Chapter 8

4.5K 138 0
                                    

EDITED!

Please support my second book guys 🥺
Azarel Perez's Possession

****

Maxeen POV

Nagbihis na ako dahil alam kong darating din maya maya yung manyak kong boss.

Nagsuot ako ng crop top at short short alangan naman magsuot ako nang pantulog eh bar ang pupuntahan ko. Namimis ko na tuloy yung bruha kong kaibigan matawagan nga yun mamaya para kumostahin. Pagkatapos kong magbihis ay humarap ako sa salamin at kumoha ng lipstick at polbo naglagay na rin ako ng blush on para di naman ako maputla kong tignan.

*peep*peep*peep*

Ang boss ko na siguro yun, sinulyapan ko ang wall clock it's almost 8:00 na pala dali dali kong kinuha yung maliit kong sling bag at ni lock ang pinto ng bahay ko. Hindi kasi muna ako umuwi sa condo ko dahil malayo sa pinagtratrabahoan ko.

"Ang tagal mo naman kanina pa ako nandito." bungad niya pagka lapit ko sa kotse para pagbuksan ako.

"Sungit!"  Mahibang sabi ko.

"May sinasabi ka?"

"May narinig kaba?" Balik tanong ko sa kanya.

Hindi na siya kumibo pa mukhang wala sa mood tong mokong. Hayyy iba talaga pag may sapi kang mga kaibigan madadamay at madadamay ka talaga sa kabaliwan buti pa yung isa nilang kasama di ko nga lang alam ang pangalan. Sana naman makilala ko siya mamaya pero sigurado ako katulad rin yun sa mga kaibigan niya.

Sinalpak ko ang tape na nakita ko di naman niya ako sinuway kaya okay lang siguro ang boring naman ng byahe namin kong hindi kami maguusap. Habang nakikinig ako tumitingin tingin naman ako sa dinadaanan namin napansin ko lang parang ang layo ata ng bar na pupuntahan namin.

"Ahm boss? Parang hindi ata dito ang daan papuntang bar."

"We're going to my rest house nandoon na rin sila."

"Akala ko ba magba bar tayo?"

"Gusto mo naman? Akala mo papayag akong magba bar tayo ng kasama ka?" Iritang sabi niya. Ay wow! Sarap sipain pa labas ng kotse.

Ouch ha! Kong ayaw niya akong kasamang mag bar nagsabi nalang sana siya para makatangi ako sa mga kaibigan niyang mga baliw na katulad niya.

"Ibaba mo ako dito." malamig kong sabi sa kanya.

"What?! At bakit ko naman gagawin yun?" Sigaw niyang sagot sa akin. Nagtataka siguro siya sa inaakto ko. Pero duhhh!

"Ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mo akong kasamang magbar at kong ayaw mo ibaba mo ako magba bar akong mag isa."

"What?! No way!"

"What whatin mo mukha mong gago ka! Ibaba mo ako dito!" Naiinis na ako sa gagong to kong makapagsalita akala mo kung sino porque boss ko siya ay gaganyanin niya na ako. Minura ko na talaga siya dahil hindi ko mapigilan, bahala na kong na sisante ako.

"Paki sabi na rin sa mga kaibigan mong mga gago na salamat sa pag aaya paki baba nalang ako jan sa gilid uuwi akong mag isa."

"No way! At bakit ko naman gagawin ang pinagsasabi mo?"

"Dahil sinabi ko! Hindi porque ikaw ang boss dito eh ikaw na ang masusunod! For your information wala tayo sa opisina mo para utos utosan at pagalitan ako!" Galit kong sabi sa kanya wala akong paki kong wala na akong trabaho bukas hindi na ako magtataka dahil sinagot sagot ko siya.

"Will you shut your mouth? Hindi ka lalabas ng kotseng ito sa ayaw at gusto mo." matigas niyang sabi habang nakatotok sa daan.

Hindi na rin ako nagsalita bahala siya sa buhay niya kong makapag salita akala mo kong sino na boss ko lang naman.

Boss mo nga Max pero bat mo sinagot sagot?

Tumahik ka! Ahhhrrr bahala na kong pagkatapos nito wala na akong mapasukan na trabaho.

"We're here," tipid niyang sabi.

Tinignan ko kung saan kami huminto. Sa isang napaka laking bahay pero makikita mong walang nakatira dahil sa mga natuyong dahon pero ang ganda pa ring tignan dito sa labas ng bahay.

"Hey bud nanjan na pala kayo." Si Louis na lumabas sa gilid ng bahay.

Bigla namang bumokas ang pinto at lumabas si Flex kasama yung kaibigan nilang napaka seryoso akala mo pinag bagsakan ng langit at lupa.

"Max babeeee!" sigaw ni Flex at biglang tumakbo sa direksyon ko akmang yayakapin na nya ako ng biglang hinarangan siya ni Black.

"One wrong move and I will kill you."

"Damot! Akala mo naman sa kanya." Bulong ni Flex sakto lang para marinig ko pero hindi ko sila pinansin.

"May sinasabi ka?"

"Wala boss." nakangising sabi ni Flex kay Black.

"Tara na sa loob baka san pa mapunta yang pinag uusapan niyo." sabi nong seryosong kaibigan nila. Himala at nagsasalita pala 'to?

Cool...

Ang ganda pala ng boss niya bigla naman akong hinila ni Black sa loob nang bahay.

---
Don't forget to voteeeee, commenttttt and followwww. 😚

Aimymie

My Maniac CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now