Chapter 16

96 7 0
                                    

Chapter 16

Drunk

I pushed him away from me the moment the guy left. Masamang tingin ang ibinato ko sa kaniya at mabilis siyang nilagpasan.

He caught my wrist, though and pulled me back.

"Ano ba?!" Singhal ko agad nang magtama ang tingin namin.

He looked shocked for a second because of my sudden outburst.

"What's wrong?" He asked.

Matagal ko siyang tinitigan ng masama bago marahas na hinila ang palapulsuhan pero hindi niya iyon binitawan. He's not holding me tight but there is a force on how his long fingers encircle around my wrist that I can't just pull it away easily.

"Bitawan mo ako," I said sternly and looked at him with ice cold eyes.

In the end, he sighed before he swiftly removed the suit he was wearing and covered me with it. Ipinatong niya iyon sa balikat ko at inangat ang isang sleeve, asking me to insert my arm there pero nanatili akong malamig ang tingin sa kaniya.

He exhaled in a slow manner before he took my hand to insert it himself but I slapped his hand away.

He groaned and now looked at me with his usual scowl.

"You asked me out for lunch. I called you and texted you but you did not give me any replies. Bakit ikaw ang galit?" He snapped and pulled his suit towards him, pulling me, too.

"Ano ba?!" Inis na ika ko at tinanggal ang suit na ipinatong niya sa balikat ko. "Magpapalit rin lang ako kaya hindi na kailangan 'yan!"

Tinalikuran ko na siya agad para pumuntang dressing room pero sumunod din siya agad.

"Did I do anything wrong?" He asked while tailing me.

"No..." I answered coldly.

Si Nica ang nadatnan ko sa dressing room na inaayos na ang ipapamalit ko. She looked at me with a smile but when Theo entered, her face immediately changed into a shocked and questioning expression now.

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang damit na inihanda niya para makapagpalit na. I remember I still have a photoshoot later on so I have to move fast because Tito Rey might get irritated again.

Papasok na ako sa CR nang makitang sumusunod pa rin sa akin si Theo. I turned to him with a sarcastic smirk.

"What? You'll watch me change?" I smirked.

He looked at me carefully. Tila naninimbang ang tingin niya bago umawang ang labi niya para magsalita.

"You want me to?"

Nawala ang ngisi ko. Ang manyak na lalaking ito!

Padabog ko na lang na isinara ang pintuan at halos hampasin ang hangin, iniisip na siya iyon kahit may pintuan sa gitna namin!

Nakakainis kasi siya! Kapag siya okay lang na hawak-hawakan ng ibang babae! Wala naman siyang ginagawa tapos hindi niya man lang tinanggal iyong kamay na nasa hita niya kanina! He can't even avoid her knowing that she's obviously trying to seduce him!

Tapos ako, trabaho lang naman at nakikipagkaibigan lang pero bawal na agad! I know we have rules but he don't have any rights to stop me from befriending other guys when I don't stop him from doing it! Ang kapal naman ng mukha niyang magalit dahil lang may nakikipag-usap sa akin na lalaki pero hindi niya naman magawang umiwas sa mga babae!

"Let's go, Nica..." tawag ko sa PA matapos magpalit.

Nadatnan ko pa si Theo doon, nakaupo sa sofa habang ang siko ay nakapatong sa hita at bahagyang nakayuko. His eyes found mine the moment I went out and he immediately stood up pero pairap lang akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Burning Attraction (BLA #1)Where stories live. Discover now