Chapter 7

4.7K 162 0
                                    

EDITED!

Please support my second book guys 🥺
Azarel Perez's Possession

****


Maxeen POV

Kung ganito lang din naman kagwapo ang makikita ko dito araw-araw, why not?

Tumigil ka nga jan Max.

"Ahmm sir ano pong gusto niyong inomin? Bibili po ako sa labas." magalang na tanong ko sa mga bisita ni Xavier.

"No. Sila ang bibili sa gusto nilang inomin, back to your sit Maxeen." sabi ng boss kong manyak. Gusto kong mapairap sa ka walang mudo niya.

Bakit pa kaya ako hinire niya kong hindi ko aasikasuhin ang mga bisita niya? Gago ba tong mokong na to?

"Woah! Bro ang protective mo naman sa SECRETARY mo HAHAHA." sabi nong Flex.

Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

Hindi ko nalang sila pinansin at ginawa ko na lang ang gawain ko para maka uwi na rin ako ng maaga.

May bigla na namang pumasok sa office ni boss.

Ghaaddd lahat ba ng kaibigan ni manyak gwapo?

Hindi rin naman maipag kakaila na mayayaman ang mga ito.

"Stop staring at them Maxeen. Ba't ba kayo nandito? Wala ba kayong inatupag na trabaho sa mga opisina ninyo?" Naiiritang sabi ni boss. Ang big deal naman sa kanya kong naka tingin ako sa mga kaibigan niya, may mata ako kaya naka tingin ako.

Bakit ba ang init nang ulo nito, kanina sa restaurant ang manyak. May regla siguro tong lalaking to pabago bago ng isip daig pa kaming mga babae.

"Ano ka ba bro kami ang boss kaya pwede kaming umalis sa opisina namin kahit kailan namin gustohin." sagot nong kasama ni Flex na pumasok.

Mga mayayaman talaga porque sila na ang boss pwede na nilang gawin ang dapat nilang gawin, mayaman naman kami ay ang mga parents ko lang pala. Pero pumapasok naman si daddy everyday and take note on time pa.

"Tsk. O ano ngayon? Kita niyo bang may trabaho ako." pag susungit ng boss kong may regla.

"Bar tayo samo mo na rin si babe ko." sabi pa ni Flex.

"Flex isang tawag mo nalang sa kanya ng babe ko tatadyakan talaga kita at di ako sasama, kayo nalang."

My Maniac CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now