lucious si Shannon saka bumaling sa mga bata.

" Tell me what happened here." Ma otoridad na utos ni Lucious.

" I was just asking them if I could play with them po, pero nagulat nalang ako nung tinulak nya ako." Si Lukas ang unang sumagot. Hindi ako naniniwala sa sinabi nya hindi dahil sa kinakampihan ko ang mga anak ko kundi dahil alam kong hindi iyon gagawin ng mga anak ko. Hindi ganoon ka babaw ang mga anak ko para makipag away dahil lang sa gusto nitong makipag laro sakanila.

" Liar. Sabi nya mag hihiwalay din po kayo mommy and daddy. Mas pipiliin daw po ni Daddy ang mommy nya. Sinabi nya din na baka hindi si Daddy ang daddy ng pinagbubuntis ni mommy." Seryosong sabi ni Uzumaki. Hindi makapaniwalang tinignan ko si Lukas, napaka bata nya pa para malaman ang mga ganito.

" Is that true, Lukas?" Seryosong tanong ni Lucious kay Lukas.

" Paniniwalaan mo yan? kitang kita namang tinulak nya si Lukas." Sabat ni Shannon.

" Shut up, Shannon. Now, answer me Lukas." Sabi ni Lucious habang seryoso pa rin ang mukha.

" No, hindi ko po sinabi yon, Daddy." Naka yuko na si Lukas at hindi makatingin kay Lucious.

" I'll ask you one more time, Lukas. Kapag hindi ko pa nagustuhan ang sagot mo magagalit na ako sayo." Lucious said.

" Totoo bang sinabi mo ang mga bagay na yon, Lukas?" Lucious asked once again.

" Lucious, ano ba? sinasabi mo bang nagsisinungaling si Lukas? Lucious anak mo din si Lukas. Bakit hindi mo sya magawang kampihan?" Sabat nanaman ni Shannon.

" Paano ko sya kakampihan kung alam kong mali ang ginagawa nya?" Lucious answered. " Paano nya magagawang sabihin ang mga bagay na yon kung hindi ito iniutos sakanya? Shannon for pete's sake Lukas is just 4 years old paano nya malalaman ang mga bagay na yon?" Dagdag pa ni Lucious.

" So sinasabi mong inutusan ko syang sabihin ang mga bagay na yon?" Hindi makapaniwalang sagot ni Shannon sakanya.

" Sa itim ng budhi mo? hindi na kami magtataka kung ano anong tinuturo mo sa anak mo." Sagot ko sakanya. Paano nya nagagawang tawaging ina ang sarili nya kung sya mismo ang nagtuturo ng masamang bagay sa anak nya.

" How dare you." Galit na sagot nya, susugurin na sana nya ako nang pumagitna si Lucious.

" Don't you dare lay your fingers to my wife. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Lucios said with a dangerous tone.

Inis na tinignan nya ako bago pumanik sa taas. Si Lukas naman ay nanatiling nakayuko. Nilapitan ko ito saka tinapik sa balikat. Napatingin naman ito saakin kaya nginitian ko ito. Hinila ko ito kasama ang mga bata sa dinning area para makakain na kami. Nakasunod naman samin si Lucious.

Walang kasalanan si Lukas, ang nanay nya ang may kasalanan. Bata lang si Lukas na nangangailangan ng gabay ng magulang.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

- Hellooo, medyo maaga yung update ko ngayon compared sa mga nakaraang kong update.

Gusto ko lang sabihin sainyo na starting today mag iiba na yung sched ko sa pag uupdate. Mag sisimula na kasi bukas yung online class namin kaya hindi na ako pwedeng mag puyat nang madalas. I'll try updating as soon as possible. Yun lang hehe.

Enjoy reading and keep safe always everyone >○<

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon