CHAPTER 8 | MEET

17.9K 388 7
                                    

Chapter 8

KINABUKASAN, for goodness' sake 6 am palang kumakatok na sya sa pintuan ng hotel room namin. Hindi naman halatang excited sya. Pina- upo ko muna sya sa kusina nitong room namin para maka pagluto ako tutal tulog pa naman ang mga bata.  Ang maganda dito sa hotel na tinutuluyan namin ay malaki talaga yung room nila may kitchen pa nga kaya sulit din ang binayad namin.

" Alam ba ni Shannon na nandito ka?" Basag ko sa katahimikan. Nakatalikod ako dito dahil hinahalo ko yung sinangag kaya hindi ko makita ang reaksyon nya.

" Let's not talk about her, love." Mama mo love.

" Can you please stop calling me that." I rolled my eyes kahit hindi nya nakikita.

" Why? I like it more when I call you love." Rinig ko sa tono nito ang pang aasar.

" You like it but I don't so stop it." Narinig ko itong bumuntong hininga kaya hinayaan ko nalang.

Nang matapos akong magluto ay naghain na ako saka ko ginising ang mga bata. Pag upo ng mga bata sa lamesa ay nagtataka nila syang tinignan.

" What arw you doing here?" hindi na ako nagtataka ng itanong ito ni Uzumaki. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na alam na nilang sya ang tatay nila. Tumingin naman sakin si Lucious bago sumagot.

" I wanted to meet you." Ngumiti ito na hindi naman sinuklian ng mga bata kaya naman sumabat na ako.

" Kids, kindly introduce yourselves please." Nginitian naman ako ng mga bata bago sumagot.

" Uzumaki Lucious Ferrer, the eldest." Naunang magpakilala si Uzumaki.

" Killua Lux Ferrer, middle." Sumunod si Killua.

" Levi Lucian Ferrer, the youngest." At ang panghuli, si Levi. Tinignan ko naman si Lucious at tinanguan para sya naman ang magpakilala sa mga anak na- anak ko.

" I'm Lucious D'Angelo Ferrer, your daddy." Bakas sa boses nya ang saya at pagka sabik sa mga anak.

" We know." Maikling sagot sakanya ni Killua. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ng mga anak ko. Gusto nilang makilala ang daddy nila kaya nagtataka ako bakit malamig ang pakikitungo nila sa ama.

" Don't you want to hug your daddy?" tanong ko sakanila. Nagkatinginan naman silang tatlo bago lumapit sa tatay nila. Yumakap si Killua at Levi sakanya samantalang si Uzumaki ay naiwan sa upuan nito.

" Is there a problem, anak?" malambing na tanong ko dito. Umiling lang ito kaya nagtanong ulit ako.

" Why don't you hug your daddy?" Hindi ko napansing nakatingin din pala saamin si Lucious bakas sa mata nito ang sakit dahil sa para bang walang pake sakanya ang panganay na anak.

" Baka kasi mawala nanaman po ulit sya mommy, kaya ayos na din po yung hindi ako mapalapit sakanya at least hindi ganon magiging kasakit kapag po umalis sya." Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya. My poor baby.

" Baby, hindi aalis si daddy, hindi ko kayo iiwan." Ibinaba nya sa pagkakayakap sina Killua at Levi saka lumapit kay Uzumaki. Hinaplos nito ang ulo ng anak saka marahan itong niyakap.

Sa pagkakataong ito ay yumakap na pabalik sakanya si Uzumaki. Ngumiti naman ako ng tumingin ito sakin habang yakap ang anak. He mouthed thank you and I mouthed welcome.

NAGING masaya ang almusal namin lalo na't nagkukwentuhan silang mag aama. Hindi maalis ang ngiti saaking labi sa nasisilayan. Sana ganito nalang palagi.

" Are we going to live together po, daddy?" Muntikan naman akong mabulunan sa tanong ni Killua sa ama. Tumingin naman sakin si Lucious bago tumingin sa anak. Bago pa man ito makasagot ay naunahan ko na ito.

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon