Chapter 4

277 9 2
                                    

Chapter 4

Kiss

Regretting my decisions are not new to me. I always enter circumstances like that. Lalo na nitong mga nagdaang araw at sa sunod-sunod kong mga issue.

But I never did arrive into something that I almost want to go back and say that everything is just a lie! Sa sinabi ko kanina ay parang hinihila ako ng mga paa na bumalik sa mansion at ipagsigawan na hindi totoo ang sinabi ko!

Bakit ko iyon sinabi? Yes, I want to piss Vanessa off. Pero... iyon lang ba ang pwedeng sabihin para mainis siya? Na fiancee ko si Architect Valencia?!

No! Freaking no! Ang dami-dami ko pang pwedeng sabihin pero iyon talaga ang pinili ko! Siguro dahil konektado iyon sa sinabi niya... pero hindi ba't mas malaking problema ata kapag nagsimulang kumalat ang bagay na iyon?

Lalo na't ako pa mismo ang nagsabi!

Damn it!

Napahimalos ako sa mukha kasabay nang pagbukas ko ng pinto ng aking condo. At first, I didn't mind the opened lights. Wala pa ako sa sarili nang pumasok at lumilipad pa rin ang isip sa kabaliwang ginawa nang masulyapan ko si Tito Rey sa sala.

"Saan ka galing?"

My eyes slowly widened when memories of what happened earlier started to bombard my mind. Sabayan pa ng nanlilisik na mga mata ni Tito!

"U-Uh..." my fingers fidgeted unconsciously behind me as I thought of possible reasons to use.

Hindi pa naman niya siguro alam ang nangyari ngayong araw, hindi ba?

Siguro ay galit siya dahil pinagbawalan niya akong lumabas tapos madadatnan niyang wala ako sa condo. And worst, I arrived really late, the reason why he's looking at me with piercing eyes.

Even with the obvious realization, I still chose to look at the bright and impossible side.

"Sa convenience store lang, Tito..." I lied and cleared my throat.

Dahan-dahan akong humakbang patungong kwarto habang nagkukunwaring kalmado na tila ayos lang ang lahat.

"Kiara," I stopped in my tracks when he called my name sternly.

I swallowed hard and chose to ignore him. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napapikit na lang ako at halos mapatili nang marinig ang marahas na paglapag ng babasaging baso sa babasagin ring coffee table kaya nagdulot iyon ng ingay!

"Pinaka ayoko sa lahat ay ang nagsisinungaling," si Tito na seryosong-seryoso na ngayon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at naikuyom ko ang kamao. When I'm still trying to take everything lightly yesterday or even hours ago, with Tito Rey's tone of voice right now, I knew that everything was already getting serious. 

Mas napatunayan ko iyon nang masulyapan ang kaniyang laptop na nakapatong sa coffee table at laman noon ay ang litrato ko... sakay ng Mustang at kasama si Architect Valencia. Fuck.

That's the photo of me earlier and even without the visible headline, I already knew what the article was pointing out.

"Ano na naman ito, Kiara?" He is calm but I can sense the storm slowly brewing inside.

Napalunok ako at unti-unting hinarap si Tito. I decided to say everything in one shot.

"Lumabas ako dahil gusto ko lang bumili sa malapit na convenience store, Tito," I said and I saw how his lips parted to say something but I didn't let him. "I wore a disguise, if it's still not obvious right now. At hindi ko naman inexpect na makikilala ako ng mga reporters!"

Burning Attraction (BLA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon