Chapter 32

2.6K 86 5
                                    

Max

Narinig ko ang lahat ng sinabi ni Black doon sa yate, tatayo na sana ako doon sa kama ng marinig ko ang mga apak ng paa kaya bumalik ako sa pagkakahiga at nagtulog tulogan.

Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa sinabi niya pagkatapos kong marinig ang pinag uusapan nila ng kaibigan niya. Ang gusto ko lang ngayon ang maka uwi sa amin dahil hindi ko kayang magtagal kaming magkasama, baka isang araw mahulog na naman ako sa kanya at ayokong mangyari ulit kong ano man kami noon.

Takot kalang eh! Pero marupok! Amininn.

Wala akong tiwala pagdating sa sarili kong damdamin, dahil nong narinig ko ang sinabi niya bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kaya nong gabing iyon ay tinawagan ko si Ashleyah.

"Nako nako nako! Wag kang bumigay agad no! Dapat lang sa lalaking yan ang mahirapan dahil sa ginawang panloloko niya sayo noon! Pero KYAAAAAAHHH ang gwapo pala nang jowa mo bes"

Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Tumigil ka nga jan!"

"Nakoooo selos naman agad! FYI di ko pag papalit yung babybabe ko no!"

"Ewww! Corny mo!" angal ko sa kanya, tinawanan lang ako ng bruha.

"At least may asawa! HAHA pero wag na nga nating pag usapan yung sakin. So ano nang gagawin mo? Kinidnap ka na eh. Payag ka nalang kayang pakasal kayo?" parang wala sa sarili niyang sabi.

"Ashleyah!" rinig na rinig ko ang pang bruha niyang tawa sa kabila.

"Di joke lang! Pero pwede ding totohanin tutal dun din naman ang punta niyang dawala, pakipot ka nga lang."

Ewan ko lang sa babaeng to paiba iba ang isip, hindi ko alam kong anong pinakain niya sa kanyang naging asawa at pinatulan siya pang takas mental ang isip.

"Ewan ko sayo! Ang tino mong kausap!"

"HAHAHA welcome."

"Bye na nga!"

Natapos ang usapan  namin nang walang matinong pinag usapan. Kaya natulog nalang ako pagkatapos naming mag usap. Dahil di man lang tumawag yung mga magulang ko para alalahanin ako, kaya ibig sabihin lang non alam nila! Hayst! Binibinta na nila yata ako.

------

Ilang araw na kami dito at kahit anong sabihin ko kay Black na bumalik na kami ay lagi niya nalang akong iniiwan bigla dito ewan ko kung san siya pumupunta.

May isang kasambahay namang pumupunta dito si Manang Losing, akala ko kami lang talagang dalawa dito.

Lumabas ako sa kwarto ko dahil nababagot na ako sa loob wala naman akong ibang gagawin maliban sa pagligo sa dagat.

Nakita ko si Manang Losing sa kusina na naghahanda nang langhalian namin.

"Manang asan po si Black?"

"Talagang bata yun di nagsasabi sayo kong saan pupunta. Nasa baryo hija may bibilhin ata." nagtataka ako dahil sa isang linggo ko dito diko alam kong may ibang lugar pa dito.

Di ka naman kasi nagtatanong Max dahil palaging sinusungitan mo yung tao.

Yeah whatever. Kung inuwi niya na sana ako di sana ako magsusungit sa kanya.

"Malayo po ba dito yung baryo manang?" tanong ko kay manang.

"Nako malayo layo rin hija pero kong gusto mong pumunta doon ay sasamahan kita." nakangiting sabi niya sakin.

"Talaga po manang!?" masayang tuno kong sabi, dahil na bobored na talaga ako dito.

"Oo–"

Hindi natapos ni manang ang sasabihin dahil may biglang nagsalita sa likod ko, at alam ko kong sino ang nakakapagwalang gana sakin.

"No. If you want to go there I'll be the one to go with you." lumakad siya papunta kay manang at binigay ang mga pinamili niya.

"Hmp! Hindi nalang! Nakakawalang gana na palang pumunta don!" padabog kong sabi at lumingon kay manang.

"Manang ligo lang po ako sa dagat" sabay alis ko sa harap nila. Narinig ko pang may sinabi si manang pero hindi ko na iyon pinansin.

Dumiritso ako sa likod nang malaking bahay, nang may nakita akong malaking bato ay lumapit ako doon at hinubad ang dapit ko at iniwan nalang ang panloob.

I'm aware naman sa ka sexyhan ko kaya wala akong dapat na ikahiya kong sino ang makakita sa akin dito. Sabagay mukang private place dito sa bahay ni Black dahil wala akong nakikitang mga tao o kabahayan.

Lumangoy ako palayo sa isla at tumigil nang hanggang bewang ko na yung tubig.

Masarap ang tubig kahit tanghali na, lalangoy pa sana ako palayo ng may maramdaman akong pumulupot sa bewang ko.

"KYAAAAAAHHHHH!!" sigaw ko at pinaghahampas ang kung ano mang nakapulopot sakin.

Nang may umahon sa harap ko ay mas lalo kong nilakasan yung pagpalo, kanina na sa braso niyang naka hawak sakin ngayon naman ay sa mismong mukha niya.

"Ouch! Ouch! Baby stop it or else I'll kiss you!" hinarang niya yung isang kamay niya sa mukha niya para hindi siya matamaan.

"Bakit kaba kasi bigla nalang sumusulpot ha!?" galit kong tanong sa kanya. "At bitawan mo nga ako! Chansing ka lang eh! Di porket–" tinigil ko ang dapat kong sabihin dahil baka malaman niyang narinig ko ang sinabi niya sakin nong tulog ako.

"What? Ba't ka tumigil. Go on say what you wanted to say."

"W–wala. Bitawan mo ako babalik na ako."

Nang hindi niya ginawa ay ako ang kumuha sa braso niya at aalisin ko na sana pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. Dinikit niya pa lalo ang katawan ko sa kanya.

"A–ano ba Black." yung galit ko sana ay bigla nalang naging mahinhin nang maramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko.

"Look at me baby, look in to my eyes."

He hold my chin para matitigan ako. Para akong kinakabahan sa mga titig niya sa akin, parang hinihila ako ng mga mata niya. Ang tingin niya ay bumaba sa lips ko at ginaya ko rin ang ginawa niya. I look into his lips sobrang pula nun na parang nilagyan ng lipstick, manipis na bumagay lalo sa maganda niyang mukha. Kung titignan mo ay sobrang lambot nito.

You tasted it already Max.

Namula ang mukha ko sa naisip ko kaya binalik ko ang tingin sa kanyang mata, too late alam niya na palang kanina ko pa tinititigan ang lips niya kaya mas lalo akong namula.

"You look like a tomato at masaya akong may epekto pala ako sayo" tumigil siya saglit at tinitigan ulit ang lips ko.

"I want to kiss you" sabi niya ng hindi inalis ang tingin sa labi ko.

"D–dont. Don't k–kiss me."

"Too late I already want to."

At tsaka niya ako hinalikan, nong una ay dahan dahan lang na para bang isa akong babasaging crystal na ayaw niyang mabasag hanggang sa lumalim na ito at hindi ko na kayang tanggihan kaya sinabayan ko ang labi niya. Ramdam ko ang pinaparamdam niya sa kanyang halik pero takot akong paniwalaan at sumubok ulit.

"I love you Maxeen" sabi niya sa pagitan ng halikan namin kaya nagising ako at tinulak siya.

Para siyang hinang hina dahil pagtulak ko ay nabitawan niya ako kaya ginawa kong opportunidad iyon para makabalik sa ibabaw, nang makaahon ay dali dali kong kinuha ang mga dapit ko at walang lingon lingong bumalik sa bahay.



--------

Okay lang ba?

My Maniac CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now