Chapter 23

2.8K 99 0
                                    

Max

We ate and talk masaya naman pala silang kasama. Nalaman ko ring gusto talaga nila akong makasama sa kanila kaso nga lang talaga palagi daw bontot ng bontot ang boss namin, tinanong nga nila ako kong bakit daw close kami ng boss nilang masungit, ayon sinabi ko sa kanilang kaibigan siya nong kaibigan at hinabilin lang ako sa kanya kahit hindi naman totoo.

Eh ayaw ko ngang sabihin sa kanila ang totoo ma issue pa ako e may girlfriend na pala yung ugok na yun.

Uy ang bitter mo sis. Paalahanan niyo nga ako na patayin tong isip ko.

Edi tigok ka na rin WHAHAHA

Okay fine. Shup up ka nalang jan.

So ayon nga pagkatapos kong magsinungaling sa kanila. Charot.

Hindi ba?

Aaarrrggghhhh..

Pagkatapos ng lunch break namin ay sabay din kaming umakyat.

"Sa susunod Max sama ka rin samin mag club" masayang aya sakin ni Helen. Kaibigan din siya ni Gwen, madaldal din tong babaeng to parang si Ashleyah.

"Game ako jan, kailan ba?"

"Ito naman excited masyado" natatawa pa si Gwen.

"Pag dating na ni boss para hindi kana tambak sa trabaho, kinawawa kapa naman ngayon at tsaka busy na rin yun si boss dahil nandito na yung dati niyang girlfriend ang balita ipagkaka sundo daw sila kong papayag si sir edi go na sila"

Namutla agad ako sa sinabi ni Gwen nanghina ako at napatigil sa paglalakad. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil bigla itong kumirot sa sakit. Napatigil sila sa pag uusap ng mapansin nilang naiwan ako sa likod.

"Okay kalang ba Max?" nag aalalang tanong ni Gwen.

"O-okay l-lang masama lang pakiramdam ko"

"Dalhin kana namin sa clinic" suggest pa ni Queeny sabay hawak ng braso ko para sa suporta.

"Ah hindi na salamat doon nalang ako magpapahinga sa opisina ko" sabi ko para hindi na sila mag alala. At mukhang gumaan naman ang pakiramdam nila sa sinabi ko.

"Ang hardworking mo kasi Max pahinga rin pag may time" Helen.

Nang makarating kami sa sarili naming cubicle ay ginawa na namin ang mga trabaho namin.

Hours pass hapon na pala kailangan ko na ring umuwi.

riinnggg. riiinggg..

Unknown calling....

Unknown?

Napag pasyahan kong sagutin ang tawag dahil baka importante.

"Yes hello? Who's this?" tanong ko agad sa kabilang linya.

"Ouch hindi pala naka save ang number ko ang sakit" pagdradrama sa kabilang linya. Nagtaka naman ako. Tsaka ko lang na isip na si Cedrik ang tumawag ng ma bosesan ko ang boses sa kabilang linya.

"Cedrik! Oh shock" gulat ko pang sabi sa kanya kaya natawa naman siya sa gulat kong boses.

"Pasensya na hindi ko na save ang number mo dahil busy ako sa trabaho"

"It's okay. By the way tuloy pa ba ang lakad natin ngayon?" natatawa niya paring sabi.

"Ah yes! Yes! Muntik ko na namang makalimotan hihi" nahihiya kong sagot.

"Double ouch Max, buti nalang pala at tumawag ko kong hindi hindi mo rin ako maaalala. By the way tapos ka na ba? Papunta na ako sa company mo"

"Ah oo sige hintayin nalang kita sa lobby"

My Maniac CEO (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu